PINAKATITIGAN niya ito dahil napapagod na siya sa pakikipag-usap dito. "Walang halaga kung hindi ka susunod sa akin. Ang kailangang mong gawin ay ang paniwalain si Cheif. Kung hindi mo gagawin babalikan kita. Tandaan mo iyan." Tinapik niya ito sa pisngi para matandaan nito nang ang binitiwan niyang mga salita. "Sa oras na hindi ka sumunod sa akin hahanpin kita kahit saan ka pa sumuksok. Malinaw ba?" Muli niya itong tinapik sa pisngi sa pananahimik nito. "Oo. Gagawin ko," ang nag-aalangan nitong sabi sa kaniya. Tumayo na siyang tuwid na hindi inaalis ang tingin dito. "Mabuti nang nagkakaintindihan tayong dalawa. Saka tumigil ka na rin sa kakaino. Pinapahirapan mo ang sarili mo. Kung gusto mong mamatay sabihan ako. Gagawin ko para sa iyo nang walang pag-dadalawang isip," ang huli niyang

