Kabanata 37

2630 Words
NAKARATING sila sa pinakamalapit na mall na wala siyang inaalala. Pinasok ng drayber ang kotse sa parking area na nasa ground floor ng mall. Sa katahimikan nakabalot doon umaalingawngaw ang pag-irit ng gulong ng sasakyan sa makintab na sahig. Nilampasan ng kinasasakyan nila ang dalawang hanay ng mga nakaparadang sasakyan bago sila makahanap ng bakanteng mapaghihimpilan. Maingat na inatras ng drayber ang kotse papasok hanggang sa tumigil na ang sasakyan. Nauna pa ngang lumabas ang drayber kasunod ng pagsara nito sa pinto. Samantalang silang dalawa ni Aristhon ay tumagal pa ng ilang minuto sa loob nang pigilan siya nito sa kaniyang braso. "Magpaiwan ka na lang kaya rito," ang nasabi nito sa kaniya nang pigilan siya nito sa kaniyang pulsuhan. Sinalubong niya ang mga mata nito. "Bakit?" ang naitanong niya naman dito. "Maglalakad ka sa loob ng mall ganiyan lang ang suot mo," paalala nito sa kaniya nang bitiwan na nito ang kaniyang kamay. Isang pagkakataon na niya iyon na makaalis kaya huminga naman siya nang malalim. "Sige," pagsangayon niya na lamang dito. "Kung iyan ang gusto mo." Nagbago rin naman kaagad ang isip nito kahit kapapayag niya lamang. Madaling nasayang ang pagkakataon. "Sumama ka na lang pala baka mayroong mangyari sa iyo rito," ani nito nang magpatiuna ito sa pagbaba ng sasakyan. "Ano ang ibig mong sabihin?" nagtataka niyang tanong nang isasara na nito ang pinto. "Mayroon bang bumubuntot sa iyo?" dugtong niya rito. "Oo. Tama ka sa naiisip mo." Tuluyan na nitong sinara ang pinto na gumawa ng ingay. Napabuntonghininga na lamang siya nang malalim. Sa loob na nga lang talaga niya gagawin na tumakas matapos niyang makapagpalit ng damit. Umalis na rin siya sa kinauupuan na binubuksan ang pinto. Tinulak niya iyon sa kaniyang pagbaba't muli rin namang isinara. Pagkatayo niya'y naibaling niya ang tingin sa drayber sapagkat nakatingin ito sa kaniya. Hindi nalalayo ang edad nito sa kaniya't mas bata nang kaunti kay Aristhon, nasa kalagitnaan ng edad nila ni Aristhon ang tanda nito. Makakapal ang dalawang kilay nito't maayos na sinuklay ang buhok. Naalis lang nito ang tingin sa kaniya nang lumakad na si Aristhon, napabuntot na lamang ito sa lider. Hindi rin naman siya nagpaiwan doon. Hinabol niya ang dalawa sa paglalakad. Sa bilis ng kaniyang mga paang walang ano mang sapin, gumagawa iyon ng hindi nagbabagong tunog sa makintab na sahig. Nagtungo sila sa alkoba ng elebeytor na nadsa gawing gitna ng parking area. Hindi naman malayo sa kanilang binabaan ang elebeytor kaya sa loob lamang ng ilang mga sandali nakarating na sila roon. Ang drayber ang pumindot sa buton na siyang nagpabukas sa dalawang sara ng elebeytor. Nagpatiuna sa pagpasok si Aristhon kasunod siya samantang nagpahuli naman ang drayber nito. Nakuha niya pang lumingon sa mga nakaparadang sasakyan sa pagpuwesto niya sa loob ng elebeytor. Wala naman siyang napansin na nakasunod kay Aristhon. Naisip niyang hindi ito nagtatago lang mga ito sa likuran ng mga sasakyan at naghihintay ng tamang tiyempo upang makabuntot sa kanila pag-akyat ng unang palapag ng mall. "Sino naman ang sumusunod sa iyo?" ang naitanong niya sa pagtayo ng drayber sa gilid. Itong muli