NAGTATANONG pa rin siya sa kaniyang sarili kung iyon ba talaga ang gusto niya, ang sumama kay Aristhon sa bahay nito, kahit nang makapasok na siya sa loob. Alam niyang mali na ginagamit niya ito para mayroon siyang matirahan dahil wala na siyang bahay o pera man lang na magagamit niya. Ngunit naroon pa rin nga naman siya. Kapwa nga naman nila ginagamit ang isa't isa, ang kinaibahan lang ay kasiyahan ng katawan ang nais makuha ni Aristhon.
Masyadong malaki ang bahay para sa isang tao lang o kahit para sa kanilang dalawa. Dalawang palapag ang bahay na ang dingding sa harapan ay gawa sa makapal na salamin kung saan kitang-kitang ang malapad na pool. Napapaikutan ito ng matatas na pader nang maihawalay iyon sa ibang mga bahay sa kapitbahayan. Mataas ang tiwala ni Aristhon na walang magpapangahas na pumasok doon na kaaway nito dahil wala man lang itong guwardiya ni isa.
Naupo siya pang-isahang upuan katabi ng kuwaradong mesang kahoy habang pinagmamasdan ang pabilog na ilaw na kisame na kawangis ng ginintuang dandelion. Naiwan siya saglit sa sala sa pagkuha ni Aristhon ng tubig sa kusina. Napaliguan ang kabuuan ng loob ng mga kulay na pinaghalung puti, abo at itim kaya nahuhumaling siya sa ganda niyon.
Naalis niya lang ang tingin sa pailaw nang marinig niya ang mahinang yabag ni Aristhon galing sa kusina. Nilingon niya ito sa paglapit nito sa kaniya kasabay ng pagtagilid niya sa kinauupuang sofa. Hawak nga nito sa isang kamay ang mataas baso na puno ng malamig na tubig.
"Marunong ka bang magluto?" ang naitanong nito nang iaabot nito sa kaniya ang baso.
Tinanggap niya ang baso na walang pag-aalinglangan. Naramdaman niya sa kaniyang palad ang lamig niyon.
"Bakit mo naitatanong?" aniya nang patanong din imbis na sumagot dito ng direkta.
Pinagmamasdan niya ito sa pag-inom niya ng tubig. Hindi niya tinigilan sa labis na uhaw na kaniyang nararamdaman. Napapatitig na lamang ito sa kaniyang lalagukan na gumagalaw paitaas at pababa sa kaniyang bawat paglagok.
"Wala ako ritong tagaluto dahil hindi naman ako rito madalas kung kumain. Sa labas ako kumakain, sa mga resto," paliwanag nito sa kaniya. "Kaya kung hindi ka marunong magluto maghahanap ako ng marunong magluto nang hindi ka mahirapan."
Sa huling paglagok niya'y binaba niya na ang baso. Ipinatong niya iyon sa mababang mesa na nasa harapan niya.
"Huwag kang mag-alala. Hindi mo kailangang baliin ang nakasanayan mo. Marunong din naman akong magluto," pagbibigay alam niya rito.
"Mabuti," tipid naman nitong sabi na hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
Matapos ng sinabi nito wala na itong dinugtong doon kaya nakararamdam na naman siya ng pagkailang. Mataman siya nitong pinagmamasdan. Hindi niya napigilan ang pagsalubong ng kaniyang kilay na ikinakunot ng kaniyang noo.
Sa huli siya ang hindi nakatiis sa namamagitang katahimikan sa kanilang dalawa.
"Huwag mo akong tingnan nang ganiyan," paninita nya rito.
"Paano ba ako tumingin?" banat naman nito.
Sinalubong niya ang mga mata nito't sumuko na lamang nang hindi na humaba pa ang usapan nilang iyon. "Saan ba ang magiging kuwarto ko?" pag-ibaba niya ng usapan.
"Sumunod ka."
Nagpatiuna ito sa paglalakad kaya napabuntot na lamang siya rito. Inakyat nito ang hagdan na abuhin ang mga baitang. Walang ano mang nakasukbit na palamuti sa dingding niyon. Sa hindi nila paghinto kasabay ng katamtamang bilis ng paghakbang nakarating sila sa ikalawang palapag na walang namagitan sa kanila na ano pa mang mga salita.
Unang bumungad sa kaniya pag-akyat sa ikalawang palapag ay ang makatotohanang painting ng isang koi fish. Nakalagay sa salamin ang paiting nang hindi maapektuhan ng alikabok ang mukha niyon.
Nagtuloy-tuloy lang ng lakad si Aristhon pagkagaling ng hagdanan kaya napapasunod pa rin siya rito na parang buntot. Huminto lamang ito nang makarating ito sa isang pinto.
