bc

FOBIDDEN DESIRE

book_age18+
328
FOLLOW
1.6K
READ
billionaire
forbidden
possessive
dare to love and hate
CEO
twisted
lighthearted
office/work place
sassy
seductive
like
intro-logo
Blurb

SOON TO UPDATE: 2024

Kung kailan masaya na siya sa piling ng iba, saka mo pa naramdaman na mahal mo pala siya...

Pinakasalan ni Adriel ang bunsong kapatid ng ex-girlfriend niya, dahil sa pag-aakala ng lahat ay may nangyari sa kanila.

Their marrige was forced and love less.

Christine was 16 years old when she married to Adriel, wala siyang nararamdam para sa lalaki.

Para kay Adriel, nakababatang kapatid lang ang tingin niya kay Christine, Para kay Christine, nakatatandang kapatid na lalaki lang ang tingin niya kay Adriel.

Nagkasundo sila na sa oras na sapitin ni Christine ang legal age niya ay ipapawalang bisa nila ang kasal. At gaya ng napagkasunduan, naghiwalay ng landas ang dalawa.

Makalipas ang ilang taon. Kung kailan may mga sarili na silang buhay, saka naman nila naramdaman ang lihim na pag-ibig sa isat-isa kung kailan hindi na sila malaya na magmahalan...

At natagpuan na lang nila ang sarili na nasa isang makasalanang relasyon sila matupad lang ang tinitibok ng kanilang mga puso.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Pagod na hinilot ni Adriel ang noo, sa loob ng halos limang taon niyang pagtatrabaho bilang area manager ay saka pa siya sinisenta ng kumpanya. Kung kailan naman kailangan niya ng pera para makapag-ipon siya sa pinaplano niyang pagpapakasal sa nobya niya ay saka naman nagkaroon pa ng aberya sa pinagtatrabahuhan niya. Alam niya na two weeks palang silang mag kasintahan ng nobya, pero para sa kanya ay ito na ang babae na ihaharap niya sa altar. At kahit may anak pa ito ay buong puso niya na mamahalin ang bata tulad ng pagmamahal niya sa ina niyo. Malaki-laki rin ang back pay na nakuha niya sa kumpanya kaya gagamitin niya ito sa negosyo. Lumakad siya palabas ng opisina dala ang isang box ng mga gamit niya, puno ng panghihinayang ang mukha ng mga katrabaho niya. Matapos makipag paalam sa mga ito ay dumeretso na siya sa van at malungkot na minaneho ang sasakyan pauwi sa kanila. Pagkarating niya sa bahay ay naabutan niya ang kapatid ng kasintahan niya sa bahay nila habang kausap ang ina niya, at nakababatang pinsan. "Mukhang malungkot ka yata kuya, Adriel ah?" Tanong sa kanya ni Christine, ang nakababatang kapatid ng nobya niya. "Medyo, tumawag na ba sa 'yo ang ate mo?" Balik na tanong niya rito. "Hindi pa po kuya, baka busy pa sa work," sagot nito. "Hi, kaya, mukhang pagod na pagod ka ata, ah?" Wika naman sa kanya ng pinsan niya na si Shiena. "Ikaw, Shiena, ha. Ano 'yang narinig ko sa mama mo na may boyfriend ka na daw?" Tanong niya sa pinsan, at pinaglipat-lipat ang mga mata dalawa. "Kayong dalawa, makinig kayong mabuti sa akin, okay. Ikaw Shiena, mag-e-eighteen ka palang, at ikaw naman Christine mag-se-seventeen ka palang, masyado pa kayong mga bata kaya hindi pa kayo dapat nagmamadali sa boyfriend, boyfriend na 'yan. Mag focus kayo sa pag-aaral ninyo 'yan ang dapat na gawin n'yo," pangaral niya sa dalawa. "Kuya, good girl po kami 'no, 'di ba? Christine?" Ani Shina sa pinsan. "Well, mabuti naman kung ganun, oh sige. maiwan ko na kayong dalawa riyan, may gagawin pa ako sa kwarto ko." "Sige po kuya," magkasabay na sagot ng magkaibigan kay Adriel. "Teka, anak, hindi ka ba muna magmiminandal? Nagluto ako ng pancit, gusto mo ba dalan kita sa kwarto mo?" Wika naman ng ina ni Adriel sa kanya. "Hindi na po Nay, mamaya na lang po siguro, gusto ko po munang magpahinga, masakit po kasi ang ulo ko." Magalang na sagot niya sa ina saka sinimulang lumalad papasok sa kwarto dala ang box. Pagkapasok niya sa loob ay kaagad niyang nilapag ang box saka hinugot ang phone sa bulsa. Excited siya na ini-dial ang numero ni Celestine. Hindi naman nagtagal ay may sumagot sa kabilang linya. Napakunot noo siya ng hindi ang nobya ang sumagot ng tawag niya kung hindi ang boss nito na si Clyde. "She's busy kaya 'wag ka ng tumawag, nakakaistorbo ka lang sa trabaho niya!" Mariing sagot sa kanya ng lalaki sa kabilang linya. Hindi na niya nagawa pang makapag salita dahil kaagad ding ini-off sa kabilang linya ang phone. Meron talaga siyang napapansin na kakaiba sa kliyente na iyon ng nobya niya. Sa ilang beses niyang pagpunta-punta sa resort ay hindi siya manhid para hindi maramdaman na mabigat ang dugo nito sa kanya. Hinitsa niya ang phone sa ibabaw ng kama at tumiya roon. Mamaya na lang niya ulit tatawagan ang girlfriend niya, matutulog muna siya dahil sobrang sakit talaga ng ulo niya. Ipipikit na sana niya ang mga mata niya nan marinig niya na may kumatok sa pinto. "Nak, tulog ka na ba? May sasabihin lang sana ako sa 'yo sandali," wika ng ina niya sa labas ng pinto. "Sige lang po Nay, pasok po kayo," magalang na sagot niya. "Nak, mag be-birthday nga pala ang pinsan mo sa makalawa, eh, debut na niya, pwede raw ba na dito niya ganapin ang birthday niya dahil alam mo naman maliit lang ang pwesto sa kanila," Wika ng ina niya sa kanya pagkapasok nito sa loob ng kwarto. "Wala pong problema Nay," aniya sa ina. "Oh, siya sige Anak, 'yon lang naman, salamat at matulog ka na," nakangiting wika ng ina niya saka tuluyan ng lumabas ng pinto. "Ang swerte ng Ate Celestine mo, sa kuya Adriel ko 'no, ang bait na ang gwapo pa," wika ni Shiena kay Christine. "Oo nga eh, bagay na bagay sila ni Ate," sang ayon ni Christine sa kaibigan. "Sana makatagpo din tayo ng lalaki na katulad ni Kuya Adriel, 'no?" si Shiena ulit. "Shiena, kakasabi lang ni kuya Adriel na bawal ang boyfriend-boyfriend 'di ba?" Sita ni Christine. "Oo nga, para nagsasabi lang naman ako, eh! Ang O.A mo naman," nakanguso na wika ni Shiena. "Siya nga pala, punta ka sa birthday ko ah, sa makalawa na 'yon. Konting handaan lang, pero for sure mag-eenjoy tayo," excited na wika nito. "Ay, sige, susubukan ko, kasi sa gabi bawal na akong lumabas eh, baka hindi ako payagan ni Ate," "Sus, ano ka ba? Sabihin mo lang na dito ka naman sa bahay ni Kuya Adriel, for sure na papayagan ka ng Ate mo," "Sige, susubukan ko," nakangiting wika ni Celestine sa kaibigan. *** Dumating ang araw ng kaarawan ng pinsan ni Adriel, kagaya ng sinabi ng ina niya ay sa bahay nila ginanap ang debo ni Shiena. Dahil na e-stress siya sa paghahanap ng trabaho ay nagkayayaan sila ng mga kaibigan niya na