INABALA ni Aristhon ang sarili nito sa paglilinis ng sugat. Inaalis nito ang mga bubog sa mga sugat kapagkuwan ay dadampian ng bulak na binasa ng panglinis. Napatitig na lamang siya rito habang ginagawa nito ang bagay niyon. Pinapaalala ng paglilinis nito kung paano siya nito alagaan nang limang taong gulang pa lamang siya. Madalas nitong nilinis ang sugat niya sa tuhod kapag nadadapa siya dulot ng kaniyang pagkalampa. Ito ang gumagawa niyon dahil ang kaniyang ina ay abala sa ibang bagay. Dinala nga rin naman ito sa kanilang lumang bahay para maging kasakasama niya roon habang wala ang kaniyang mga magulang. Marahan pa nitong idinadampi ang bulak kahit na hindi naman siya nasasaktan.
Sa pagtitig niya rito hindi niya naiwasang salubungin ang tingin nito nang pagmasdan siya nito.
"Wala ka bang sasabihin diyan?" ang naitanong nito sa kaniya.
Binitiwan nito ang bulak na nabahiran ng dugot't inilabas ang bendahe mula sa medical kit.
"Ano ang guston mong sabihin ko?" patanong niyang tugon dito.
Sinimulan nitong balutin ng bendahe ang kaniyang kanang paang nalinisan na nito. Maingat nitong iniikot iyon mula sa kaniyang mga daliri sa paa.
"Hindi mo ba gustong marinig kung bakit hindi kita nabalikan?" pag-usisa naman nito sa kaniya.
"Isarili mo na lang. Wala akong balak na pakinggan kung anong paliwanag mo."
Tunay nga namang walang halaga sa kaniya kung anong nangyari rito dahil mula nang araw na hindi na niya ito nakita pa kinalimutan niya na ito. Muli nga lang nagbalik ang lahat sa kaniyang isipan sa paglitaw nito sa kaniyang harapan.
"Sasabihin ko pa ri naman kahit hindi mo ako pakikinggan at papaniwalaan," sabi nio nang ipaikot na nito ang bendahe sa bukong-bukong paitaas.
Napabuntonghininga siya nang malalim. "Bahala ka. Nagtanong ka pa kung gagawin mo pa rin naman."
Gumuhit ang ngisi sa labi nito nang tuluyan na nitong naitale ang bendahe. Pinutol nito iyon gamit ang lubid nang maisunod niya ang kaliwang paa.
Siya na lamang ang kusang nag-alis sa paa niyang mayroong bendahe sa tuhod nito't ipinagpalit ang kaliwa. Pabagsak niyang pinatong iyon kaya napaangat ito nang tingin patungo sa kaniya.
Hindi ito nag-aksaya ng mga sandali nang simulan nitong tanggalin ang mga bubong sa kaliwa niyang paa. Kaunti lamang ang bubog sa papa niyang iyon malayo sa kanan na napuruhan.
"Ang rason kaya hindi ako nakabalik ay natagpuan ako ng aking tunay na mga magulang." Bumagal pa ito lalo sa pagtatanggal ng bubong sa liit ng mga niyon sa kaliwa niyang paa. "Sinabi ko rin naman sa iyo noon na ulila nga ako. Lumaki ako sa bahay hampunan. Pagkatapos ay tumakas nang magsawa roon. Nagkamali ako na wala na akong magulang. Akala ko ay namatay na sila o hindi naman kaya ay hindi ako gustong palakihin. Nnag mahanap ako ng mga magulang dinala nila ako sa ibang banaa dahil doon na sila nakatira."
Nasapo niya ang kaniyang batok dahil hindi niya na makayanan pa ang pinagsasabi nito sa kaniya nang mga sandaling iyon.
"Puwede tumigil ka na sa pagkuwento," sita niya rito.
Binalewala lang nito ang pagpigil niyang iyon dito. "Patapusin mo na lang," hirit nito nang dampian na niya ng bulak ang mga sugat sa kaniyang paa. "Ano naman ang magagawa ng batang ako nang panahon na iyon na umaasa lang sa magulang? Sana ay maintidihan mo. Hindi naman kasi ako puwedeng magbiyahe nang mag-isa sa edad ko noon. Pinilit ko rin naman ang magulang na bumalik ng Pilipinas kaya lang hindi ako nila pinapayagan. Kaya nang tumuntong ako sa highschool pinatay ko na lang ang aking magulang para magawa ko ang gusto ko.'" Hindi siya nagulat na napatay nito ang sariling magulang dahil maging siya ay gusto niya iyong gawin sa kaniyang ama. "Nakabalik naman ako ng Pilipinas para manglumo dahil sa balitang wala ka na. Nabalitaan kong nasunog ang dati niyong bahay nang araw ring umalis ako ng Pilipinas na inyong ikinamatay. Bumisita pa nga ako sa puntod mo dahil inakala ko talagang iyo ang totoo. Bakit pala nagpanggap kayo na patay na?"
"Paano kami tahimik na mamumuhay kung hindi?" patanong niyang sagot dito.
Sa puntong iyon binalot na rin nito ng bendahe ang kaliwa niyang paa.
"Naiintindihan ko," ang nakuha naman nitong sabihin nang hindi siya mainis. "Pero sa nangyari hindi ako bumalik ng ibang bansa. Nanatili na lamang ako sa Pilipinas. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko na nawala ka. Kaya labis ang tuwa ko nang makita kita sa piitan kahit hindi ako sigurado na ikaw nga talaga ang matagal ko nang gustong makita. Nakasigurado lang ako nang ikaw nga talaga matapos kong tanungin ang ama mo."
Nang matapos ito sa pagbalot ng bendahe doon na siya nagsalita. "Tapos ka na ba? Gusto ko nang magpahinga," ang wala niyang buhay na sabi rito.
Inalis niya ang kaniyang paang nakapatong sa tuhod nito. Tumayo kapagkuwan nang tuwid.
"Buhatin na kita," sabi pa nito na hindi niya binigyang pansin. Maging ito ay tumayo na rin bitbit ang sinarado nitong medical kit.
"Kaya ko ang sarili ko. Hindi na ako ang batang kakilala mo dati," aniya nang humakbang na siya patungo sa pinto.
Naiwan nga ito sa banyo na pinuounasan ang mga dugo niyang kumapit sa sahig. Nakuha niya pa itong silipin. Inalis niya rin ang atensiyon dito nang aakma itong lilingon sa pinto.
Tumuloy na lamang siya patungo sa kama sa silid na iyon. Pagakaraa'y humiga nang padapa roon. Ipinikit niya ang kaniyang mata ngunit hindi naman siya makatulog. Nanatili siya sa ganoong posisyon sa paglipas ng mga sandali. Bumabalik sa isipan niya ang mga nakaraan nang bata pa siya na nais niyang kalimutan..
Nakuha niya lamang tumihaya nang marinig niya ang paglapi ni Aristhon dala ang isang boteng alak at dalawang kopita. Pinatong nito ang mga iyon sa mesang mayroong upuan bago ito naupo sa gilid ng kama.
Pinagmasdan siya nito nang tuwid at nagtanong, "Nang masunog ang bahay niyo, nakaalis ba kayo sa poder ng ama mo?"
Sinulyapan niya rin naman ito.
"Siyempre hindi. Ano naman ang magagawa ko para sa amin ng ina ko? Gayong masyadong makapangyarihan ang ama ko. Nakaalis lang kami nang tumungtong ako sa hayskul matapos ko siyang hamunin sa isang duwelo."
"Kaya naman nagkakaganiyan ka," ang komento nito sa kaniya.
"Kung makapagsalita ka para namang maganda ang paglaki mo. Masahol ka pa sa akin. Masasamang gawain lang ang alam mo."
Sumilay ang manipis na ngiti sa labi nito na hindi niya nagustuhan.
"Ano bang ginawa sa iyo ng ama mo't nawalan ka ng sensasyon sa katawan?" ang sumunod nitong sabi.
"Huwag mo na ngang itanong," pagbibigay niya ng diin dito. Hindi niya gustong sabihin dito kung anong klase ng hirap ang dinanas niya sa sarili niyang ama.
"Ikaw ang nagsunog sa bahay niyo, hindi ba?"
Nagsalubong ang dalawa niyang kilay na ikinakunot ng kaniyang noo. "Paano mo naman nalaman samantalang pati ang ama ko ay hindi alam iyon? Inakala niyang mayroon talagang pumuntang kaaway niya para sunugin kami ng bunay."
"Alam ko lang na ikaw. Magagawa mo ang ganoon na walang pagdadalawang-isip."
Sinamaan niya ito nang tingin dahil doon.
"Bumalikka na roon sa kuwarto mo," pagtataboy niya rito. "Matutulog na ako."
"Mamaya na. Uminim muna tayo ng alak kahit isang baso lang para ipagdiwang ang muli nating pagsasamang dalawa." Inabot nito ang alak kasama na ang dalawanv kopita.
"Para ano? Para mayroon ka namang magawa sa akin?" aniya nang alisin na nito ang takip ng alak na gumawa pa ng tunog.
Ibinalik nito ang tingin sa kaniya na mayroong kasamang matalim na ngisi. "Kung gusto mo, bakit hindi?" hirit nito sa pagbuhos nito ng alak sa isang kopita kahit hawak pa ang isa.
"Umalis ka na nga," pagbibigay niya ng diin. "Sinabi ko ngang hindi ko gustong uminom."
Binalewala nito ang mga nasabi niya nang ilapit nito sa kaniya ang kopitang mayroon ng laman na alak. Hindi niya naman kinuha iyon sa pananatili niyang nakahiga. Dahil dito lalo pa nitong inilapit iyon sa kaniyang mukha. Sa inis niya rito bumangon na lamang siya sabay kuha sa kopitang mayroong lamang alak. Ininom niya iyon sa isang lagukan lang, tumaas baba ang kaniyang lalagukan sa bilis ng kaniyang pag-inom. Hindi naman siya nasamid kaya naibalik niya rito ang wala nang lamang kopita. Hindi niya na hinintay na bigyan pa siya nito nang pangalawa sa muli niyang paghiga nang nakatalikod dito.
Napabuntonghininga na lamang nang malalim si Aristhon nang ipatong na lamang niya ang isang kopita sa mesa katabi ng alak.
"Alam ko namang galit ka sa akin. Pero walang mangyayari kung hindi mo ako kakausapin," ang nasabi nito nang maupo ito nakasandig sa headboard ng kama.
Pinaiikot nito ang hawak na kopita nang mahalo ang laman niyong alak na pulang-pula ang kulay.
"Hindi natin kailangang mag-usap dahil wala akong balak makipagkasundo sa iyo," ang matigas niyang sabi rito.
Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya nito sa hindi nito pagsabi na ito ang naging kaibigan niya nang bata pa siya. Matapos ang maraming taong pinaglaruan pa siya nito sa mga kamay nito. Inakala niyang nagamit siya nito pero sa nalaman niya nang gabing iyon siya na ang naloko nito. Pinalabas nitong walang kung anong koneksiyon sa kanilag dalawa bago pa siya mapunta ng piitan. Kung bakit kasi hindi niya rin ito kaagad nakilala. Hindi nga niya talaga malalaman dahil malaki talaga ang pinagbago nito mula sa pagiging bata nito.
Muli na namang nagpakawala si Aristhon nang malalim na hininga.
"Humarap ka kaya rito habang kinakausap ako," ang nasabi nito sa kaniya kapagkuwan ay sumimsim ito ng alak. Nakuha pa siya nitong tabigin sa kaniyang balikat kaya inilayo niya na lamang niya ang sarili rito. "Hindi ka ba masaya na magkasama tayo sa iisang bahay? Ito ang gusto mo noon. Sabi mo magiging maayos ka kapag magkasama tayo."
"Noon iyon nang wala pa akong kaalam-alam sa mga bagay-bagay."
Hinawakan siya nito sa balikat para iharap dito. Siya naman ang napapahugot nang malalim na hininga sa ginagawa nito. Naupo na lang siya nang matigil na ito sa ginagawa.
"Hindi ba masaya?" pag-usis nito at muling uminim ng alak.
Sinalubong niya ang mga mata nitong nagtatanong. "Paano naman ako magiging masaya? Hindi ko na gustong makasama ka sa iisang bubong."
"Kung hindi mo gusto, bakit narito ka pa?" paalala nito sa kaniya habang hinahalo na naman ang alak.
"Magpapalipas lang ako ng gabi rito dahil wala na akong ibang mapuntahan. Nang makabawi na rin ako sa panggagamit mo sa akin," ang naiinis niyang sabi rito. Binigyan siya nito nang manipis na ngiti. "Ano ang nginingiti mo riyan?" ang matigas niyang dugtong.
"Sabi mo nagbago ka na. Pero hindi pa rin pala. Ganiyan na ganiyan ka kapag naiinis," pagsisimula nito sa mahabahaba nitong sasabihin. "Iba ang sinasabi ng bibig sa isinisigaw ng kalooban mo. Sa loob-loob mo ay gusto mo rin naman talaga akong makasama. Natatandaan ko nga para kang sawa kung kumapit sa akin noon. Hindi mo gustong nawawala ako sa paningin mo. Hinahanap mo ako kaagad kahit nasa kabilang kuwarto lang ako."
"Tumigil ka na. Walang mangyayari sa ating dalawa. Hindi ako tatagal sa bahay na ito. Bukas na bukas din ay aalis na ako pagsikat ng araw," mariin niyang sabi.
"Paano kung hindi kita hahayaan?" paghahamon naman nito sa kaniya. Inubos na nitong nang inom ang alak na nasa kopita. Itinabi na rin nito kapagkuwan sa mesa.
"Hindi mo ako mapipigilan," banat niya naman dito.
Hinawakan siya nito sa kaniyang kamay sabay inihiga siya nito. Umunan ang kaniyang ulo sa hita nito.
"Tingnan natin bukas kung ano ang mangyayari," ganti naman nito.
Binalak niyang bumangong nang upo ngunit muli nitong tinulak paibaba ang kaniyang ulo't napahiga pa rin siya. Sa inis niya'y inumpog niya nang makailang ulit ang ulo niya sa hita nito. Pinitik naman siya nito sa kaniyang noo nang matigil siya. Hindi pa rin naman siya huminto, pinagpatuloy niya pa rin ang ginagawa.
Hinalikan na lamang siya nito na kaniya namang ikinatagalgal. Tinulak niya ito sa balikat nang tapusin na nito ang pagdampi ng labi nito sa kaniyang mga labi.
Alam niya namang ginagawa lang nitong tulungan siya nito dahil sa naging pangako nito.
"Sigurado ka ba talaga sa gusto mong mangyari?" aniya rito nang umayos na rin naman ito nang upo. "Magsisi ka lang sa pagtulong sa akin. Kung iniisip mo ang naging pangako mo, kalimutan mo na. Hindi kita sisingilin para tuparin mo."
"Hindi naman dahil sa pangako sa iyo kaya pinagawa ko ang bahay na ito para sa ating dalawa." Pinatong nito ang kamay sa kaniyang noo't hinaplos ang kaniyang buhok. "Huwag mong isipin na dahil naawa ako sa iyo. Pangarap ko na noon pa man na makasama sa iisang bubong. Nagkataon lang na iyon din ang nasabi mo sa akin nang bata ka pa."
"Huwag ka nang magsinungaling sa sarili mo. Mahihirapan ka lang sa huli." Sinubukan niyang umalis sa pagkahiga na nagawa niya rin naman dahil hindi na siya pinigilan ni Aristhon.
Naupo na lamang siya sa gilid ng kama malayo rito.
"Nag-aalala ka ba sa akin? O hindi mo lang gusto na umasa sa akin katulad ng dati? Natatakot ka bang mawala na naman ako bigla? Ano bang mali na umasa sa akin? Sabihin mo sa akin. Kapag nasagot mo hahayaan na kitang umalis."
Hindi niya naman magawa itong sagutin dahil tama rin naman ito sa mga sinabi.
"Basta aalis ako rito. Hindi mo ako mapipigilan," pag-ulit niua na lamang sa balak niyang gawin kinabukasan.
Saglit na natigil ang kanilang usapan dahil sa isang katok mula sa pinto nang makailang ulit. Wala namang sumagot sa kanila nang bumakas na iyon. Pumasok doon ang drayber ni Aristhon dala ang nakasupot na pagkaing binili nito sa isang food chain. Sa isang kamay naman nito ay ang maliit na paper. Nagtuloy-tuloy lang ito ng lakad na walang sinasabi patungo sa kamang kinalalagyan nila ni Aristhon.
Inabot nito ang dala kay Aristhon kapagkuwan ay tumayo ito sa gilid na nakatingin sa kaniya.
"Puwede ka nang umalis. Tatawagan na lang kita kung mayroon pa siyang kailangan," pagtataboy ni Aristhon sa drayber.
"Masusunod," tugon ng drayber kay Aristhon. Kapagkuwan ay niyuko nito ang ulo sa kaniya.
Sinamaan niya ito ng tingin na ginantihan naman nito ng isang ngiti kaya hindi niya mapigilang isipin na maluwag ang turnilyo nito sa ulo. Pagkaraa'y lumakad na ito paalis. Nailing na lamang niya ang kaniyang ulo para sa drayber, kung gaano nga rin naman kasira ang ulo ng lider nito namana nito. Patalikod itong lumabas ng pinto habang sinasara iyon.
Naibaling niya lang ang atensiyon kay Aristhon nang inilapag nito sa tabi niya ang supot kasama na ang paper bag.
"Binilhan na kita ng cellphone para mayroon kang magamit. Kumain ka na rin baka gutom lang iyan. Hindi ka nakakapag-isip nang maayos." Inabot nito ang kaniyang buhok sabay gulo roon. "Mag-usap na lang tayo uli bukas nang makapagdesisyun ka nang maayos. Hindi matatanggap ang mga sinabi mo ngayon. Kumain ka muna bago matulog."
Inalis niya ang kamay nito sa kaniyang ulo. Imbis na tigilan siya nito kinurot pa nito ang kaniyang pisngi na lalong ikinasama ng kaniyang mukha. Lalo lamang siyang nabwisit dahil kung tingnan na naman siya nito ay isang bata na walang kamuwang-muwang. Matatalim ang naging tingin niya rito sa pag-alis nito ng kama. Hindi niya inalis ang tingin sa likod hanggang sa makarating ito sa pinto.