NAGTUNGO sila ni Aristhon sa isang silid kung saan mayroong mga tanda na kuwarto nito iyon. Pagpasok ng pinto'y makikita na kaagad ang kinalalagyan ng kamang nakarahap sa salaming dingding. Nababalot iyon ng abuhing kumot na bumagay sa puting kulay ng kisame't dingding. Mayroon ding iyong sariling malapad na telebisyong nakasabit sa dingdnig. Sa gawing kaliwa'y naroon naman ang estante ng mga libro, kasuod nitly ang mesang kinapapatungan ng kompyuter. Naglalaro sa hangin ang bago ng ginamit na freshener na siyang nanunuot sa kaniyang ilong. Pagkasara ni Aristhon sa pinto'y dumiresto ito ng kama. Nahiga ito nang nakatihaya na hindi pinagkakabalahang alsiin ang suot na sapatos. Tumitigi ito sa kisame't pinikit ang mga mata. Pinagmasdan niya ito na iniisip kung ano ang dahil ng galit nito sa