"Mag-isa ka lang ba talaga rito?" paniniguro niya rito nang hindi siya magulat kapag mayroon siyang makitang tinatagong tao na dinukot nito.
Binuksan nito ang pinto na nakatingin sa kaniya. Umingay ng bahagya ang doorknob sa ginawa nito kasunod ng pagtulak nito sa pinto papasok.
"Oo. Ano bang naiisip mo't tinatanong mo pa?" Muli siya nitong pinagmasdan sa mukha nang malaman nito kung magsisinungaling siya sa kaniyang magiging sagot.
"Baka kako mayroon kang itinatagong tao rito."
Humakbang siya papalapit sa pinto't pumapasok doon na nilalampasan lamang si Aristhon. Napapasunod na lamang ito ng tingin sa kaniyang likod. Mayroong malapad na kama ang silid na pinagdalhan sa kaniya nito na abuhin ang mga unan at bedsheets. Sa kanang tabi ng kama ay ang mesang kinapapatungan ng pailaw na mayroong anim na bombilyang nakakabit sa nakatayong bakal. Sa kabilang banda naman ng kamay ay ang mesa ulit na mayroong de kutsong upuan. Naiilawan naman iyon ng pailaw na mahaba ang tali, nakakabit ang tali niyon sa kisame. Kasunod ng mesang nagsisilbing basahan ay ang dinding na salamin na natatabingan ng puting kurtina.
Hindi siya kaagad lumapit sa kama. Dumiretso siya sa banyo na nahihiwalay ng malapad na blinds. Sa likuran ng blinds na ring iyon nakalagay ang closet na lagayan ng damit. Binuksan niya lang naman ang banyo sabay silip doon.
Unang tumama ang mga mata niya sa biluhabang bathtub kalapit ng kulay itm na dingding. Ang dingding lang na iyon ang itim, ang kalahatan na ay purong puti na. Maging ang dalawang sink ay biluhaba rin ang hugis. Nasiyahan na rin naman siya sa nakita niya kaya isinara niya ang pinto ng banyo.
"Nagugustuhan mo ba ang kuwarto mo?" ang naitanong nito nang ibalik niya ang atensiyon dito.
Nakasandig lamang ito sa dingding habang pinagmamasdan siya nang tuwid.
"Medyo," pagsisinungaling niya. "Puwede na."
Gumuhit na lamang ang isang manipis na ngisi sa labi nito sa hindi niya pag-amin nang tunay na nararamdaman nang sandaling iyon.
"Hindi ko akalain na titira talaga rito kahit na pinakagawa ko ang bahay na ito na iniisip ka," ang nasabi nito bigla na kaniya namang pinagtataka.
Makikita na rin sa kaniyang mukha ang kaguluhan ng isipan. "Ano ang pinagsasabi mo?" ang nalilito niyang tanong dito.
Inilihis niya ang tingin mula rito ibinaling na lamang iyon sa closet nang maisipan niyang lumapit doon. Binuksan niya ang isang sara niyon para lang matigalgalan. Naroon nga ang kaniyang mga damit na nakalagay doon nang maayos.
Hindi naman nito sinagot ang kaniyang naging tanong. "Magpahinga ka na lang," pag-iiba nito ng usapan. "Damit mo lang ang mga iniwan ko. Iyong iba mong mga gamit, itinapon ko na dahil hindi mo na kakailanganin iyon sa pagtira rito."
"Iyong mga papeles ko," aniya nang ibalik niya ang atensiyon.
"Nariyan sa ibaba."
Sa narinig binuksan niya nga ang debuhista sa ibaba ng closet. Nakita niya nga roon ang mga papeles niya na maayos na nakalagay sa itim na folder. "Tiningnan mo ba ang mga ito? Alam na ang lahat sa akin kung ginawa mo nga," ang nasabi niya nang ibalik niya iyon sa loob ng debuhista.
"Hindi ko kailangang tingnan iyan para malaman ang lahat ng tungkol sa iyo," ang nasabi pa nito sa kaniya.
Tumayo siya nang tuwid sa narinig. Nahihiwagaan na naman siyang tumingin dito. Muli na naman siyang nagtanong kung paanong nagkakilala sila nito noon pa gaya nang sabi nito nang nasa piitan pa lamang silang dalawa.
"Magkapatid ba tayo kaya kinuha mo ako? Kaya ginagawa mo ang mga pagtulong sa akin? Anak ka ba ng ama ko bago pa niya nakilala ang ina ko?" aniya nang maghubad siya ng sapatos na itinabi niya sa lagayan katabi ng lang blinds. Isinunod niya na rin ang kaniyang suot na pantalon.
Natigil siya nang ibaba niya na ang pantalon dahil sa pagngisi ni Aristhon.