mag-unwind ng gabi na iyon. Dinala siya ng mga kaibigan sa isang bar, dahil hindi naman siya mahilig sa mga ganon kalayawan sa katawan ay tinuon na lang niya ang sarili sa pag-inom ng alak. Malimit siyang uminom ng alak ay kaagad siyang tinamaan ng kalasingan, at dahil hindi siya makapag-drive ay minabuti ng mga kaibigan niya na ihatid na lang siya pauwi sa bahay nito. Sa isang banda naman ay nagkakatuwaan ang mga kaibigan ni Shiena sa debut niya. Dahil 18 birthday ay naisipan ng mga kaibigan nito na bumili ng alak, at palihim na uminom ang mga ito ng lingid sa kaalaman ng ina ni Adriel. Dahil na pagod ito sa pagluluto, ay nagpaalam ito sandali sa mga bisita ni Shiena na magpapahinga na muna sa kwarto, samantala ang mga magulang naman ni Shiena ay umuwi na din dahil may pasok pa sa trabaho kinaumagahan "Ayoko nga, Shiena! hindi ako umiinom, saka baka mapagalitan ako ni Ate," tanggi ni Christine sa baso ng beer na pinapainom sa kanya ni Shiena. "Sus, 'to naman oh, minsan lang naman 'to saka birthday ko naman," pangungulit pa rin ni Shiena sa kaibigan. "Oo, nga minsan lang naman 'yan Christine kaya go na, drink it!" susog naman ng isa pang kaibigan nila sa kanya. "See," wika ni Shiena. "Oh, drink it, last lang 'yan. Saka, walang makakaalam," nakangisi pa na sabi pa nito kay Christine. "Go! Christine, Go! Christine," sigaw ng mga kaibigan ni Shiena. "Sige na nga! Isa lang 'to ah," natatakot na wika ni Christine sa mga ito saka inisang lagok alak. "Ahhh! Ang pait!" Tili niya ng maubos ang beer sa baso. Tatayo na sana siya para pumasok sa loob upang magpaalam sa ina ni Adriel na uuwi na siya, ngunit pinigilan siya ng mga kaibigan nila na mag stay pa ng kaunti. Hanggang sa makalipas ang isang oras pa ay tinagayan na siya ng tinagayan ng mga ito. Sa pang ikalimang baso niya ay hindi na niya nakaya ang sama ng tiyan kaya sinabi niya kay Shiena na nasusuka siya. Kaagad naman siyang sinamahan ni Shiena sa loob at sumuka siya sa banyo. "Oh, tutal wala pa naman si Kuya Adriel, dito ka muna sa kwarto n'ya ah, matulog ka lang muna diyan," wika ni Shiena sa kanya. Dahil nahihilo na siya at gustong-gusto na niyang matulog ay tumango na lang siya sa kaibigan. "Oh, pahinga ka muna dito ah, gigising nalang kita pag dumating na si Kuya," ani Shiena at lumabas na ito ng silid ni Adriel. Habang nakahiga si Christine ay naramdaman na naman niya na hinahalukay ang sikmura niya, dali-dali siyang tumayo at tumakbo sa banyo. Matapos ilabas ang sama ng tiyan sa toilet bowl, "Eh!" Aniya sa sarili ng matalsikan ang suot niya na dress ng suka. Muli tinapat niya ang mukha sa toilet bowl at inilabas ang sama ng sikmura. Nang matantya niya na okay na siya ay lumakad siya pabalik ng kama at hinubad ang dress na amoy suka niya, saka binagsak ang katawan sa kama. Binalot niya ang sarili ng kumot saka pinikit ang mga mata na hindi iniisip ang kahahantungan ng ginawa niya, lalo na ang paghuhubad ng dress sa katawan. Dumating si Adriel na nagkakasiyahan ang mga kabataan sa isang parte ng bakuran nila. He can't turn his head just to look up at them how happy they were celebrating her cousin's eighteen birthday. Gegiwang-giwang siyang pumasok sa loob ng bahay at dumeretso sa loob ng silid. Pagkasara niya ng pinto ay inisa-isa niyang alisin ang sapatos, kasunod ay ang medyas na basta na lang niya hinitsa kung saan. At dahil inaantok na talaga siya sa sobrang kalasingan ay halos pikit na ang isang mata na hinubad niya ang t-shirt saka ang pantalon, saka binagsak niya ang sarili sa kama na tanging brief na lang ang suot sa katawan. Dala ng kalasingan ay akala niya na unan ang niyakap niya ngunit lingid sa kaalaman ay katawan iyon ng kapatid ng kasintahan niya. Kinabukasan ay sabay na nagising ang dalawa sa malakas na tili ng ina ni Adriel nang abutan niya ang dalawa na magkatabi sa kama ng anak nito. "Adriel, Anak! Bakit mo nagawa 'to sa kapatid ni Celestine? Sa kapatid ng girlfriend mo?" Gulat na wika ng ina ni Adriel. Gulat na tumayo si Adriel mula sa kama at halos lumuwa ang mga mata niya nang makita si Christine na tanging under garment lang ang saplot sa katawan. "s**t! No!" Usal niya sa pagkabigla. Nakayuko naman na hinatak ni Christine ang kumot at binalot sa katawan. Umiyak siya sa pagkataranta sa pangyayari ng umaga na iyon. Takot na takot siya sa ate niya sa oras na malaman nitong nalasing siya kagabi. "Sorry po kuya Adriel, Nay Anissa, nakatulog po ako dito sa kwarto ni kuya dahil nalasing po ako kagabi," takot na wika niya sa dalawa. "Nalasing? Uminom kayo kagabi?" Hindi makapaniwala na tanong ni Adriel. Ang ina naman niya ay gulat na napatakip ng kamay sa bibig nito sa narinig. Umiiyak na marahang tumango si Christine sa mag-ina. "Opo kuya, si Shiena po kasi... pinatagay po ako ng iniinom nila na alak kagabi," patuloy niya. "f**k!" Galit na bumaling ng tingin si Adriel sa ina. "Nay, bakit naman po hinayaan n'yo sila na mag inuman kagabi?" Aniya sa ina. "H-hindi ko alam Anak, hindi ko alam na bumili pala sila ng alak kagabi. Binilin ko naman kay Shiena na 'wag silang gagawa ng hindi maganda kung ayaw nila na mapagalitan sila," wika nito sa anak. "s**t!" Inis na bigkas ni Adriel. Ngayon paano niya ipapaliwanag sa nobya niya na natulog silang dalawa ng kapatid nito sa isang kama ng hindi ito nagagalit sa kanya. "Tatawagan ko ang Ate Celestine mo," wika niya saka lumakad papunta sa closet, kumuha ng isusuot doon at nagbihis. Kinakabahan na napabiyahe si Celestine pauwi sa kanila ng tawagan siya ni Adriel at sabihin na may problema sa kapatid nito. Ang bilin ni Adriel sa kanya ay sa bahay ng mga ito siya dumeretso dahil may mahalaga silang pag-uusapan doon. Kumakabog ang dibdib niya sa labis na kaba at pag-aalala sa kapatid niya. Pag may nangyaring hindi maganda sa kapatid niya ay hindi talaga niya mapapatawad ang sarili niya dahil hindi niya nabantayan ang kaisa-isa niyang kapatid. Nang makarating siya sa bahay nila Adriel ay kaagad niya na pinihit ang pabukas ang seradura ng pinto. Pagbukas niya ay bumungad sa kanya sa loob ng tahanan ng mga ito ang kapatid niya na nakasuot ng damit ng nanay ni Adriel. Tahimik ito at halatang namamaga ang mga mata dahil sa matagal na pag-iyak. Ang ina naman ni Adriel ay namutla sa kinatatayuan ng makita siya nito. Si Adriel naman ay kinakabahan na sinalubong siya. Hindi pa man niya ibinubuka ang bibig niya para tanungin kung ano ang problema ay ramdam niya na mabigat ang problema na iyon. "T-tine, I'm sorry, look, hindi ko ginalaw ang kapatid mo. Swear, I never even touch her... Swear, I promise..." kinakabahan na panimula ni Adriel. Gulat na napabaling ng tingin si Celestine sa kanya. "Anong sabi mo? Anong ginawa mo sa kapatid ko Adriel?" Nangingilid ang mga luha na tanong ni Celestine sa lalaki. Hindi kaagad nakakibo si Adriel, sa nakikita niya sa reaction ni Celestine ay malayo na sa sikat ng araw na paniwalaan pa siya nito na hindi niya pinagsamantalahan o ni pinagnasahan ang kapatid ng kasintahan niya. "Adriel sumagot ka! Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" Galit na sigaw niya sa lalaki saka ito pinagsasampal sa mukha. "Mag se-seventeen palang ang kapatid ko, Adriel, bakit mo nagawa 'to sa kanya?" patuloy niya rito. Hinawakan ni Adriel ang mga kamay niya. "No! Tine, I didn't do anything with your sister. I'm not damn to touch her, kapatid mo s'ya, kaya kapatid na rin ang turing ko sa kanya," ani Adriel. "Kung ganun ano ang nangyari? Sabihin mo sa akin kung ano ang totoong nangyari!" Sigaw ni Celestine. "I... I was drunk last night... And your sister too..." Simula na paglalahad ni Adriel. "At hindi ko na alam ang nangyari kung bakit napunta ang kapatid mo sa kwarto ko, but one thing I'm sure, very sure that I didn't touch her dahil nga lasing ako kagabi," paliwanag nito. Muling sinampal ni Celestine si Adriel. "So you think maniniwala ako sa 'yo, huh? You were drunk and my sister too, palagay mo may maniniwala sa 'yo na wala kang ginawa sa kapatid ko eh lasing ka nga!" Tinitigan niya ito ng masama. "Idedemanda kita ng child abuse at rape sa kapatid ko! Hindi ako papayag na hindi ka makulong Adriel, sinira mo ang buhay ng kapatid ko!" Galit na sigaw niya. Naalarma naman ang ina ni Adriel sa narinig na banta ni Celestine. "Sandali, hija. Huwag mo naman gawin sa anak ko 'yan, oh. Please, mabuting tao ang anak ko at alam mo 'yan," umiiyak na singit nito. "Mabuting tao? Hindi ko ho alam kung mabuting tao ang anak n'yo dahil sa ginawa niya sa kapatid ko!" Umiiyak na ani Celestine sa ina ni Adriel. "Oo hija, naabutan ko silang magkasama sa kama na halos walang saplot sa katawan, pero hindi naman ibig sabihin niyon ay pinagsamantalahan na ng anak ko ang kapatid mo. Ang tanging makakapag patunay lang n'yan ay ang kapatid mo, bakit hindi mo siya tanungin," giit pa nito kay Celestine. "Mawalang galang na po Nay Alissa, pero naririnig n'yo po ba ang sinasabi n'yo? They're both drunk and almost naked under the blanket together, then you want me to believe that your son was innocent? Lalaki pa rin po ang anak n'yo," Mariing salag niya sa wika ng ina ni Adriel. "Kahit ano pang sabihin mo," tumingin siya sa gawi ni Adriel. "May pananagutan pa rin sa batas ang anak n'yo!" Aniya habang nakatitig ng masama sa mga mata ng lalaki. "Idedemanda kita!" "Ate! Huwag n'yo pong i-demanda si Kuya Adriel, wala po siyang ginawang masama sa akin, kasalanan ko po dahil ako po ang kusang pumasok sa kwarto ni kuya at nakatulog po ako..." Umiiyak na paliwanag ni Christine sa ate niya. "Narinig mo ang sinabi ng kapatid mo? Hindi magagawa ng anak ko ang paratang mo sa kanya, mabuting tao ang anak ko Celestine, alam mo 'yan." Umiiyak pa rin na wika ng ina ni Adriel. "I will take the responsibility for this... And if I needed to marry her, I will... Hindi ako masamang tao Tine, kaya please, 'wag mo akong ipakulong," malungkot na wika ni Adriel. "Parang awa mo na hija, masisira ang buhay ng anak ko kung ipapakulong mo s'ya. Pumayag ka na lang na pakasalan n'ya ang kapatid mo para hindi siya makulong," susog naman na pakiusap ng ina ni Adriel. Mariin tinitigan ni Celestine si Adriel. "Gumawa ka ng paraan para maikasal kayo ng kapatid ko sa lalong madaling panahon, kung ayaw mo na ipakulong kita!" Galit na banta niya sa lalaki sa hinila palabas sa bahay ng mga ito ang kapatid niya. Nang makauwi sila sa sarili nilang bahay ay doon niya binungangaan ng binungangaan ang kapatid niya sa pagiging reckless nito sa sarili. Galit siya sa sarili niya dahil ayaw niya na matulad ang kapatid niya sa kanya na nabuntis ng walang ama ang anak Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa kapatid niya dahil kung hindi niya ito iniwan mag-isa ay baka hindi sana nangyari ang bagay na iyon sa kapatid niya. Nagpaalam siya kay Clyde na bigyan siya ng isang linggo na pagliban sa trabaho para maasikaso ang kasal ng kapatid niya at ni Adriel. Kumunsulta sila sa attorney na kaibigan ng asawa ni Jhajha, kasamahan niya sa trabaho noon sa coffee shop. Anito sa kanila ay magiging legal automatically ang civil wedding ng dalawa sa oras na tumuntong ang kapatid niya ng legal age nito. Pero dahil may si Celestine ang tumatayong guardian sa kapatid niya ay at may consent siya na pakasalan ni Adrel ang kapatid niya ay nairaos naman ng maayos ang civil wedding ng dalawa. Matapos ang simpleng salo-salo sa kasal ay walang naganap na haneymoon sa pagitan ni Adriel at Christine. Mabigat man sa dibdib ni Celestine ay kailangan niyang hinatid ang kapatid niya sa bahay nila Adriel dahil bilang mag-asawa ay doon na muna ang mga ito titira kasama ang ina ng lalaki. "Tine, pwede ba tayong mag-usap? Please..." Wika ni Adriel kay Celestine ng magkaroon na siya ng pagkakataon na kausapin ito. Hindi kasi siya nito kinikibo o ni tinitignan manlang dala ng galit nito sa kanya. "Wala tayong dapat na pag-usapan Adriel, sa kapatid ko ikaw may responsibilidad at hindi sa akin," walang paligoy ligoy na sagot ni Celestine sa lalaki. Hinawakan ni Adriel ang kamay niya. Kaagad na namang tinabig iyon ni Celestine, saka pinag krus sa dibdib nito. "Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin dahil uuwi na ako, Adriel. Mag-aalaga pa ako ng anak ko," "I'm sorry, Tine. I'm sorry…But believe me or not I didn't touch your sister. Ikaw ang mahal ko Tine, at hindi ang kahit sinong babae pa. Hindi ako gagong tao para pag-interesan ang katapatid ng babaeng mahal ko... At lalong hindi ako gagong lalaki para pakialam ang isang walang muwang na estudyante, kung ang iniisip mo lang ay nagawa ko 'yun dahil sa init ng katawan ko. I'm not that kind of man, Tine... May takot ako sa panginoon kaya hindi ko magagawa ang bagay na 'yan..." Puno ng sensero na wika nito saka niyakap si Celestine