SA PUNTONG nahabol na siya ng drayber papatawid na siya ng kalsada kahit hindi sa bahaging iyon ng daan ang tawiran ng mga tao. Bago pa man siya makahakbang nahawakan siya nito sa likuran ng kaniyang suot. Nang mabitiwan siya nito umikot siya sa ilalim ng kamay nito sabay tulak sa tagiliran nito. Dumulas nga ang kamay nito sa kaniyang bagong suot na damit. Napaatras na lamang ito nang hakbang na siya niya ring muling pagpatuloy niya nang takbo't tumawid na nga sa daan. Ngunit hindi pa man siya nakalalayo narinig na niya ang malakas na busina sa kaniyang likuran. Sa lakas niyon mistulang pinupunit niyon ang kaniyang tainga kasabay ng malakas na pag-irit ng gulong sa aspalto. Dahil dito napalingon siya sa drayber kung kaya nga nasaksihan niyang masasagasaan nito ng paparating na puting truck. Sa bilis ng pangyayari imbis na makabalik ito sa gilid ng daan nanigas na lamang ito sa sobrang gulat. Hindi niya naman nagawang iwanan na lamang ito roon. Kusa na lamang gumalaw ang kaniyang mga paa. Mabilisan na naman siyang tumakbo kapagkuwan na nakatutok ang tingin sa drayber, pagkaraa'y tinalon niya ito bago pa talaga ito masagasaan ng malaking truck. Nagawa niya naman itong mailigtas sa kapahamakan ngunit kapwa sila gumulong sa bangkita. Ang ilang mga nakasaksi sa nangyari ay nabaling na lamang ang atensiyon sa kanila na mayroong kasamang pagsigaw ng iilan. Nang sandaling iyon nakahinto na rin naman ang truck kung saan sumilip ang matabang lalaki sa bintana na masama ang tingin sa kanila. Hindi naman na bumaba ang matabang lalaki't pinagpatuloy na lamang ang pagmamaneho sa malaking puting truck.
Hindi niya hinintay na makabangon pa ang drayber sapagkat nang sandali ring iyon ay papalapit na sa kanila si Aristhon. Wala siyang pagdadalawang-isip na tumakbo na hindi binibigyang-pansin ang galit sa mukha ni Aristhon na nakuha na rin namang tumakbo.
Tumawid siya sa daan kahit na patuloy sa pag-andar ang mga sasakyan. Dahil sa pagtawid niyang iyon nakatanggap siya ng malalakas na busina sa mga sasakyang dumadaan. Nakaiwas naman siyang mabundol kaya nakarating siya sa kabilang ibayo ng daan na walang ano mang natatamong bali sa katawan.
Bago siya magpatuloy nilingon niya si Aristhon na nanatiling nakatayo sa bangkita katabi ang drayber nito. Mataman siya nitong pinagmamasdan sa patuloy na pag-andar ng mga sasakyan na siyang namagitan sa kanilang dalawa. Inilabas nito ang cellpone mula sa bulsa ng suot nitong pantalon kapagkuwan ay mayroong tinawagan.
Hindi na siya nag-aksya pa ng pagkakataon. Umalis na nga siya nang tuluyan na inilalayo ang tingin kay Aristhon. Mabibilis ang kaniyang naging paghakbang sa paglalakad niya sa kahabaan ng kalsadang iyon. Patuloy ang ingay ng mga sasakyan sa kaniyang paligid. Naroong umiiwas siya sa mga nakasasalubong na mga taong naglalakad din. Mahahalata sa mukha ng mga ito ang pagod gawa ng buong araw na pagtratrabaho. Sa likuran naman ng mga gusali ay sumisilip ang papalubog na araw na nagtatapon ng manilaw-nilaw at mapula-pulang liwanag.
Lumiko lamang siya sa tahimil na kalye nang mapadaan siya rito. Sa paglalakad niya roon doon niya lamang napagtanto na mayroon ngang sumusunod sa kaniya. Nalaman niya iyon sapagkat humarang isang lalaki sa kaniyang daraan mula sa pagtatago nito sa likuran ng malaking poste ng bahay na nakatayo sa dakong iyon. Nakasuot ito ng purong itim magmula sa sombrero hanggang sa suot na sapatos. Pumagitna talaga ito nang hindi siya makalampas.
Sa paglingon niya naman sa likuran, humarang na rin doon ang isa pang lalaki. Napapabuntonghininga na lamang siya nang malalim pagkabalik niya nang tingin sa unang lalaki. Sumalubong ang dalawa niyang kilay na ikinakunot ng kaniyang noo nang matandaan nita kung saan niya nakita ang dalawang lalaki. Nakasalubong nila nina Aristhon ang mga ito nang papalabas sila ng elebeytor.
Huminto na lamang siya sa paglalakad habang hinihintay na makalapit ang dalawa sa kaniya. Pinanatili niya ang kaniyang tingin sa unang lalaki na nasa kaniyang unahan.
"Ano bang kailangan niyo sa akin?" ang naisipan niya namang itanong sa mga ito.
"Kailangan mo lang sumama sa amin. Hindi ka na dapat nagtatanong," banat naman ng lalaking kumausap sa kaniya. Basag ang boses nito na parang niyuping lata.
Sa pagtitig niya rito'y nakita niya nang buo ang mukha nitong hiniram pa sa aso.
"Paano kung ayaw ko?"
"Wala kang magagawa kundi ang sumunod. Dahil kung hindi masasaktan ka lang," mariin nitong sabi kapagkuwan ay ngumisi nang matalim.
"Alam niyo nag-aaksaya lang kayo ng panahon," aniya sa lalaki. "Bakit niyo pa sinunod si Aristhon?"
"Hindi si Aristhon ang nag-utos sa amin," pagbibigay alam naman nito sa kaniya. "Bakit naman namin susundin ang kaaway?"
Sa narinig napaisip siya kung sino ang nag-utos sa mga ito kung hindi nga si Aristhon. Malayong ang ama niya rin sapagkat noon pa man hindi nito magagawang ipadukot siya nito dahil iyon ang naging usapan nila ng kaniyang ina. Isa lang talaga ang posibleng sagot, ang kaaway lang ng kaniyang ama. Sa naiisip niya'y gagamitin siya ng mga ito para makaganti. Naguguluhan lang siya kung paano siya nakilala ng mga ito.
"Paano niyo naman ako nakilala?" paniniguro niya rito nang hindi siya magkamali sa mga naiisip.
"Tama na ang katatanong," matigas na sabi sa kaniya ng lalaki.
"Kung hindi mo naman gustong sagutin bakit hindi mo na lang sabihin kung sino ang nag-utos sa inyo," aniya sa lalaki.
Binigyan siyang muli nito nang matalim na ngisi na iisa lamang ang ipagkahulugan. Nang lumingon siya ay nakalapit na nang tuluyan sa kaniya ang ikalawang lalaki. Hawak nito ang lubid na ipapangtali nito sa kaniyang leeg.
Bago pa man mahuli ang lahat sinipa niya kaagad ito sa dibdib na ikinaatras nito papalayo sa kaniya. Ibinalik niya kapagkuwan ang atensiyon sa unang lalaki na nang sandaling iyon ay naglabas ng patalim sa mula sa tagiliran ng suot nitong diyaket. Hindi ito nagdalawang-isip na sumugod sa kaniya.
"Mamamatay ka ngayon. Wala kaming pakialam kung bangkay ka na naming madadala," ang sabi nito na puno nang kasamaan.
Binalak siya nitong saksakin sa tiyan na kaniya na namang nagawang matakasan. Sinalubong niya ang kamay nitong mayroong hawak na patalim. Hinawakan niya ang kamay nito sabay pilipit dito. Sinundan niya kaagad iyon ng pag-ikot habang inaagawa ang patalim na nagawa niya rin naman. Paglampas niya rito'y sinaksak niya kaagad ito sa tagiliran at sa likod. Napalayo na lamang ito sa kaniya na nakahawak sa tagiliran nang mapigilan ang dami ng pagdurugo ng natamong sugat sa bahagi ng katawan nitong iyon.
Sa pagkakataong iyon nagawa na ng ikalawang lalaki na makadikit sa kaniya. Agaran nitong itinali ang lubid sa kaniyang leeg, sa sobrang higpit niyon bumabaon na sa kaniyang balat.
Unti-unting nahirapan siya kaniyang paghinga. Kung kaya nga bago pa man mahuli ang lahat, mabilisan niya itong sinaksak kahit na nakatalikod siya rito. Nagawa niya namang maibaon ang patalim ngunit hindi siya nito pinapakawalan. Mistulang wala itong pakialam sa natamong sugat.
Naubos na ang hangin sa kaniyang baga nang makailang ulit na naman niya ito sinaksak sa parehong tagiliran. Lalo pa itong nagdurugo sa dami ng mga sugat nitong natamo.
Dumating naman din ang pinakahihintay niyang mangyayari rito. Bumagsak na lamang ang lalaki sa daan nang paluhod habang naubo ng mapulang dugo. Kumalat ang nailabas nitong dugo sa harapan na humalo sa inilalabas ng mga sugat nito sa tagiliran. Hindi na nga ito nakakilos pa sa naging kalagayan nito.
Sa pagsugod sa kaniya ng unang lalaki kahit nagdurugo sinipa niya ito sa dibdib. Natumba na lamang ang lalaki sa panghihina nito. Nakuha niya pa itong lapitan. Pinagmasdan niya ito nang maigi at idiniin sa balikat ang sarili nitong patalim.
"Hahayaan ko kayong mabuhay ngayon kaya huwag niyo na akong susundan," aniya nang alisin niya ang patalim at itinapon iyon sa gilid ng daan.
Hindi niya na hinintay pa na mayroong masabi sa kaniya ang lalak. Tumayo na lamang siya matapos bumuntonghininga nang malalim. Tinalikuran niya kapagkuwan ang mga ito't pinagpatuloy ang kaniyang paglalakad nang mabisita niya ang kaniyang ina sa ospital.
HINDI na nga naging tahimik ang ospital nang makarating siya roon na wala na ngang sumusunod sa kaniya na mga lalaki. Naroon pa rin ang ingay nang huling magtungo siya na siyang sumusuksok sa kaniyang tainga sa paglalakad niya sa pasilyo ng ikalawang palapag. Hindi na nawala pa ang mga staff ng ospital na naglalakad papunta't paparito. Nakasalubong niya ang mga ito na hindi siya binibgiyan ng pansin. Alam niya rin naman kung nasaan nakalagay ang kaniyang ina kaya hindi na siya nagtanong.
Sa hindi niya nga pagtigil nakarating na siya sa kuwartong pangmaramihan. Hindi siya kaagad pumasok sa nakasaradong pinto sa paghahanda niya sa kaniyang sarili. Noon pa man mula nang makomatos ang kaniyang ina hindi niya nais na makita ang kalagayan nito. Winawasak niyon ang namamanhid niyang puso. Matapos nga ng malalim na buntonghininga tuluyan na siyang pumasok sa pinto. Hinawakan niya ang doorknob sabay pihit roon. Umirit pa rin ang pinto sa kaniyang pagtulak dito na naglaro sa hangin kahit na marahan na niya iyong binubuksan. Karamihan sa mga nakalagay sa kuwarto na iyon ay mga katulad ang kalagayan sa kaniyang ina kaya hindi magandang mag-ingay bilang respeto.
Isinara niya ang pinto kahit nakatalikod siya rito na ibinabaling ang tingin sa loob ng kuwarto na iyon. Mayroong dalawang hanay ng mga hospital bed kung saan nakahiga ang mga pasyente. Sa tabi ng mga kamang iyon ang mga nagbabantay. Naroon din ang isang nurse na tinitingnan ang mga dextrose kung maganda ba ang pagpatak niyon.
Hindi na siya nag-aksaya ng mha sandali't naglakad na siya patungo sa kamang kinalalagyan ng kaniyang ina kalapit ng bintana. Nilampasan niya lamang ang ibang mga kama kahit na pinagtitinginan siya ng mga nagbabantay. Hindi niya binigyan ng pansin ang mga ito dahil nga ang mahalaga sa kaniya ay ang mabisita ang kaniyang ina na ilang buwan na niyang hindi nasisilayan. Nais niya itong kumustuhin kahit natutulog ito. Ngunit hindi pa man siya nakararating sa dulo ng hanay sa kaniyang gawing kanan napagtanto niyang walang laman ang kinahihigaan dapat ng kaniyang ina. Hindi niya gustong isipin na namatay na ito kaya inalis na ng mga staff ng hospital. Nakuha niya pang lumingon sa ibang mga kama sa pag-aakalang inilipat lang kaniyang ina ngunit wala naman sa mga pasyente ang kaniyang ina.
Nilapitan na lamang niya ang nurse na papalipat ng kama. Pinagmasdan siya kaagad nito kahit hindi pa man siya nakapagsasalita.
"Nasaan na iyong pasyente sa dulong kama? Saan niyo siya dinala? Namatay na ba siya kaya wala na siya rito?" ang sunod-sunod niyang tanong na ikinatigil ng nurse.
Sinalubong niya ang mga mata nitong hindi niya nakikitaan ng magandang emosyon para sa kaniya. Sigurado siyang hinuhusgahan siya nito dahil sa kaniyang naging itsura.
"Sino ka ba?" sabi nito imbis na sagutin ang kaniyang mga naging tanong. "Hindi ko puwedeng sabihin sa iyo ang gusto mong malaman hanggang hindi ko naririnig kung ano ang relasyon mo sa paseyente."
Hindi niya napigilang pakunotan ito ng noo dahil hindi nga ito dapat nagtatanong. "Anak ako kaya sabihin mo na," pagbibigay diin niya.
Sumama ang mukha nito sa narinig mula sa kaniya.
"Kung anak ka nga bakit hindi ka man lang dumadalaw?" ang nasabi pa nito.
Hindi na niya napigilan ang inis na naramdaman para rito kaya himawakan niya ito nang mahigpit sa braso.
"Sasabihin mo ba o hindi?" pagbabanta niya rito na masama na rin ang tingin.
Nakaramdam din naman ito kaagad ng takot na mahahalata sa mukha nito.
"Inilipat na siya sa private room," pagbibigay alam nito na kinakabahan. Nanginig ang boses nito sa pagsasalita.
Nakahinga siya nang maluwag sa narinig.
"Iyon naman pala't masyado mo pang pinatagal," aniya nang bitiwan na niya ito.
Hindi niya ito hinintay pa na mayroon pang ibang masabi sa kaniya. Lumakad na siya patungo sa pinto na hindi pa rin binibigyang pansin ang mga tingin na pinupukol sa kaniya ng mga taong naroon. Sa paglabas niya nga ng pinto laman ng kaniyang isipan kung sino nga ba ang naglipat sa kaniyang ina dahil alam niyang hindi magagawa iyon ng kaniyang kasamahan sa trabaho. Hindi rin naman sinabi sa kaniya na inilipat nga ito habang nasa piita pa siya. Kung ang ama niya ang gumawa niyon ang tanong niya ay ano ang dahilan nito. Kapag hindi siya nagkakamali sa naiisip sinira nito ang pangako sa kaniyang ina na hindi na ito magpapakita sa kanila.
Sa paglalakbay nga ng kaniyang nakarating siya sa intormation desk ng hospital sa ikalawang palapag. Naroon sa likuran niyon ang dalawang nurse na abala sa kanilang mga ginagawa. Lumapit siya sa nurse na malagong kulot ang buhok. Iniangat nito ang tingin patungo sa kaniya mula sa kaharap nitong kompyuter.
"Ano ang sa iyo?" ang naitanong nito sa kaniya na hindi pa rin tumitigil ang daliri sa teklado. Mabilis na pumipindot ang mga iyon.
"Gusto kong malaman kung saan inilapat ang kuwarto ng ina kong si Magda. Anak niya ako," aniya nang hindi na ito magtanong.
Hindi nga nito sinigurado kung nagsasabi ba siya ng totoo. Mayroon itong pinindot sa kompyutet na lumabas ang databaae system ng hospital. Inilagay nito sa search box ang pangalan ng kaniyang ina't muling nagtanong.
"Apelyido?" sabi naman nito na hindi naalis ang tingin sa kompyuter.
Nabaling ang kaniyang tingin sa telebisyong nakakabit sa wall sa harapan ng mga upuan kung saan nakaupo ang mga ibang bumibisita kasama ang ibang mga pasyente.
"Dela Vega," sabi naman niya.
Hindi niya napigilang tumingin dahil sa balitang naging laman niyon. Sumabog ang buong piitan na inalisa niya. Kumunot ang kaniyang noo nang sumagi sa isip niyang ginawa nga iyon ni Aristhon. Wala nga rin naman itong kasing sama. Mas maganda ngang lumayo na siya rito bago pa nito malaman ang tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina.
Naalis niya ang tingin sa telebisyon sa pagsasalita ng nurse.
"Nasa room 306 siya. Dumiretso ka lang, makikita mo na iyon." Sinalubong nito ang kaniyang ina. "Kung anak ka bakit hindi mo alam ang kuwarto ng ina mo?" dugtong pa nito para siya ay usisain.
"Dahil hindi ko alam inilipat siya ng kuwarto. Kararating ko lang galing sa ibang bayan sa pagtratrabaho ko," pagdadahilan niya na lamang dito. "Puwede bang malaman kung sino ang naglipat?"
Pinaniwalaan din naman nito ang nasabi niya sa pagtango-tango nito sa kaniya.
"Tingnan natin," sabi naman nito't muling pumindot sa kompyuter. "Benjo Dela Vega ang nakalagay rito."
Nagtaka na lamang siya sa narinig dahil ginamit pa talaga ang pangalan niya ng naglipat sa kaniyang ina.
Hindi na siya nagpasalamat sa nurse sa kaniyang paglalakad. Hinatid na lamang siya nito nang tingin at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa sa kompyuter. Tiningnan niya ang mga numero ng private room na kaniyang nadadaanan hanggang sa nakarating nga siya sa pintuan ng naging kuwarto ng kaniyang ina. Hindi na naman siya kaagad nakapasok nang masilip ang kalagayan nito. Nilagyan na nga ito ng tubo para suporta sa paghinga nito. Mapapansin ang pamumutla ng mukha nito kahit nasa malayo. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Tumatama sa kinahihigaan nito ang sinag ng papalubog na raw na lumulusot sa bintang salamin.
Wala na rin naman siyang inaksayang pagkakataon pa't tuluyan na siyang pumasok.
"Narito na ako, mama," sabi niya pa sa paglapit niya sa kama nito. Kaagad niyang hinawakan ang kamay nito sa kaniyang pag-upo sa gilid. "Gumising ka na. Pupunta na tayo sa paborito mong beach."