Chapter Six

1614 Words
I thought this party won't last long but I was wrong!   Grabe ang inuman nila Ryan! At talagang nagkaroon pa ng pustahan sa kung sinong magyayayang umuwi ha? Ang kung sino daw ang magyayaya ay siyang magbabayad ng mga nainom namin.   Napapangiwi na lang ako habang sumisimsim ng isang hard liquor. Akala ko nung una, pacocktail cocktail lang. Bakit may mga ganitong inumin?   "Aurora! Tignan mo yung mga nakita nating estudyante. They are all looking at you!" Siko sa akin ni Yel.   Napapapikit na ako pero nagawa ko pa ring tignan ang mga kalalakihan sa likod. They all look like boys my age, sadyang nagtrabaho na ako agad at hindi na nagbumalak pang mag-aral.   "Ano? Sino jan crush mo? Kami bahala ni Meine!"   "H-Ha? Wala akong gusto diyan no!"   Ano ba naman itong mga kaibigan ko, they all want me to flirt with some senior high school students! Oo nga at sa edad ko ay dapat SHS pa rin ako, pero ewan ko ba. Simula nung nagkatrabaho ako ay pakiramdam ko, matanda na ako.   "Don't limit yourself to him, Aurora! Mas maraming crush, mas maraming chance!" Yel giggled.   "Tawagin namin para sayo?" Nangingiting wika naman ni Meine.   Feeling ko maaga akong magkakawrinkles sa mga kaibigan kong nagpupumilit na kumausap ako ng mga lalaking hindi ko naman talaga tipo! And what if I really want to limit myself? Hindi naman sigurong masamang magkagusto sa isang tao lang.   Hindi na ako naka-angal pa sa kagustuhan nila. They are all teasing me with the guy wearing black jacket, hindi ko masyadong maaninag ang mukha nun pero ayon kay Yel, he is handsome.   "Ehhhh, ayan na siya!" Kinikilig na sabi nitong kaibigan kong salahula at ininom ang kanyang alak.   Pinasadahan ng lalaki ang kanyang buhok. He is wearing glasses, halatang matalino ang isang 'to! Kasi ganoon naman talaga pag naka salamin diba? Automatic na matalino ka na.   His friends are also shouting things at him, lalong namula ang magkabilang pisngi ko nang dumagdag pa ang kaibigan ng lalaking 'to sa pang-aasar sa amin.   "Dito ka, Kuya! Dito ka!" Umalis si Yel sa inuupuan niya at maligalig na nilahad ang bakanteng espasyo sa tabi ko.   The guy smiled at her, ngumuso ako.   He is... handsome, okay?   Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sina Ryan ay naglabas ng kani-kanilang mga cellphone at parang vinivideohan pa ata kami!   "Hi miss." He said in a low voice.   Tumango ako, hindi makapagsalita.   Naglahad ng kamay ang lalaki sa akin. Kinakabahan ko pa iyong tinanggap dahil baka pasmado ako.   "I'm Ervin by the way." He said.   "Uh.. Ako nga pala si.. Patricia."   He hold my hand tightly while shaking it, hindi ko alam kung bakit biglang humigpit ang pagkakahawak niya dito, nang mapansin kong tumatagal na ang hawak niya ay ako na mismo ang nagtanggal ng kamay ko.   "Go on! Sige na, mag-iinom lang kami dito.." Ani Ana, iminuwestra niya ang bakanteng table malapit sa amin, "Gusto niyo bang bumukod?"   Nahihiya na ako. Pilit kong tinatabunan ang mga kantyaw ng mga kaibigan ko.   "Wag mo sila pansinin, they are drunk already, pasensya ka na."   "Okay lang. Kanina ko pa rin naman gustong hingin ang pangalan mo."   Nag-angat ako ng tingin sa kanya, okay. He is a good boy in disguise dahil hindi! Ang maamo nitong mga mata at perpektong ilong ay hindi nangangahulugang mabait ang isang 'to. Maybe this guy is a player? And he is just looking for someone to flirt in this bar!   "Um.. Hindi ba nakakahiya sa mga kaibigan mo? K-Kasi.. Parang hinila ka lang ng mga kaibigan ko dito."   "Hindi, Patricia. Okay lang. Gusto ko rin."   Napalunok ako. Wow! At his age he already knows how to use his words!   Kinuha ni Ervin ang kanyang phone sa likod ng bulsa nito, "Pwede ka ba i add?"   Tumango ako at kinuha rin ang phone na nasa lamesa. Isang pindot ko lang para makita ko ang aking lockscreen ay may notification na agad na bumungad.   Sinong nag message?   I hurriedly clicked the notification, nanlaki ang mga mata ko sa pangalan na lumabas.   Mikael Thai Arrhenius:   Mikael Thai is waving at you! Tap to wave back.   Hindi ko alam kung anong gagawin ko, bakit siya nag wave? Anong ibig sabihin?   "Patricia?"   Nilingon ko si Ervin na nakangiting naghihintay para makuha ang f*******: account ko, oo nga pala. Mabilis kong pinuntahan ang aking profile at pinakita ko ang pangalan ko sa kanya.   "Ayan.. Ayan yung f*******: account ko."   Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Ervin, huh? Why? Pangit ba ang profile picture ko?   "Someone is calling you." He said in a concerned voice.   Ano? Agad kong ibinalik ang screen sa akin at lumundag ang puso ko nang makitang tinatawagan ako ni Mikael!   Halos pagpawisan ako kahit na malamig ang lugar kung nasaan kami. Nakikipagtalo pa ako sa aking mga demonyo kung sasagutin ko ba ang tawag ni Mikael o hindi .   Bahala na nga!   Nang pipindutin ko na sana ang Answer ay bigla naman niyang pinatay ang tawag.   Aalisin ko na sana ang chat head ni Mikael pero nakita ko siyang nagtatype.   The hell?   Mikael Thai Arrhenius:   Sorry. I accidentally clicked the call button.   Halos magkandabuhol buhol ang mga salita sa aking isip! Na seen ko siya! s**t! Now I'm obliged to reply! At ano namang sasabihin ko?   "Patricia?"   Oo nga pala! Inalis ko na agad ang chat head ni Mikael at agad pinakita ang profile ko kay Ervin.   "Sorry, boss ko lang yun. Tinatawagan ako." Nahihiya kong sabi.   "Okay lang." Aniya habang may ngiting nakasilay sa mukha nang tinitipa na ang pangalan ko sa kanyang phone.   Wala pang ilang minuto ay nakita ko na ang isa pang notipikasyon na may nag-add nanaman sa akin. Tinignan ko 'yon at si Ervin nga.   Ervin Andre Pausanos.   Inaccept ko iyon at nakita ko na friends na agad kami.   "Now we're good." Aniya at binalik ang phone sa bulsa, miski ako ay ganoon din ang ginawa. "Saan ka nag-aaral?"   "Uh.. Nagtatrabaho na ako."   Hindi ko alam kung bakit parang nahihiya akong sabihin 'yon, pero kahit naman mag-aral ako ay sa trabaho pa rin mauuwi ang buhay ko. So why not earn early, right?   Tumango tango si Ervin, hinilig niya ang kanyang siko sa kulay brown na lamesa.   "Talaga? You look really young. Parang mas matanda pa ako sayo."   "I'm just eighteen."   Lumalim pa ang usapan namin ni Ervin, aniya ay ang pamilya niya daw ay may-ari ng isang branch ng mga gasolinahan. Only child lang daw siya kaya binibigay sa kanya ng magulang niya ang lahat. While he was telling me his story I couldn't help but to feel jealous. Buti pa kasi siya, mahal ng magulang.   Hindi ko na lang pinahalata na may iniisip akong malalim habang nagkwekwento siya.   Alas tres na ng madaling araw at patay na ang mga kaibigan ko sa kalasingan. Habang si Ervin naman ay mukhang sinusundo na ng tropa.   "You really think they can still drive?" Tanong ni Ervin sa akin, "Kaya kitang ihatid sainyo. I have my own car."   Mabilis akong umiling, kahit na mukha siyang mabait ay estranghero pa rin siya sa akin! "H-Hindi na! Kaya nila yan, mahihimasmasan din ang mga 'to."   Tumango ito sa akin at nagpaalam na.   Tinignan ko sina Yel na mukhang sumusuko na sa buhay, kanina lang ay nagtawag na ng uwak si Sophia kanina. Sina Ryan at Steve naman ay tulala lang.   Great! And we still have a work to attend to! Take note ha? Umaga pa ang trabaho namin na 'yon!   "Ry.. Kaya niyo pa ba magdrive? Hindi na ata kaya ni Meine, kayo na lang?" I asked him.   Sa aming lahat ata ay ako na lang ang pinakamatino.   Humikab si Ryan at hinimas ang sentido nito, "Teka lang Aurora, magpapalipas lang. Baka ma disgrasya tayo pag pinilit natin."   Tumango ako. Meron pang isang tower na medyo kalahati pa ang lahat, I don't think they will still drink this.   Dahil ako lang ang halos walang tama ay napagdesisyunan kong inumin ang laman non.   Tinignan ko ang phone ko habang nagsasalin ng alak sa aking baso. Nakita ko ang notification na nag message sa akin si Ervin.   Ervin Andre Pausanos:   Hello. Nakauwi ka na? :)   Sumimsim ako ng isang baso bago ko ito reply'an.   Ako:   Hindi pa. Ikaw?   Mabilis naman ang sagot sa akin ni Ervin kaya naman siguro ay hindi ako aantukin sa kanya.   Ervin Andrei Pausanos:   Bakit? Akala ko okay pa ang mga kasama mo?   Ako:   I was wrong. Haha.   Inabot kami ni Ervin ng isang oras sa pagchachat at hindi ko na rin namamalayan ang pagkaubos ko sa kalahating laman ng tower.   Unting unti nang bumabangon ang mga kasamahan ko pero ako naman itong parang inaalon ang aking paningin.   "Ayan! Inom pa!" Ani Yel at ginulo ang buhok ko.   Inis kong hinawi ang kamay niya. Baka sumuka ako!   Hinatid ni kami ni Ryan isa-isa, ang sasakyan ni Meine ay boyfriend niya ang nagdrive. Hindi na niya kaya, kung kaya't tinawagan na namin ang nobyo nito. Iritado pa nga 'yon pagkarating.   "Good mornight, Aurora!" Ani Ryan nang ibinaba ako sa tapat ng bahay.   Kumaway ako, ayoko magsalita. I know that I'll throw up in any minute. Gusto ko na lang mahiga.   Maingat kong binuksan ang gate, hindi sila nag lock dahil alam nilang nasa labas pa ako. Nang makarating sa pinto ay matagalang paghahanap pa ng susi ang ginawa ko.   Naghintay kaya sila? Nandyan kaya sila sa sala at nag-aabang sa akin? Oh! I hope they will not confront me for coming home this late!   Pero talagang mali ang umasa dahil pagbukas ko ng pintuan ay walang bumungad sa akin. The lights are off and they are probably sleeping already. Napangiti na lang ako sa aking sarili at sinarado ng maingat ang pintuan.   Umakyat ako sa hagdan, naaburan kong nakabukas ng onti ang pintuan nila Mama. Hind ko alam kung anong pumasok sa akin para silipin sila doon. I'm correct! They are peacefully sleeping. Nakaya nilang matulog na hindi pa ako umuuwi samantalang pag si Ate ang na late lang ng ilang minuto ay hindi na sila mapakali.   Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko, natatawa pa akong pinahid 'yon paalis.   Masanay ka na, Aurora. Dapat ay masanay ka na.   Hinayaan ko na lang ang sakit na nararamdaman, mawawala rin naman ito mamaya. Sa ngayon, kailangan ko ng matulog.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD