Chapter Seven

1185 Words
Tulala lang ako buong hapon ng aking trabaho, ni hindi ko magawa ang mga papeles na dapat kong iche-check at ipapasa kay Sir Syche. Naiinis ako sa sarili ko, the deadline is today and there is still no progress!   Bumuntong hininga ako habang paulit-ulit na tinitignan at iniintindi ang mga papel sa aking harapan. Ipasa ko na lang kaya 'to kay Yel? Tutal mukhang alive na alive ang isang 'to!   Tumayo ako at dinala ang mga papeles, mataman ko iyong nilagay sa desk niya. Halatang nagulat si Yel sa ginawa ko dahil nanlaki ang singkit nitong mga mata.   "Ano yan?"   "Tapusin mo, okay lang? Ang sakit pa kasi ng ulo ko." Iniba ko ang aking boses at umarte na masakit nga talaga ang ulo ko.   "Ayan shot pa kasi! Ubusin mo pa 'yun ha?" Aniya at kinuha ang mga papel na nilapag ko, "Matulog ka muna diyan, hindi ka naman papagalitan ni Sir."   Umiling ako agad at hiniling ang katawan ko sa dingding. "That was really a bad idea."   Dapat ay hindi na ako nagpabida pa nong mga bagsak sila, I should've wait for them to wake up. Ako tuloy yung parang may pinaka maraming nainom sa aming lahat.   Kinuha ni Yel ang isang pilot ballpen at may sinusulat sa mga papeles tapos ay bumalik ito sa kanyang computer at nagtype.   "Inubos mo kasi, e. Kinilig ka siguro ng sobra doon sa lalaking nireto namin sayo." Sumilip si Yel sa akin, "Ano? Napalitan na ba si Fafa Mikael sa puso mo?"   Nanlaki ang mata ko sa binanggit niyang pangalan. Mabilis ko siyang pinatahimik. Paano na lang kung may makarinig sa kanya diba?!   "Ikaw talaga! Minsan nga ay kontrolin mo yang sinasabi mo!" Pinandilatan ko siya ng mata.   Yel laughed. "Ano? Almost all of the employees adore them. Hindi lang ikaw Aurora, ha? Iisipin lang nila na nagdeday dream ka sa crush mo na hindi mo makakamit."   Ngumuso ako, may punto naman siya. Hinayaan ko na lang si Yel sa mga binigay kong papeles sa kanya at bumalik na sa cubicle ko, napansin kong sina Meine at Ana ay nagnanakaw din ng tulog sa opisina.   Napailing ako sa aking sarili. Who would actually think of a party weekdays? Dapat ay sa day off na lang nila napag-isipan 'yon.   Alam ko naman na sa Sabado o Linggo ay magyayaya nanaman 'tong mga 'to sa Mamshies O kaya sa Styx kapag natapos na agad yun.   Para sa akin naman kasi, mas gusto ko ang Styx. Mga propesyonal at mga sanay sa bar talaga ang napunta roon. Hindi tulad sa mamshies na maraming nagtatawak ng uwak.   Sinubukan kong libangin ang sarili ko, naglaro na lang ako sa aking cellphone ng isang nauusong laro ngayon. Hindi ko nga lang maintindihan, hindi ko kasi alam ang hero na ginagamit ko at kung ano ang tatlong kailangan kong pindutin para makagawa siya ng isang magandang skill.   Hindi ko namalayan na naka trenta minutos na pala akong naglalaro at nagpapakatanga dito. Nilapag ni Yel ang mga papeles na pina-asikaso ko sa kanya.   "Ngayon ba irereport yan?" Tanong niya sa akin bago humikab.   Tumango ako. "Ibibigay 'to kay Sir Syche."   Tinanggap ko ang mga papeles at nagpasalamat kay Yel, inayos ko muna ang sarili ko sa aking sariling salamin. I need to look presentable to our boss. Kahit na alam kong mabait si Sir Syche ay dapat hindi ko inaabuso 'yon.   Nang makuntento na ako sa aking ayos ay nagmartsa na ako paakyat sa 30th floor. Nakakapanglito lang kasi napakataas ng aakyatan ko, ang pinaka mataas dito na floor ay kay Stan na opisina naman.   Bakit ang hihilig ng magkakapatid na 'yon sa matataas?   Lumabas ako ng elevator hudyat na tamang floor na ang napuntahan ko, tanging tunog lang ng takong ang umaalingawngaw sa buong pasilyo ng opisina.   Natanaw ko na sa di kalayuan ang office ni Sir Syche. Bumuntong hininga ako bago tuluyang puntahan iyon.   "Good afternoon, sir." Paggalang ko bago buksan ang pinto.   Napatigil ako nang nakita ang isang pamilyar na tao. The only man who can make my heart skip. Bakit nandito siya?!   Nag-angat ng tingin sa akin si Mikael. Hindi ako makahinga sa dilim ng titig nito sa akin. He is sitting on Sir Syche's chair.   "U-Uh.." Humigpit ang hawak ko sa mga papeles, "I-Ilalagay ko lang po.."   Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ako humakbang patungko sa mesa ni Sir Syche. Mikael is still looking at me and I don't want him to notice that I'm so nervous right now! Kailangan ay maayos pa rin ang galaw ko sa kabila ng aking kaba!   Nang mailagay ko na ang papeles sa lamesa ay agad akong tumalikod. I released a heavy sigh after that.   Handa na akong magmartsa paalis ng kwartong ito nang magsalita siya..   "You didn't answer my call."   Natigilan ako doon. Oo nga pala! Tumawag siya sa akin kagabi pero hindi ko na nasagot. Sabi niya rin naman kasi ay aksidente niya 'yong napindot.   Humarap ako sa kanya at yumuko.   "P-Pasensya na po sir.. Sabi n-niyo po kasi hindi niyo sinasadyang mapindot yung button." Aurora, why are you stuttering?!   Nakita ko ang paghilig ni Mikael sa swivel ni Sir Syche, he put his elbows on the chair tapos ay hinawakang ang sentido nito.   "You didn't reply to me neither." Dagdag pa nito, parang binabalewala ang mga sinasabi ko.   "S-sorry po... N-Nasa... Nasa.. party kasi ako." Nakakahiya naman! Bakit hindi ako makapagsalita ng maayos?   "Nakakaistorbo ba ako sayo nun?" Seryoso niyang tanong.   Taranta akong tumingin sa kanya at umiling. "Hindi po sir! Nalasing lang po talaga ako! Sorry po!"   I saw how his jaw clenched. Nanatili ang dilim ng titig niya sa akin.   "How did you get home?" Tanong niya.   "Hinatid po ako ng katrabaho ko--"   Pinutol niya agad ang sasabihin ko.   "Lalaki?"   Tumango ako ng dahan dahan.   "Anong oras na kayo natapos?" Lalong naging seryoso ang tono niya.   "Madaling araw na po."   Isang minutong katahimikan ang namayani sa amin. Hindi ko siya matignan ng diretsyo dahil natatakot ako, masyado siyang nakakaintimidate!   "S-Sir..."   "You shouldn't be partying when you still have a work to do." He said coldly.   Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at tumango na lang sa kanya. Is he mad? Bakit naman?   "Hindi mo magagawa ng maayos ang trabaho mo kinabukasan kung kulang ka sa tulog."   Tumayo si Mikael, inayos niya ang coat niya.   "Excuse me." Aniya at lumabas at nagmartsa palabas ng office.   Mahigpit kong hawak ang aking mga kamay. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagagalit pero naisip kong may punto din siya.   Gaya lamang ng ngayon, pinagawa ko pa talaga kay Yel ang dapat na trabaho ko.   Nang alam kong nahimasmasan na ako sa nangyari ay napagdesisyunan kong umalis na rin pero naabutan ko ang pagpasok ni Sir Syche.   "Ay sir! Good afternoon po! Nasa table niyo na po pala ang mga papeles."   Halatang nagulat si Sir Syche dahil nandito na agad ako sa loob.   "Oh.. Yes yes, thankyou Aurora.." Aniya lumapit siya sa kanyang table at pinasadahan ang mga papeles na nilapag ko. "Nakita mo ba si Mikael dito? Ang sabi ko may titignan lang ako sa baba."   "Uhm.. Kaaalis lang niya po.."   Inalis ni Sir Syche ang tingin niya sa mga papel at nilipat sa akin. "Nagkita kayo? Naabutan mo?"   Hindi ko alam kung bakit nahihiya akong sumagot pero tumango pa rin ako.   "May nasabi siya sayo?" Sunod na tanong ni Sir Syche.   Kumunot ang noo ko, humalakhak naman ito at itinaas ang kamay sa akin.   "Don't mind it. Sige na, you may go. Thank you again, Aurora!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD