NANG araw na iyon naging mahaba ang kaniyang tulog dahil na rin sa katabi niya si Aristhon. Katulad nga ng dati nang siya ay bata pa ligtas ang kaniyang pakiramdam habang yakap siya nito. Nagising na lamang siya na nayakap na rin ang kaniyang mga kamay sa tiyan nito. Papalubog na ang araw sa labas kaya nagtapon iyon ng manilaw-nila at mapula-pulang liwanag sa paligid. Gahibla na lamang ang layo ng kaniyang kanilang mga mukha sa isa't isa. Naghalo ang kanilang inilalabas na hininga. Walang lulusotan ang hangin sa pagitan nila sa pagkadikit ng kanilang mga katawan. Nang mapagtanto niya kung saan nakalagay ang kaniyang mga kamay inalis niya kaagad iyon nang hindi niya masagi ang bagong opera nitong tadyang. Siya lamang ang nagising nang sandaling iyon. Mahimbing pa rin ang tulog ni Arishton

