ISANG malaking kasinungalingan na naman ang kaniyang nasabi sa kasamahan niyang si Amanda. Ang totoo niyan hindi niya na alam kung bakit pa ba siya naroon sa ospital na iyon kung saan din si Aristhon. Maaari rin naman siya talagang umalis kung kailan niya gusto na hindi nga niya ginagawa. Nang mga sandaling iyon na nakausap niya ang babae, hindi niya alam kung dahil ba sa trabaho niya o dahil sa gusto niya lang ibalik ang naitulong sa kaniya ni Aristhon. Hindi na naalis ng babae ang tingin sa kaniya sa paghihintay nito ng iba pang mga sasabihin niya. Ngunit wala na talaga siyang masasabi rito kaya nga itinikom niya na lang din ang kaniyang bibig. Ibinaling niya na lamang ang tingin sa nagbabagong digital na numero sa itaas ng pinto sa kulay na pula. Mapapansin ang pagbuntonghininga ng