ang nagpindot sa buton na siyang nagpasara sa elebeytor. Lumingon sa kaniya si Aristhon sa naging tanong niya rito. "Sa dami ng mga mayroong galit sa akin hindi ako sigurado kung sino," ang naging sagot nito sa kaniya. "Bakit hindi mo na lang tapusin ang lahat nang wala ka ng mga kaaway?" ang naisip niyang sabihin. "Wala na akong makukuhang sa kanila kung mangyari iyon," paliwanag nito sa kaniya. "Mapapakinabangan ko pa rin naman ang mga mayroong galit sa akin kaya makapaghihintay iyang sinabi mo." Magkaiba man ang takbo ng kanilang mga isipan naintindihan niya rin naman kung ano ang gusto nitong mangyari. "Kumusta naman ang mga ginagawa mo?" pa-usisa niya rito nang sumagi sa kaniya ang mga posibleng ilegal na pinapapalakad nito. Imbis na sagutin siya nito nang direkta nagtanong din ito sa kaniya. "Bakit mo naman itinatanong?" "Wala lang," simple niyang sabi na hindi naman nito tinanggap. "Gusto mo bang kumita ng malaking salapi?" saad nito na hindi niya naman sinagot. Nais niya rin naman talagang kumita nang maraming pera. Hindi para sa kaniyang sarili kundi sa kaniyang ina. "Hindi mo naman kailangang sumali pa sa kung ano mga ilegal na gawain. Tagapagmana ka ng ama mo. Marami siyang kayamanan." "Wala akong balak manahin ang mga kayamanan niyang galing sa hindi magagandang bagay." "Sayang naman," sabi pa nito. "Siya nga pala dahil nabanggit ko na lang din ang ama mo. Gusto ka niyang makausap. Pupuntahan natin siya bukas na bukas din." "Hindi ako magpapakita sa kaniya," mariin niyang sabi rito. "Walang saysay na magkita kaming dalawa." "Kahit tumanggi ka, pupunta ka pa rin. Kung kailangang itali pa kita gagawin ko." "Kung magagawa mo," paghahamon niya naman dito. Ibinaling niya na lamang ang kaniyang paningin sa mga numerong umiilaw nang kulay dilaw sa itaas ng pinto ng elebeytor. "Ano bang ikinagagalit mo sa ama mo?" ang naitanong pa nito sa kaniya. "Marami. Hindi mo kailangang itanong kung mga ano. Dahil sa kaniya hindi naging maganda ang buhay namin." Sa binabalak nga nitong pagdala nito sa kaniya sa kaniyang ama kailangan niya ngang takasan ito habang maaga pa. Sa paglalakbay ng kaniyang isipan nakarating na ang elebeytor sa unang palapag ng mall. Huminto iyon na siya ring pagbukas ng pinto. Naghihintay sa labas niyon ang dalawang kalalakihan na purong itim ang mga suot. Tumabi ang mga ito nang lumabas sila ng magkasunod-sunod. Nauna ang drayber kabuntot si Aristhon at siya naman ang nasa pinakahuli. Hindi niya binigyang pansin ang dalawang lalaki sa pagsakay ng mga ito sa elebeytor. Pagkagaling nga sa elebeytor naglakad na sila pasilyo habang naghahanap ng tindahang maari nilang pagbilhan ng kaniyang maisusuot na damit. Napapatingin sa kaniya ang ibang mga nakasasalubong dahil sa kaniyang ayos na ang suot lamang ay diyaket ng suit at wala pa siyang ano mang sapin. Nagtuloy-tuloy lang sila sa kahabaan ng pasilyo na para bang walang tumigil. Hindi rin naman ito nagsasalita kung saan sila bibili kaya nang mapadaan sa tindahan ng mga damit huminto siya sa paglalakad. Hindi siya nagsalita kaya hindi namalayan ng dalawa ang kaniyang pagtigil. Nang mapagtanto ni Aristhon na wala na siya sa likuran ng mga ito lumingon na ito sa kaniya. "Bakit ka tumigil?" ang naitanong nito sa kaniya. "Malapit na iyong tindahan na binibilhan ko ng maisusuot." "Dito na tayo," aniya naman na nakaturo ang daliri sa kaliwa. Salamin ang dingding ng tindahan sa harapan kaya kita ang loob niyon kung saan patingin-tingin ang ilang mga kustomer sa mga tinda. "Mas maganda ang mga ibenebenta roon sa sinasabi ko," pang-iingganiyo nito sa kaniya. "Hindi rin naman mahalaga sa akin kung matibay o hindi. Kailangan ko lang nang maisusuot," sabi naman niya dito. Hindi niya na ito hinintay na sumangayon sa kaniya. Naglakad na lamang siya papasok ng tindahan kaya napabuntot na lang din ang dalawa sa kaniya. Nabaling na naman sa kaniya ang tingin ng mga taong naroon sa loob. Binalewala niya lamang ang tingin ng mga ito na puno ng pagkadisgusto. Lumapit siya sa mga dami na panglalaki na nasa bandang sulok ng tindahan. Nilapitan siya ng saleslady na itim ang uniporme dahil sa ginawa niya. "Hindi ka puwedeng basta pumasok lang dito?" ang nasabi nito sa kaniya. "Sa itsura mo mukhang wala kang pangbayad." Hindi siya kaagad kumuha ng maisusuot na sinabi nito. Nilingon niya ang saleslady na masama ang tingin sa kaniya. "Wala nga akong pangbayad," sabi niya naman dito. Tinuro niya si Aristhon na kalalapit lamang sa kanila. "Pero siya mayroon." Sinundan nito ng tingin ang kaniyang daliri na tumama nga kay Aristhon. Naiyuko na lamang ng saleslady ang ulo nito pagkakita nito rito. Hindi na ito nakuha pang magsalita nang abutan ito ng drayber ng itim na card. "Babayaran namin kung ano man ang kukuhanin niya," sabi pa ng drayber kaya lalong nahiya ang saleslady. Inalis niya na lamang ang atensiyon sa mga ito. Kumuha siya kapagkuwan ng tshirt na kulay itim na malaki ang sukat. Kumuha na rin siya ng pantalon matapos niyang matingnan ang numero ng waistline. Naghanap na rin siya ng underwear na kasunod lang ng pinagkuhanan niya. Napapasunod lang ng tingin sa kaniya si Aristhon kasama ang drayber sa pagkilos niya. "Iyan lang ba ang kukunin mo?" ang naitanong nito sa kaniya. Tumango siya rito't naglakad patungo sa bihisan. Tinulak niya ang pinto pumasok na roon. Bago siya magpalit isinampay niya ang nakahanger na bagong damit sa bakal na naroon. Mabilisan niyang inalis sa kaniyang katawan ang diyaket at sinimulang isuot ang bagong nga damit. Inuna niyang isuot ang underwear na eksaktong lamang sa kaniya. Sa pagsuot niya ng pantalon kumatok ang drayber sa pinto ng bihisan. Bumitiw siya sa pantalob matapos maibutones iyon. Sa pagbukas nga niya sa sara inabot ng drayber sa kaniya ang dala nitong sapatos na pula ang kulay. "Ito na ang sapatoa mo, Boss," sabi nito sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo sa narinig mula rito. "Bakit mo ako tinatawag na boss?" ang naitanong niya rito nang kunin niya ang inaabot nitong sapatos. "Dahil kasintahan ka ni Aristhon," sagot naman nito. Nagsalubong ang dalawang kilay niya rito na nagpakunot sa kaniyang noo. "Nagkakamali ka sa bagay na iyan. Hindi kami magkasintahan," pagtama niya rito. "Huwag ka nang mahiya, Boss. Wala rin naman sa akin kung pareho kayong lalaki," sabi nito sa kaniya. "Tapusin mo na ang pagbihis. Kakain pa kayo pagkagaling dito." "Hindi ko nga kasintahan si Aristhon," ang matigas niyang sabi rito. Nginitian lang siya nito nang ito na ang magsara sa pinto. Nakaramdam siya ng inis sa pinagsasabi ng drayber sa kaniya. Imbis na mabagal lang ang kaniyang pagbihis, bumilis na iyon. Tinapos niya kaagad nang makalabas na siya sa bihisan na iyon. Sa pagtali niya sa sentas ng sapatos natapos na siya. Lumabas na siya kapagkuwan dala ang diyaket ng suit ni Aristhon. Naghihintay lamang ang mga ito sa bandang gitna ng tindahan. Nakaupo si Aristhon sa parisukat na upuang de kutson habang nakatayo naman lang ang drayber sa kanan nito. "Mukha ka nang disenteng tingnan ngayon," komento ni Aristhon sa pagtayo nito mula sa kinauupuan. Imbis na matuwa sa sinabi nito itinapon niya lamang patungo rito ang diyaket ng suit nito. Nasalo naman nito iyon bago pa man mahulog sa sahig. Nanatili namang nakatingin sa kanilang dalawa ang drayber. "Nang hindi pa ba ako nakakapag-suot nang ganito, mukha ba akong aso?" ang naisip niya namang itanong dito. "Oo. Mabuti naman naitanong mo," ang saad naman nito nang totoo. "Hindi mo ba gustong magdagdag pa nang ibang maisusuot?" ang naitanong pa nito sa kaniya. "Hindi na. Mayroon naman akong maisusuot sa inuupahan ko," pagbibigay alam niya rito. "Ikaw ang bahala." Tumayo ito mula sa kinauupuan habang isinusuot ang diyaket ng suit. "Gusto mo bang dumaan muna tayo sa inuupahan mo nang makuha mo na rin ang mga gamit mo?" dugtong nito nang humakbang na ito patungo sa kaniyang kinatatayuan. Nagsalubong ang dalawa niyang kilay na ikinakunot ng kaniyang noo para rito. "Ano bang gusto mong mangyari talaga?" kompronta niya rito. "Hindi ko kailangang kunin ang mga gamit ko sa inuupahan ko kunh bibisita lang naman ako sa bahay mo. Ngayong naiisip ko nga hindi nga rin dapat ako sumama sa iyo ngayon. Nagawa mo na rin ang naging usapan natin kaya hindi na nating kailangang magkita pang dalawa." Hinawakan siya nito bigla nang mahigpit sa kaniyang braso. Sumama ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. "Hindi ako sumasangayon sa mga nasabi mo. Titira ka sa bahay," mariin nitong sabi sa kaniya. Bumuntonghininga siya nang malalim nang alisin niya ang mga kamay nito. "Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman tayo magkapamilya o magkaibigan man lang," paalala niya rito ang bitiwan na niya ang kamay nito. Natahimik naman ito bigla nang hindi na siya nito muling hawakan sa kaniyang braso. Sa pagtitig nito sa kaniya ay mahahalatang pinag-iisipan nito ang kaniyang nasabi. Nang mapagtanto nitong hindi aayun ang lahat sa gusto nitong mangyari sa pagitan nilang dalawa, nagsalita na ito. "Sasama ka sa akin sa ayaw mo't gusto," sabi niya na puno ng pagbabanta ang boses. "Hindi ko mapipilit. Salamat na lang sa binili mong suot ko na ngayon." Lalo pang sumama ang tingin nito sa kaniya. "Huwag mong hintayin na kaladkarin pa kita para lang sumunod ka." Hinuli nitong muli ang kaniyang braso. "Alam mong hindi ako natatakot sa ganiyan,", hirit niya naman dito. Ramdam niya ang pagbaon ng mga daliri nito sa kaniyang braso sa kalabisan ng pagkadiin niyon. "Hindi sapat ang pasasalamat mo para sa pagtulong ko sa iyong mailabas ka." "Usapan natin iyon," pag-ulit niya sa bagay na napagkasunduan nila sa loob ng piitan. Sa balak nitong pagbuhat sa kaniya lumayo sa siya rito nang hakbang paatras. Hindi naman siya nakalayo nang hilahin siya nito pabalik. Bumangga ang kanilang mga katawan sa pagkadikit niya rito. Sa lapit ng kanilang mga katawan sa isa't isa wala nang malusotan ang hangin. Maging ang kanilang mga kamay ay gahibla na lamang ang layo. Naghalo ang kanilang mga hiningang inilalabas hindi lang ng kanilang mga ilong maging ang kanilang bibig na rin. Liban pa roo magkatagpo ang kanilang mga mata. "Hindi ka puwedeng umalis na lang bigla. Magagawa mo lang ang gusto mo kung nagsawa na ako sa iyo," ang saad nito na puno ng bigat. "Wala na akong balak na maging parausan mo. Maghanap ka na lang nang babae. Kung ayaw mo naman, iyong artista na lang. Magkasundo naman kayong dalawa." Tinulak niya ito sa dibdib nang makawala siya rito. Ikinapit nito sa kaniyang balakang nang hindi niya magawa. Muli lamang nagdikit ang kanilang mga katawan, sa pagkakataong iyon nagtama naman harapan ng kanilang mga suot na pantalon. Napapalingon na lamang sa kanila ang ibang mga taong naroon. "Wala ka nang mapagpipilian," paalala naman nito sa kaniya. "Huwag mong hintayin na magalit ako nang tuluyan." Kumawag-kawag siya sa pagkahawak nito. Niluwagan din naman nito ang kamay sa kaniyang balakang. "Kakain muna tayo. Pagkatapos pupunta na tayo sa bahay. Ipapakuha ko na lang ang mga gamit mo sa inuupahan mo." Nag-isip siya sa mga sinabi nito. Mahihirapan nga rin naman siyang takasan ito dahil nga sa binabantayan siya nito. Kailangan niyang maghanap nang tamang pagkakataon. Isang malalim na buntonghininga ang kaniyang pinakawalan. "Sige, kung iyan ang gusto mo. Pero huwag kang umasa na matutuwa ako sa pagtira ko sa bahay mo." "Hindi mo kailangang matuwa," sabi naman nito nang tuluyan siya nitong pakawalan. "Hindi mahalaga kung ano ang mararamdaman mo." "Ano pa nga ba ang aasahan ko sa iyo? Puwedeng pumunta na tayo sa kung saan mo gustong kumain. Nagugutom na ako nang sobra. Ilang araw na akong hindi kumakain." "Ano ang gusto mong kainin?" tanong nito nang mawala na ang galit sa mukha nito. Nagpatiuna na rin ito sa paghakbang kaya napapasunod na lang siya rito kasabay ng drayber. "Bakit mo pa itinatanong? Kung gusto ko nang kakaiba, ibibigay mo ba?" ang naisipan niya namang sabihin nang magpanggap wala siyang binabalak. "Oo. Ano bang gusto mo?" sabi naman nito sa kaniya. Nilampasan lamang nila ang iba pang mga naroon. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa hagdanan. Wala silang lingon nang lumabas doon. Habang wala sa kaniya ang tingin ni Aristhon walang pagdadalawang-isip na kumaripas nang takbo. Napasunod na lang nang tingin sa kaniya ito sa hindi nito paghabol sa kaniya. Napabuntonghininga ito nang malalim na mahahalata sa pagbagsak ng balikat nito. Pagtagpo ng kanilang mga mata itinaas niya ang gitnang daliri para rito. Naisenyas na lamang nito ang ulo sa drayber nang habulin siya ng huli. Nang magsimula na ngang tumakbo ang drayber ibinalik niya ang tingin sa harapan kapagkuwan ay dinagdagan pa ang bilis ng pag-uunahan ng kaniyang mga paa makalayo lamang kay Aristhon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD