MAGHAHATING gabi nang mapagdesisyunan niyang umuwi na lang muna sa kaniyang inuupahang bahay. Babalik na lamang siya ng ospital matapos niyang kumuha ng kaniyang mga kailangan. Ipinagpaliban na lang din niya ang pagpunta niya sa istasyon nang magulat ang mga kasamahan niya na buhay pa siya sa kabila ng pagsabog sa piitan.
Tahimik ang kalyeng kinalalagyan ng bahay na naiilawan ng mga posteng maayos ang pagkagawa. Walang ibang mga taong lumabas nang mga sandaling iyon kaya mag-isa lamang siyang naglalakad. Malinaw na maririnig ang kaniyang paghakbang na gumagawa nang hindi nagbabagong tunog. Nakasuksok ang isa niyang kamay sa bulsa ng suot na pantalon. Sa kaliwang kamay naman niya ay naiipit ang nauupos ng sigarilyo. Bumuga siya ng usok habang iniisip kung paano niya matutulungan ang kaniyang ina na magising kahit mahirap nang mangyari. Napapatingala pa siya sa kalangitan na napuno ng mga kumikinang na bituin sa patuloy niyang paglalakad.
Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa harapan ng tarangkahan. Sa likuran niyon matatagpuan ang bahay na kaniyang inuupahan kalapit ng bahay na tinitirahan ng may-ari na matandang mag-asawa. Sumisilip ang bubong niyon sa taas ng bakod na lampas isa't kalahating tao.
Bago pa siya pumasok hinithit niya nang hinithit ang hawak na sigarilyo. Sa kaniyang paghakbang patungo sa tarangkahan tinapon na niya ang naupos na ngang sigarilyo. Umirit ang tarangkahan nang itulak niya iyon papasok. Patay ang ilaw sa bahay na kaniyang inuupahan samantalang ang bahay ng mag-asawang matanda ay bukas ang ilaw sa kusina.
Pagkapasok niya nga ay sinara niya rin naman kaagad ang tarangkahan. Nilakad niya ang malawak na bakuran palapit sa pinto ng bahay. Pagkalapit niya nga ay kinuha niya ang tinago niyang susi sa ilalim ng pasong nasa harap ng bintanang salamin. Nang buksan na niya nga ang pinto nakarinig siya ng kaluskos mula sa loob ng bahay. Naisip niyang naroon naman sa kusina ang pusang madalas dumadalaw doon kapag gabi. Dahil nga sa narinig pumasok na nga siya ng tuluyan na hinuhubad ang suot na sapatos.
Nakuha niya ring buksan ang ilaw nang isara niya ang pinto kahit nakatalikod dito. Nilakad niya ang maikling pasilyo. Pagkarating niya sala kumunot na lamang ang kaniyang noo nang makitang naiba na ang ayos ng mga gamit doon. Pinalitan na rin ang mababa niyang mesang kahoy ng salamin. Mayroon na ring malapad na telebisyon na dati naman ay wala. Sa balak niyang paglalakad patungo sa kuwarto bigla na lamang doon lumabas ang lalaking boxer short na dilaw ang suot. Tumakbo ito patungo sa kaniya dala ang bat na mayroon pang kasamang pagsigaw.
Nang ihahampas nito ang bat sa kaniya sinalo niya iyon ng kamay. Ang babae namang kasama nito ay sumisilip sa bintana. Hindi nito magawang tumawag sa cellphone sa takot na nararamdaman nito, mahahalata ang panginginig ng kamay nito.
"Sino ka?!" ang malakas na sabi ng lalaki sa kaniya. Maging ang mukha nito ay nababahiran ng takot.
Nagsalubong ang dalawa niyang kilay sa naging tanong nito sa kaniya. "Ako dapat ang magtanong sa iyo niyan. Ano ang ginagawa niyo rito?" aniya sa lalaki.
Pinipilit na hinihila ng lalaki ang bat na hindi niya rin naman pinapakawalan. Nakuha niya namang tingnan ang babae sa kuwarto kaya lalo itong nagtago roon.
"Dito kami nakatira isang buwan na," ang nanginginig na sabi ng lalaki sa kaniya.
Naiintindin niya naman kung ano ang nangyayari kung kaya nga binitiwan niya na ang bat. Tinalikuran niya kapagkuwan ang lalaki. Hinatid na lamang siya nito nang tingin sa kaniyang mabilis na paghakbang pabalik ng pinto. Mabilisan niyang sinuot ang sapatos at lumabas ng bahay na sinasara ang pinto nang pabalibag.
Hindi siya tumigil sa paghakbang nang makarating siya sa pinto ng bahay ng mag-asawang matanda at kumatok doon nang makailang ulit. Wala siyang tigil sa pagkatok nang magising ang mag-asawa. Nangyari rin naman ang gusto niya. Bumukas ang ilaw sa sala ng bahay na iyon na lumulusot sa binatang salamin kahit na natatabingan iyon ng kurtina. Tumigil lamang siya sa pagkatok nang makarinig siya nang magagaan na pahakbang palapit nga sa pinto. Mayamaya nga ay bumukas na ang pinto.
Hawak ng matandang babae ang doorknob. Nakasuot ito ng bulaklaking duster. Magulong-magulo ang mahaba nitong buhok. Naalimpungatan itong napatitig sa kaniya nang makilala siya nito.
"Ano ang ginawa niyo? Mayroon tayong usapan na kahit hindi ako makauwi, hindi mo papaupahan ang bahay," ang mabilis niyang sabi na nasundan din naman ng matanda sa linaw ng tainga nito. "Sumira naman kayo sa usapan. Nagbabayad din naman ako."
"Sandali nga lang. Ikaw kaya ang nagsabi na hindi ka na rito mangungupahan kaya nga ibinigay na namin sa naghahanap," sabi ng matandang babae sa kaniya nang balutin nito ang balikat ng dala nitong puting towel nang malabanan ang lamig.
"Wala akong sinasabing ganoon," aniya sa matandang babae.
"Ano ang wala? Kaibigan mo mismo ang nagpunta rito. Sabi niya inutusan mo siya kasi hindi makakapunta."
Napabuntonghininga siya nang malalim sa narinig mula sa may-ari ng babae.
"Sinong kaibigan ang uutusan ko? Wala naman ako niyon."
"Kung hindi mo kaibigan iyong lalaking nagpunta rito, sino iyon?" takang tanong ng matanda sa kaniya.
"Hindi ko alam. Paano ko kayo masasagot? Hindi ko naman nakita ang sinasabi mong lalaki." Napapahawak siya sa kaniyang noo sa pananakit niyon.
"Wala na akong magagawa kung ganoon nga," paliwanag naman sa kaniya ng matanda. "Hindi ko na puwedeng ibigay sa iyo ang bahay. Nakapagbayad na sila ng isang taon. Naibalik ko na rin doon sa lalaki iyong dalawang buwan mong advance na bayad."
"Paano naman iyong mga gamit ko?" aniya dahil iyon talaga ang kailangan niya.
"Kinuha na rin ng lalaki," pagbibigay alam ng ginang sa kaniya.
Mistulang naging bomba sa kaniyang pandinig ang sinabi nitong mga salita. "Ano? Bakit niyo binigay?"
Nasapo niya ang kaniyang ulo dahil hindi niya alam kung paano niya mababawi ang gamit niya sa sinasabi nitong lalaking kaibigan niya.
"Paanong hindi ko ibibigay? Mukha naman siyang mabait. Samantalang pinaliwanag niya pa ang sitwasyon mo. Sabi niya sa kaniya ka na raw titira. Bakit hindi mo na lang hanapin ang sinasabi ko nang mabawi mo ang mga gamit mo't pati na rin ang pera mo."
"Ano ba ang itsura ng lalaki?" ang naitanong niya na lang dahil iyon na lang ang kaniyang magagawa.
"Guwapo. Mayaman. Mayroong dalang kotse pa nang magpuntan rito," paglalarawan ng matandang babae sa lalaking tumangay sa mga gamit niya.
Hindi niya naman malalaman kung sino ang lalaking iyon sa paglalarawan lang. Ang kailangan niya ay litrato nang matandaan niya ang mukha.
Muli siyang nagpakawalal ng buntonghininga nang malalim. Inalis niya na lamang ang atensiyon sa ginang.
"Sige. Salamat na lang." Tinalikuran niya ito't naglakad patungo sa tarangkahan na siya ring paglabas ng lalaking bagong nangungupahan sa bahay kasunod ang babaeng nababot naman ng kulay-rosas na roba. Nakasuot na ito ng puting t-shirt.
Lumapit ang matandang babae rito't kinausap ang mga ito. "Maayos na ang lahat. Walang magiging problema. Bumalik na kayo sa loob at nang makatulog na kayo," paliwang ng ginang na kaniyang malinaw na narinig.
"Sino ba iyon?" ang naitanong naman ng lalaking bagong nangungupahan.
"Dating nangungupa diyan sa bahay."
Wala na siyang narinig pa sa mga ito sa paglabas niya ng tarangkahan. Sa inis niya ay malakas niyang sinara iyon na siyang bumalabog sa katahimikan ng buong paligid.
Inilabas niya ang kaha ng sigarilyo't pansindi sa bulsa ng kaniyang suot na pantalon pagkabalik niya sa daan. Nagsindi siya ng isang sigarilyo't binalik sa bulsa ang pangsindi kasunod ang kaha. Nagpapalabas siya ng usok sa kaniyang paglalakad. Iniisip niya kung sino ang sinasabi ng matandang babae na lalaki. Hindi naman puwedeng ang mga kasamahan niya sa trabaho dahil wala namang mayaman sa mga ito. Dala pa rin niya iyon hanggang sa makarating siya pinakakanto. Imbis na magpatuloy sa paglalakad huminto siya sa ilalim ng poste ng ilaw. Naglaro sa liwanag ang ibinubuga niyang usok.
Nabigyan din naman ng kasagutan ang naging katanungan niya nang mapako ang tingin niya sa paparating na kotse. Sa lakas ng headlight nasisilaw kaya tumalikod na lamang siya sa pagdaan nito. Inasahan niyang lalampasan siya niyon ngunit tumigil na lamang iyon sa harapan niya. Kaagad niya din naman nakilala kung kanino ang kotseng itim na iyon. Doon niya nagpantot na si Aristhon nga ang nagsabi na hindi na siya mangungupaha at ang kumuha ng kaniyang mga gamit.
Binaba nito ang salamin sa hulihang upuan nang masilip siya nito. Ngumisi kaagad ito sa kaniya nang magtagpo ang kanilang mga mga mata. Inalis niya naman ang sigarilyo sa bibig nang makapagsalita siya nang maayos.
"Nasaan na ang mga gamit ko?" ang kaahad niyang tanong dito.
"Naroon sa bahay," sabi niya naman dito.
"Bakit mo kinuua? Paano mo nagawa iyon samantalang na sa kulungan."
"Hindi ako. Iniutos ko lang sa drayber," ang sagot naman nito sa kaniya. "Sumakay ka na rito. Sinabi ko na nga sa iyong sa bahay ka na titira.
Pinanliitan niya ito nang tingin dahil sa inis niyang nararamdaman para rito. "Inutusan ka ba ng ama ko para alagaan ako?"
"Hindi. Kagustuhan ko ang ginagawa ko," tugon naman nito na nagpatalon sa kaniyang puso sa hindi niya malamang dahilan.
Naitapon niya ang sigarilyo sa daan sa inis niyang nararamdaman nang sandaling iyon.
"Ano ba talagang gusto mong mangyari ngayon? Wala na tayo sa piitan kaya wala na akong maisip na rason para gawin mo ang mga naiisip mo," ang muli niyang tanong dito.
"Sinabi ko na sa iyo na sa bahay ka na titira," paalala nito sa kaniya.
"Huwag mo nga akong pinagloloko. Alam ko mayroon pang ibang dahilan. Hindi lang basta gusto mo akong patirahin sa bahay mo."
"Iyon naman talaga ang dahilan ko." Hindi na ito nakatiis kaya binuksan na nito ang pinto ng sasakyan. "Kapag nasa bahay ka na maaari na nating gawin ang kahit na ano."
Bumaba ito ng sasakyan na isinasara ang pinto. Naglabas ito kapagkuwan ng sigarilyo sa likuran ng suot nitong suit sabay sindi gamit ang stainless steel na pangsindi.
"Wala na akong balak naging parausan mo," pagbibigay diin niya rito.
Binaba nito ang kamay mula sa pagsindi ng sigarilyo. Pinagmasdan siya nito nang tuwid sa pagsindig nito sa sasakyan.
"Sino ba kasing mayroong nagsabi sa iyo na parausan ka lang?" ang naisatinig sabay buga ng usok. Umabot pa nga iyon sa kaniyang mukha. "Puwede namang gawing malalim kung gusto mo."
Nakuha pa nitong sumandig sa kotse.
"Nalalaman mo ba ang sinasabi mo? Huwag ka ngang magsalita na para bang alam mo ang magmahal. Hindi ka nakararamdam niyon," panunuyam niya rito.
Muli itong humithit ng sigarilyo kaya lalong nag-apoy ang nguso niyon. "Puwede naman akong matuto," simple naman nitong sabi na para bang nakapadali nga niyong mangayri.
"Kung iyon talaga ang gusto mo, maghanap ka na lang ng ibang magtuturo sa iyo. Hindi ako iyon. Huwag mo akong isinasali sa bagay na walang kasiguraduhan," ang mahaba-haba niyang sabi rito. "Huwag mo na lang ibalik ang gamit. Sa iyo na. Hindi ko na gusto pang magkaroon ng ano pa mang koneksiyon sa iyo."
Tinalikuran niya na ito matapos ng kaniyang mga naging salita. Hindi siya nakatuloy sa balak niyang paghakbang nang pigilan siya nito sa kaniyang pulsuhan. Hinila siya nito nang marahas kaya bumangga siya sa dibdib nito. Sa lapit ng kaniyang mukha rito naamoy niya hininga nitong nahaluan ng sigarilyo. Wala nang lulusutan pa ang hangin sa pagkadikit ng kanilang mga katawan.
"Kalamado ako pagdating sa iyo. Huwag mong hintayin na magalit ako dahil baka ikukong pa kita. Malaya ka namang makagagalaw habang nasa bahay. Puwede kang lumabas kung kailan mo gusto." Hinawakan siya nito nang magaaan lang sa kaniyang leeg. "Nais ko lang naroon ka sa bahay nang hindi ko kailangan hanapin ka pa. Saka ano bang kinakatakot mo? Nagugustuhan mo rin naman ang mga paghalik ko sa iyo, hindi ba?"
"Hindi ko gusto," sabi niya naman dito.
"Huwag mo na ngang itanggi. Hindi nagsisinungaling ang labi mo."
Wala a siyang iba pang nasabi pa nang halikan siya nito nang mariin at naghanap ng tugon mula sa kaniya. Pinipilit pa nitong ipasok ang dila sa kaniyang nakaawang na mga ngipin. Imbis na tumugon tinulak niya ito. Ngunit hindi pa rin ito lumalayo sa kaniya.
Saglit itong tumigil nang magpalit ito ng posisyon. Siya ang isinandig nito sa sasakyan sabay dagan sa kaniya. Nang hindi ito makahanap ng pagtugon sa kaniya, pinutakte na lamang siya nito ng halik sa kaniyang leeg. Napapatingala na lamang siya sa kalangian kung saan naroon ang mga tala habang abala ito sa pag-iwan ng mga mumuntint init sa kaniyang balat.
Nang mapagtanto nitong nawawalan siya ng gana doon na ito huminto. Hinawakan na lamang siya sa kaniyang ulo, sumuksok sa pagitan ng mga daliri nito ang hibla ng kaniyang mga buhok.
"Umuwi na tayo," sabi nito sa kaniya nang mataman siya nitong pagmasdan na para bang matagal na silang magkasama sa isang bahay.
Sinalubong niya ang mga mata nito. Nakuha pa nitong haplusin ang kaniyang buhok.
"Pupuntahan ko pa ang dati kasamahan," sabi niya naman dito.
"Mas mabuting huwag ka na lang munang magpakita sa kanila nang maniwala silang namatay ka na talaga sa piitan."
Tinapon na lamang nito ang hindi pa nauupos na sigarilyo. Ipinanghawak nito kapagkuwan ang dalawang kamay sa bubongan ng kotse nang maharangan siya ng mga niyon.
Nagsalubong ang dalawa niyang kilay na siyang nagpakunot sa kaniyang noo.
"Ikaw nga talagang nagpasabog sa piitan," ang nasabi niya rito. "Pihadong maraming mga presong namatay doon."
"Oo. Maganda ang ginawa ko. Nabawasan ang mga tao."
"Sira nga talaga ang ulo mo," komento niya rito.
"Sa palagay ko ay mas siraulo ka. Hindi ka nga marunong makinig. Naapektuhan na pati ang pagdedesiyun mo."
Kinuha nito ang kaniyang kamay at pinagalaruan nito ang kaniyang mga daliri. Sinamaan niya ito ng tingin dahil sa ginagawa nitong iyon. Nakuha pa nitong ilagay ang hintuturo niya sa bibig niya sabay sipsip doon na hindi pinuputol ang kanilang tinginan.
Nahinto lamang ito sa pagtunog ng cellphone nito dahil sa isang tawag. Pinakawalan siya nito nang masagot niya ang tumatawag sa kaniya. Inilabas nito ang cellphone mula sa bulsa ng suot na pantalon. Pinagmasdan nito kung sino ang tumatawag kapagkuwan lumayo na ito nang ilang hakbang.
Napapasunod siya ng tingin dito habang iniisip kung tama bang sumama nga siya bahay nito. Napapabuntonghininga na laman siya para rito. Katulad nang naisip niya sa unang beses ng kanilang pagniniig wala namang mawawala sa kaniya ano pang maisip nitong gawin sa kaniyang katawan na walang pakiramdam..
Hindi niya nama marinig kung ano ang sinasabi ni Aristhon sa tumawag. Walang ano mang emosyon na nakaguhit sa mukha nito kaya hindi niya masabi kung puputok ba ito sa galit o mananataling kalmado. Hindi naging mahaba ang pakikipag-usap na tumagal lamang ilang minuto.
"Sino ang tumawag sa iyo?" pag-usisa niya rito para makasiguradong hindi ang kaniyang ama ang nakausap nito.
"Tauhan ko na inutusan kong mayroong gawin." Napatango-tango siya sa narinig. "Dumiretso na tayo sa bahay na walang ibang dinadanan."
Pinagbuksan pa siya nito ng pinto kaya naibabaling niya ang buong atensiyon dito. Nakuha pa siya nitong hawakan sa pulsuhan nang maipasok siya nito sa loob ng sasakyan. Napadapa na lamang siya nito sa sofa. Hindi siya kaagad nakakilos nang maisipan nitong siya ay daganan.