buhat sa likod. Kaagad na pinigtas ni Celestine ang kamay nito na nakayakap sa kanya. "I'm sorry Adriel, pero sa ngayon sarado pa ang puso at isip ko para patawarin ka or 'di kayanaman ay makinig sa mga kasinungalingan mo. Alagaan mo ang kapatid ko 'yan lang ang pakiusap ko sa 'yo kung talagang minahal mo 'ko ay gagawin mo ng mabuti ang responsibility mo sa kanya," puno ng galit na wika niya rito saka tuluyan ng lumakad palayo. Napaatras sa paghakbang si Christine suot ang white dress na sinuot pa niya sa civil wedding nila ni Adriel, nang marinig niya kung paano magmakaawa ang lalaki sa ate niya ay na lungkot siya ng sobra. Pinikit niya ang mga mata. Hindi iyon ang pinangarap niyang kasal sa talambuhay niya. She couldn't believe that she would marry his sister's boyfriend. Na ge-guilty siya dahil sa kapabayaan niya ay parehong nasasaktan ang mga ito dahil sa kanya. Sinipat niya ang suot na singsing at hinubad iyon. Hindi dapat malaman ng mga kaklase nila ang tungkol sa lihim na pagpapakasal niya sa nobyo ng ate niya. Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya. Tutal nabasa naman niya na sa oras ng tumuntong siya sa legal age ay maaari niyang ipa-annual ang kasal nila na iyon ng kuya Adriel niya, kahit may consent pa ng ate Celestine niya. Wala naman talagang nangyari sa kanila ng kuya Adriel niya kaya walang dahilan para magsama sila ng habang panahon. Tsaka hindi niya inimagine na ikasal sa lalaki na halos sampung taon ang agwat ng edad sa kanya. Umiiyak na pumasok siya ng kwarto ni Adriel at hinubad ang bestida, matapos magpalit ng pambahay na damit ay humiga siya sa kama. Inisip niya na baka hindi naman doon matutulog ang kuya Adriel niya dahil panigurado na naiilang din ito sa kanya. Kanina nga lang sa you may now kiss your bride ay hindi siya nito hinalikan sa labi, which is pabor din naman sa kanya ang bagay na iyon. Nasa gitna siya ng pag-iisip kung paano niya ipapaliwanag sa kaibigang si Shiena kung bakit doon an siya titira sa bahay ng pinsan nito, nang marinig niya na bumukas ang pinto saka lumakad papasok sa loob ang lalaki na pinakasala niya ilang oras palang ang nakalilipas. Dala ng kalituhan ay kaagad na lang niya na ipinikit ang mga mata at nagkunwaring natutulog. Ni hindi magawang sulyapan ni Adriel ang babaeng pinakasalan niya habang natutulog na ito sa kama niya. Sandali siyang pumasok sa loob ng kwarto at kumuha lang ng damit ay lumabas na rin siya kaagad roon. He can't imagine himself sleeping with a young girl who was at the same age of her younger cousin. And additionally, he couldn't sleep in the same bed next to a girl who was the younger sister of the woman he loved. Dala ang isang unan ay nahiga siya sa sofa. Napabuga siya ng hangin sa kamalasan na tumama sa kanya. Matapos mawalan ng trabaho ay ngayon naman problemado siya sa obligasyon sa asawa niya. Parang naging instant tatay at kuya pa siya nito tuloy dahil kailangan niya na pag-aralan at bigyan ng magandang future. Pagod na ipinikit niya ang mga mata, bukas na lang niya ito kakausapin sa magiging set up nilang dalawa bilang mag-asawa sa mata ng mga tao.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook