Chapter Four

1514 Words
Iyon na siguro ang huli naming pagkikita ni Mikael. He's busy with his works at ganoon na rin ako sa trabaho. Hindi ko na nakikita si Cadence, umalis kasi sila ni Stan at lumipad sa ibang bansa. Maybe they are doing their honeymoon there. Si Yel lang ngayon ang nakakasama ko.   "Aurora, tignan mo nga 'to. Nakakainis si Bautista, ano? Work time pero babe time ang inaatupag." Iiling-iling na sabi sa akin ni Yel.   Sinipat ko naman ang taong kinaiinisan niya. She is Jewel Bautista. Ang HR ng kompanya. Ang lakas nga ng loob na makipag Video call sa jowa gayong dapat ay abala kami sa trabaho.   "Isumbong kaya natin kay Sir Syche?" Dagdag pa ng kaibigan ko.   Agad 'kong hinarangan ang isip ni Yel. "Baliw! Hayaan mo na nga siya. Ganyan lang talaga ang mga uhaw sa pag-ibig."   Parehas kaming natawa. Pagkatapos ay bumalik na sa trabaho. Sinilip ko muli si Jewel, nababadtrip ako dahil hindi niya nagagawa ng maayos yung trabaho niya.   Para nga sa akin ay iyon ang pinaka madaling trabaho.   Okay pasok ka na. Sige anong pangalan mo? . Iyan lang naman ang sasabihin.   Kung gusto mo ngang pagtripan ang iniinterview mo ay pwede!   Natapos ang apat na oras at kalahating trabaho namin kaya ngayon ay break time. Nakaugalian na namin ni Yel na laging magkasama.   "Gusto ko ng umuwi! Namimiss ko na mga aso ko dun!" Reklamo nito.   Sumimangot ako. "Ako, ayoko." Makikita ko nanaman yung sipsip kong kapatid.   Sumabit siya sa braso ko, "Gusto mo mamayang uwian ay doon ka muna sa bahay? Movie marathon tayo!"   We giggled like a little children. Masaya kaming nagbibiruan ni Yel nang makasalubong namin ang pangit na si Dan.   "Oy!" Sigaw niya sa amin.   Mabilis nag shift ang ekspresyon namin ni Yel, tumakbo kami kay Dan at itinapon ang sarili namin dito.   "Dan! Hayop ka!" Ani Yel habang nakasabit kay Dan.   Ako naman ay mahigpit lang na nakayakap sa kanya. Hindi na kasi pumapasok si Dan sa kumpanya, he's a great photographer now kaya malaking bagay na naalala niya kami at bumista pa rito.   "Mga baliw na 'to? Namiss niyo naman ako masyado." Tudyo niya sa amin.   Umupo kami sa usual na table naming tatlo. Wala pa kaming inoorder at inuna namin ang pakikipagkwentuhan.   "Ano? Naisipan mo bang bumalik dito?" Si Yel ang nagtanong.   Napahawak si Dan sa batok nito. "Ayoko, Yel."   Sabay kaming napanganga ni Yel. Bakit naman? Mas madali ang trabaho niya dito, kaysa naman sa pagkukuha ng litrato at kailangan niya pang pumunta ng iba't-ibang lugar. But maybe, he likes to explore kaya ganon.   "Sayang, dami pa naman mga bagong chix dito." Ani Yel, baka magbago pa ang isip ni Dan.   Humalakhak ito at sinuyod ang medyong humahaba na niyang buhok, napansin ko  ang pag kinang ng piercings ni Dan sa kanan niyang tainga.   "Ang bad boy mo talaga." Puna ko dito.   "Ano, Aurora? Hindi ako bad boy." Natatawang turan ni Dan, "Ikaw talaga porque may gusto sa pinsan ni Arrhenius!"   "Sinong Arrhenius, Dan? Marami silang Arrhenius dito." Ani Yel   Umirap ako sa kanilang dalawa. Yeah right, ako nanaman ang nakita ng barkada!   "Mikael 'yon diba? Yung pinaka gurang sa mga bobo."   Pinanlakihan ko ng mata si Dan at agad siyang nagtaas ng kamay.   Tignan mo 'tong tukmol na 'to? Kahit kailan galit na galit pa rin sa mga Arrhenius kasi inagaw si Cadence.   "Huwag mo ngang ibalin sa lahat ang pagka broken hearted mo!" Usal ko sa kanya.   "Ohhhh. Broken hearted ka pala e!" Gatong naman ni Yel sa tabi ko.   "Naka move-on na ako, Patricia Aurora, anong broken hearted ang pinagsasabi mo?"   "Hindi mo kasi nakuha si Cadence kasi mas pogi sayo si Stan!"   "Oo nga! Di hamak na mas pogi sayo si Stan!"   Pinagtutulungan namin ni Yel ngayon ang nababadtrip nang si Dan. Kaonti na lang ay iilang mura na ang mapapakawalan nito sa kanyang holy mouth!   "Kingina niyo, mga di kayo gusto ng mga crush niyo!" Aniya at binigyan kami ni Yel ng dalawang mid finger.   Ginantihan ko naman ito. "You're not the only one who can do that, A-hole."   Si Yel naman ay parang hihimatayin na sa kakatawa. Sira ulong 'to. Tawa nalang ng tawa.   Nararamdaman ko na ang tinginan sa amin sa buong canteen ng opisina, pero nasanay na ata ako. Noong nandito pa si Cadence ay mas grabe kami mag-asaran. Talagang taob si Dan!   "Itong si Aurora, ginigisa ako, no? Bat di mo gawin yan sa kapatid mo?" Tanong naman ni Dan sa akin.   Napanguso ako. Kailangan talaga madawit ang pangalan ni Ate dito?   "Loko ka, Dan! Alam mo namang may sapi si Avinia, e!" Pinagsabihan ni Yel si Dan.   "Okay lang!" Agap ko, "Wala pa rin namang nagbago don sa bahay. Parang ako pa rin yung laging masama. Ako pa rin yung hindi nakakagawa ng kahit isang kabutihan sa buhay."   Totoo naman kasi, dahil nga ayaw ko umuwi ay lagi akong nag-oovernight dito sa opisina. Pagkauwi ko kinaumagahan ay kung ano-ano nanaman ang pinagsasabi nila Mama. Paano kasi, nagagatungan ni Ate.   Ang sarap lang ibalibag sa kanila ng lamesa, e!   Pinilig ni Dan ang kanyang ulo. "Grabe talaga yang pamilya mo, hindi ba sumagi sa isip mo na ampon ka lang?"   Ngumiti ako sa kanya. Sana nga ampon nalang ako, eh.   "Tapos pinsan niya yung mga Arrhenius?" Singit ni Yel.   Agad namang umiling si Dan bilang pagtanggi. "Edi kamag-anak niya yung Mikael? Nako, magig totoong i****t na yan!"   Nabalik nanaman sa akin ang walang humpay na asaran nila. Okay! Pakiramdam ko nga ay hindi ko na gusto si Mikael! Ilang linggo na ang lumipas at 'yon na lang ang huli kong kita sa kanya. Hindi lang ako makahanap ng bagong crush dahil busy ako sa trabaho.   Sasagot na sana ako nang biglang nagmamadaling tumakbo si Jewel papasok at may sinasabi sa mga tao. Tumatayo naman agad ng tuwid yung mga empleyado kaya nagtaka ako.   Ano kaya 'yon.   Nang makarating sa amin si Jewel ay yumuko ito at may sinabi, "Tumayo kayo, dadating sina Sir Syche at Attorney!"   Attorney? Hinila agad ako ni Yel at ginaya ang ibang empleyado na nakatayo lang na tuwid sa gilid. Si Dan ay nasa likod ko.   Hindi naman magagalit si Sir Syche kung nandito si Dan pero iba kasi ang suot niya sa amin. Baka mamaya ay may OCD ang kasama ni Sir at mapagalitan pa kami!   "Sino ba kasama ni Syche? Ang tagal." Rinig kong reklamo ni Dan sa likod ko kaya kinurot ko siya bahagya.   "Manahimik ka nga!" Singhal ko sa kanya.   Hindi na ako nakarinig pa ng kahit na anong boses. Nauna sa paglalakad ang iilang mga lalaking naka black suit at pinagbuksan ng pinto si Sir Syche pati ang kasama nito.   Awtomatiko namang bumilis ang t***k ng puso ko nang makilala ko kung sino ang kasama niya. What the? Gustong gusto kong pakalmahin ang walang hiya kong puso pero paano?   Siya 'yong attorney?!   I cannot help but to notice the way they walk. Talagang full of confidence, power at firmness.   Ang buhok nito ay hindi pa rin nagbabago. Clean cut as ever. Feeling ko nga ay pag tinapat ako sa kanya ay magmumukha akong marusing!   Iilang kurot ang natanggap ko sa dalawa kong kaibigan. Letse! Tumigil nga kayo?   "Ano ba? Yel? Mamaya na yan!" Inis kong bulong sa kanya pero tumawa lang ito ng mahina.   Nang ibinalik ko ang tingin sa kasama ni Sir Syche ay lalong tumriple ang bilis ng puso ko!   Mikael Thai Arrhenius is looking at me! Nakakapaso ang mga tingin niyang 'yon. Naalala niya kaya ako? Sinubukan kong iwasan ang pagtitig niya sa akin but he looks like a f*****g lion that is so focus to his prey!   And I am a prey? Really, Aurora?   Tumigil si Sir Syche at si Mikael sa tapat namin. Agad namang nagdiwang ang ilong ko dahil libro kong naamoy ang pabango nito.   "You have a very beautiful canteen, Russell." He said in a baritone voice.   Hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa kanyang pananalita.   Sir Syche laughed at his cousin, tinapik niya ang balikat nito. "Second name basis, Thai?"   Nagtawanan naman ang dalawa. Kitang-kita ko kung paano mahumaling ang mga babaeng empleyado sa dalawang nasa harapan namin, I cannot deny that their presence can take away someone's virginity. They are just so damn f*****g attractive! Kahit si Yel sa tabi ko ay kinikilig na rin.   Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko nang magawi nanaman ang tingin sa akin ni Mikael. His sharp eyes are piercing my soul, hindi na ako nakakahinga ng maayos sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.   Nang humakbang siya papunta sa akin ay parang gusto ko na lang lamunin ng lupa.   "Patricia, right?" He said again in a very thick tone.   Tumango lang ako sa kanya. Parang natahi ang labi ko at hindi makapagsalita!   "Ah! Mikael, they are Cadence's friends!" Lumapit na rin sa amin si Sir Syche.   Tumango si Mikael, he put his hands inside his pockets. "I see."   "This is Yel Ferniz and this is.."   "Patricia Aurora Ante."   Napalunok ako nang sinabi niya 'yon. He said that without leaving my eyes. Hindi ko alam kung ano ang nagig reaksyon nila Yel sa sinabi ni Mikael. Si Dan naman ay nararamdaman ko ang pag sipa niya sa paa ko.   Shit talaga.   "Oh. You know her." Ani Sir Syche sa isang malisosyong tono.   "Of course I do." Nilahad ni Mikael sa akin ang kamay niya. "Nice to meet you, again."   Nung una ay nag-aalinlangan pa ako kung tatanggapin ko ba ang kamay niya o hindi. Pero sa huli ay tinanggap ko na ito.   "Nice to meet you again po.." Sabi ko, "Attorney."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD