Umalis na sina Mikael at Sir Syche pagkatapos nun, Mikael just checked the facilities of our office. Hindi ko alam kung bakit parang nagkaroon sila ng biglaang fieldtrip ni Sir Syche.
At ako? Hindi ako halos makahinga. Seeing him that close to me? At crush ko pa siya? Saludo na nga ako sa sarili ko at hindi ako nahimatay habang hawak hawak niya ang kamay ko!
"God, Patricia!" Bunganga ni Yel ang sumalubong sa tila lutang ko pa na katuhan, "They are so damn fine!"
Panay ang yugyog sa akin ni Yel habang si Dan ay binibigyan kami ng isang nakakairitang tingin, hindi pa rin ako makapaniwala. He remembered me!
"s**t! Ang tagal na nung kasal ni Cadence, a? Pero naalala ka niya! s**t talaga!" Sabi pa ni Yel at halos mapapadyak na sa sobrang kilig.
"Tumahimik ka nga Yel!" Saway ni Dan dito, tila naiinis na.
I won't blame him for acting like that, we are getting our officemate's attention dahil nga sa mga tili ni Yel.
"Huwag ka ngang seloso! Alam mo, ganyan ka kasi puro Arrhenius ang nagugustuhan namin. Bakit kasi hindi diba?"
Hindi ko na pinansin ang dalawa na nagtatalo, bakit nga ba talaga hindi diba? Simple lang. Bukod sa nakakaloose thread sila ng panty ay hindi lang sila basta mayaman. They are very smart and known to topnotch board exams. Oo, marami silang nagiging fling pero hindi sunod-sunod.
They have their women one at a time, at hindi lang nila basta basta tinatapon ang mga babaeng nakakasama nila.
Which made me think, sino na kaya ang mga babaeng nakasama ni Mikael?
"Patricia!!" Muling yugyog sa akin ni Yel.
"Ano ba, Yel? Huwag ngang Patricia, hindi ako sanay."
"Tologo bo? Si Sir Mikael pag yan tinatawag sayo, gustong gusto mo tapos kapag kami ay hindi ka sanay?"
Ano? Napabuntong hininga na lang ako sa mga walang kwentang sinasabi ng kaibigan ko, si Dan naman ay parang pinagsisisihan na ang pagpunta dito.
"Grabe no! Grabe talaga! Kahit si Syche na lang sa akin!" Tinakpan na ni Yel ang mukha niya sa kilig.
Napaupo ako at pinagmamasdan siya sa baliw niyang mga inaarte. Si Sir Syche? Balita ko ay may girlfriend na iyon at malapit nang ikasal!
"Wala kang pag-asa sa Syche na 'yon! Ayaw niya ng mga chubby na kagaya mo!" Panunuya pa ni Dan kaya sinamaan siya ng tingin ni Yel.
"Kapal mo! Hindi ka lang nagustuhan ni Cadence!"
Wala ako sa aking sarili sa buong office hours namin, Oo na lang ako ng oo sa lahat ng sinasabi sa akin si Yel na hanggang ngayon ay inaabot ng kilig niya.
Si Dan ay umalis na, hindi ko alam kung babalik pa ba siya mamaya para sana sa walwalan naming magkakaibigan.
"Ano kaya, Aurora, saan tayo? Sa Styx?" Narinig kong tanong ni Yel sa cubicle niya.
"Nirerenovate ang Styx. Mag Mamshies na lang tayo."
Iyon ang bagong open na bar dito sa Cavite, mukha namang mura kada tower doon.
"Sige, wait lang. Sasama ata sina Meine at Kyle."
Hindi na ako nagreklamo. The more the merrier, para na rin hindi mabigat sa bulsa ang ambagan.
"Ano? Papaalam ka pa ba sa mga magulang mo?" Tanong ni Yel.
Kinuha ko ang phone ko sa gilid para tignan kung may mga text na ba sina Mama sa akin.
Pero oo nga pala, hindi naman ako mahalaga sakanila. It's always my sister. I'm just their living puppet.
"Hindi na, Yel. Wala rin naman silang pakialam." Saad ko sa aking kaibigan.
After our duty we went straight outside the office to wait for the others. Napag-alamanan kong sina Meine, Ryan, Sophia, Ana, Jannella at Steve ang sasama mamaya.
Kami pa lang nila Yel at Jannella ang naririto.
"Anong oras ba out nila?" Tanong ni Jannella habang nakatingin sa relo.
"Ngayon, naghihintayan pa siguro."
Nakatayo lang ako sa gilid. Medyo inaantok na ako pero ayoko namang umuwi. Panigurado mawawala ang antok ko sa bida bida kong kapatid.
"Tara na Aurora!" Hinila ni Yel ang kamay ko nang mamataan ang iilan naming mga katrabaho.
Pumasok kami sa sasakyan ni Meine, kasama namin sa loob ay sina Ana at Sophia.
"Malayo ba yang mamshies na yan?" Tanong ni Sophia.
"Hindi no! Bago yun malamang maraming mga fafa doon, ginagawa ang Styx kaya doon magpupuntahan ang karamihan." Si Ana ang sumagot.
Nilakasan ni Meine ang radyo sa kanyang sasakyan dahil may isang pamilyar na tugtog ang biglang umalingawngaw doon.
"Itong si Aurora, mukhang makakabingwit ng Milyonaryo, a!" Ani Meine sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Hindi! Bakit ko naman makukuha si Mikael? I won't pass any of his types! Malamang ay edukadang babae ang gusto nun!
"Baliw hindi.. Simpleng crush lang yun."
"Pero naalala ka niya!" Sambit naman ni Ana, "Alam mo ba na inggit na inggit sayo sina Jacky? Nakakainis ka daw! Papansin!"
Namula ang aking mukha sa narinig ko kay Ana. Jacky is my friend and I didn't expect it from her. Talagang ang inggit ay kung saan saan nanggagaling.
"Well," Inakbayan ako ni Yel, "Kaibigan kasi namin si Cadence at kami lang ang nakakalapit sa mga Arrhenius, alam niyo na?" Sabi pa nito na nila nagyayabang.
Nilingon ko siya. "Yel!" Saway ko ng pabulong. Hindi naman totoo 'yon. May mga Arrhenius din naman kaming hindi nalalapitan o malapit sa amin.
They are just really friendly to us, madali lang talaga silang kausapin dahil halos lahat naman sakanila ay approachable, no wonder they have many businesses all over the world, their communication skills are superb!
Halos mabingi ako sa lahat ng kantyawan ng mga katrabaho ko. Nagpasalamat nalang talaga ako dahil nakarating kami agad sa mamshies.
Totoo naman ang nasa mga litrato, malaki ito at maganda! Nakita ko na agad ang mga babaeng naglalako ng mga sigarilyo at iilang candy.
"Tignan mo 'tong mga kabataan na 'to, naka uniporme pa ang iba." Pansin ni Ryan sa gilid.
Nandito na rin pala sila, hindi ko namalayan. Sinipat ko ang grupo ng mga kabataan na napansin nila.
Totoo nga na nakauniporme pa ang iilan dito at grabe na maka order ng tower. Napapailing nalang ako. Sana lang ay maayos silang nag-aaral at sana alam ng mga magulang nila kung saan napupunta ang mga baon na binibigay sa kanilang anak.
"Oh, hanap na kayo upuan. Kami na ang kakausap." Ani Steve.
Madali akong hinila ni Yel at humanap kami agad ng bakanteng upuan. Sina Steve at Ryan naman ay kinausap agad 'yong bartender at umorder na.
"Isang bucket ng san mig din!" Habol nila Jannella.
"May pasok pa tayo bukas!"
"Okay lang yan. Hang over sa office!"
Napapailing nalang ako, ewan ko ba sa mga 'to. Hindi naman namin sweldo pero bakit kaya biglang nagyaya ng inuman? It's 10 in the evening at hindi ako mapakali.
Hindi naman siguro ako hinahanap sa bahay diba?
Bilang aliw ko sa sarili ay nagcellphone na lang ako. Good thing is lagi akong may data. Buti na lang din at malakas ang smart dito.
Unang scroll ko palang sa newsfeed ko ay nakita ko agad ang pagpapalit ng profile picture ni Ate Avinia.
She's wearing a flannel shirt and a shorts, nakataas ang dalawang kamay nito at nakashades.
Tinignan ko ang mga komento nila Mama at Papa doon.
Mama: You are so beautiful talaga, hija! Our princess!
Papa: That's our daughter!
Hindi ko alam na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan ko ang mga 'yon. Ngiti na hindi bukal sa loob, ngiti ng mapait, ngiti na pilit.
Kailan ko ba naramdaman na tinuring nila bilang isang anak? Nung oras na malaman nila ang kalagayan ni Ate ay talagang naging hangin na lang ako sa kanila.
Natigil ang pag-iisip ko nang biglang mag vibrate ang aking cellphone. Sinilip ko kung ano 'yon.
Isang friend request? Galing kanino?
Mikael Thai Arrhenius sent you a friend request.
Biglang kumalabog ang puso ko sa nakita. What really?
"Ano yan?" Halos mapalundag ako ng sumilip si Yel, agad kong tinago ang phone ko.
"W-Wala.." Pagsisinungaling ko.
"Weh? Di nga? Ano nga yan?" Pilit pa rin niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong palusot ang gagawin ko. Sa oras na malaman niya ang ginawa ni Mikael ay malamang mag-iingay 'to at makukuha ang atensyon nila Meine.
Mabuti na lang at dumating ang mga lalaki na may kasamang mga tower.
"Ayan na sila ayan na!"