"Mayroon bang magkakapatid na nagtitikiman?" ang nasabi nito.
Pinaliit niya ang kaniyang paningin dito dahil tama nga rin naman ito. "Sino ka nga kung hindi tayo magkapatid?" Tuluyan na niyang hinubad ang kaniyang pantalon. Inilagay niya iyon sa hanger sabay ipinasok sa loob.
"Gusto mo bang ipaalala ko na sa iyo ngayon?" sabi nito sa paghakbang nito papalapit sa kaniyang kinatatayuan.
Nang hubarin niya ang pang-itaas na t-shirt nakadikit na ito sa kaniya. Nang lingunin niya ito gahibla na lamang ang layo nito sa kaniya. Isinukbit nito ang kamay sa kaniyang beywang sabay hila sa kaniya na siyang naging dahilan ng pagdikit ng kanilang mga katawan.
Inakala niya kung ano ang gagawin nito sa kaniya. Niyakap lamang siya nito habang ipinapatong ang baba sa kaniyang balikat.
"Hindi mo ako kailangang yakapin," sabi niya rito. Naipit nito ang kaniyang mga kamay sa pagitan ng kanilang mga katawan.
"Gustong-gusto mong niyayakap kita kasi sabi mo kapag ganoon ligtas ka sa mga kamay ko," paalala nito ngunit hindi naman niya mahanap sa kaniyang isipan ang tagpong sinasabi nito. "Naalala mo na ba?"
"Hindi," matigas niyang sabi. "Huwag mo na ngang ipilit na magkakilala tayo dati pa. Wala talaga akong maalala. Baka nagkakamali ka lang. Ibang tao ang hinahanap mo. Hindi ako iyon."
Sa mga nasabi niyang iyon kumalas ito sa pagkayakap sa kaniya.
"Marahil nga hindi ikaw iyon," sabi na lamang nito sabay tinalikuran na siya nito. "Hindi kita pipiliting umalis. Puwede kang tumira rito hanggang kailan mo gusto," dugtong pa nito na hindi na nakatingin sa kaniya.
Wala na siyang nagsabi rito sa paglayo nito sa kaniya. Nakaramdam na lamang siya ng kung anong kirot sa kaniyang dibdib kaya nasapo niya iyon. Nakatayo pa rin siya closet kahit nang makalabas ng magiging kuwarto niya si Aristhon.
Hindi mapakali ang isipan niya sa sinabi nito sa kaniya. Kung kaya nga matapos makapagbihis ng simipleng t-shirt na puti at itim na salwal lumabas na siya ng silid na iyon matapos maisara ang closet. Marahan niyang isinara ang pinto kahit nakatalikod dito't lumakad sa pasilyo. Nagtungo siya sa kanluran ng pasilyo't binuksan ang unang pintong nalapitan niya mula sa kaniyang kuwarto. Silid iyon na hindi gaanong maliwanag, ang tanging ilaw na nagbibigay ng liwanag sa loob ay nagmumula sa lampshade sa tabi ng malapad na kama. Sa uluhan ng kama ay ang dalawang painting ng mga puno. Sa gawing kanan ng kamay naroon ang estante ng libro samantalang sa kaliwa naman ay naroon ang walk in closet na salamin ang dingding. Hindi siya sana papasok doon ngunit nang makarinig ng lagaslas ng tubig mula sa banyo tumuloy na lamang siya na isinasara ang pinto sa kaniyang likuran.
Balak niya sanang lumapit sa banyo para kausapin si Aristhon ngunit nahagip ng kaniyang mga mata ang isang litartong nakalagay sa gitna ng estante katabi ng ibang mga obra. Nag-iisa lamang ang litrato kaya kapansin-pansi iyon. Ngunit hindi dahil doon kaya siya napatig kundi dahil sa naroon siya sa litrato na iyon kasama ang batang ilang taon ang agwat sa kaniyang edad.
Napahakbang na lamang siya sa estante't kinuha nga ang litrato. Natatandaan niya ang araw nang kuhanin ang litrato na iyon nang limang taong gulang pa lamang siya. Ang ina niya mismo ang kumuha. Wala siyang kaibigan kaya pinadala ng kaniyang ama ang batang lalaki para makipaglaro sa kaniya. Hindi niya nga lang alam kung ano ang pangalan nito dahil hindi ito pinahintulutan na sabihin iyon. Kumunot ang kaniyang noo nang magbalik sa kaniyang isipan ang mga naging salita sa kaniya ni Aristhom nang nasa silid pa lang niya silang dalawa.
Hindi na niya naibalik pa ang litrato nang lumabas na nga si Aristhon na nagpupunas ng kaniyang buhok. Nakatapos na rin ito ng tuwalya kaya hindi nalantad ang masilang bahagi ng katawan nito.
Napatitig na lamang ito sa kaniyang hawak nang lingunin niya ito.
"Bakit mayroon ka nito?" pag-usisa niya rito nang itaas niya ang hawak na litrato.
"Ano sa tingin mo?" balik nitong tanong.
Lumakad ito patungo sa closet. Tinulak nito patungo sa tabi ang salamin nang makapasok ito roon. Napasunod na lamang siya rito dahil hindi naman nasagot nito ang kaniyang naging tanong.
"Hindi mabibigyan ng linaw ang pagkalito ng isip sa sinabi mo." Tumigil lamang siya sa pintuan ng closet sa paggalaw ni Aristhon sa loob niyon.
"Hawak mo na ang bagay na magpapaalala ng lahat kaya hindi mo na kailangan pang magtanong sa akin."
Inalis nito ang nakatapis na tuwalya't sinukbit sa bakal na sampayang naroon kasama ang ginamit nitong pangpunas. Nalantad na nga sa kaniya mga mata mata ang kahubdan nito. Matipuno nga ang pangangatawan nito na kaiinggitan ng sino mang makakita. Naglabas lamang itong ng boxer short na itim na siyang sinuot nito't wala nang iba pang inilabas pa.
Napatabi na lamang siya nang lumabas na ito ng closet.
"Hindi puwedeng maging ikaw ito," ang naisatinig niya. "Ang layo niyong itsura niyong dalawa."
Napalingon na lamang sa kaniya si Aristhon dahil sa lumabas sa kaniyang bibig.
"Paanong hindi ako iyan?" Hinawakan siya nito sa kaniyang balikat. "Pagmasdan mo ako nang maigi. Alam kong nakikita mo rin. Hindi mo lang talagan gustong aminin sa sarili mo."
Inalis niya ang mga kamay nito sa kaniyang balikat.
"Sige. Ikaw na ito kung ikaw nga. Pero hindi mo na dapat ako tinutulungan," pagbibigay niya ng diin dito. "Kinalimutan mo na lang sana ang mga sinabi ko nang bata pa ako. Kung nangako ka man ibinaon mo na lang sana sa limot."
"Hindi ko lang basta kalimutan ang lahat," sabi naman nito sa kaniya.
"Hindi ko kailangan ng prinsipyo mo kung ganito lang namang ginugulo mo ako. Akala mo ba ay kapag tinupad mo ang pangako mo sa akin magiging masaya na ako? Nagkakamali ka roon. Kailanman ay hindi na akong magiging masaya. Patay na ang kalooban ko," ang matigas niyang sabi rito. "Kaya walang halaga ang alaala na ito."
Tinapon niya sa sahig sa litrato na ikinabasag ng salamin niyon. Napatitig na lamang dito si Aristhon.
"Bakit mo binasag?" Hinawakan siya nito sa kaniyang braso nang mahigpit. "Hindi iyan sa iyo."
"May karapatan din ako sa litrato dahil nariyan ako." Inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.
Iniwana na lamang niya ito. Hindi niya alintana ang mga bubog na kaniyang nadaanan kahit nasugatan na siya ng mga niyon. Hindi naman siya naniniwala sa mga pangako nito sa kaniya dahil minsan na nitong sinira iyon bago sila umalis ng kaniyang ina sa bahay ng kaniyang ama. Nangako ito sa kaniya na babalikan siya nito ngunit hindi ito bumalik pa kahit kailan na sumira sa kaniyang tiwala rito. Mula nang araw na iyon sa murang edad natutunan niyang huwag umasa sa ibang tao.
Hindi naiiba roon si Aristhon kaya hindi niya talaga nagugustuhan ang pananatili sa bahay na iyon. Pagkalabas niya ng silid nito doon niya pa lamang tiningnan ang kaniyang paang nagkasugat-sugat. Nag-iwan ang kaniyang mga paa ng mantsa ng dugo sa sahig. Napapabuntonghininga na lamang siya nang malalim nang ipagpatuloy niya ang paglalakad pabalik sa kaniyang sariling kuwarto. Pagkapasok nga roo dumiretso siya sa banyo't naupo sa inidora nang maalis ang mga bubog na bumaon sa kaniyang mga paa. Sa bawat bubog na kaniyang naalis inihuhulog niya iyon sa trash bin na naroon. Hindi pa man siya natatapos sa pag-alis ng mga bubog, pumasok ng banyo si Aristhon na dala ang medical kit. Sinamaan niya ito ng tingin nang lumapit ito sa kaniya. Binalewala lang din naman nito ang tingin niya sa pag-upo nito sa lapag. Kinuha nito ang isa niya paa niya't pinatong nito sa tuhod. Inilabas nito kapagkuwan mula sa medical kit ang bulak at ang panglinis sa sugat.