MATAGAL silang nakaupo na walang sinasabi sa isa't isa. Hindi nila kailangang magsalita para lamang magkaintindihan. Sa papamagitan lang nang tingin alam na nila pareho ang laman ng kanilang mga isipan. Naroon pa rin sa labi ni Aristhon ang manipis na ngiti samantalang siya naman ay hindi niya magawa. Blangko lamang ang kaniyang mukha, hindi kakikitaan ng ano pa mang emosyon.
Nabulabog lang ang kanilang pananahimik nang pumasok sa silid si Mikal. Tinulak nito ang pinto patungo sa kaliwan nang mabuksan nito iyon. Napako kaagad ang mata nito kay Aristhon sa paghakbang nito. Hindi ito kaagad lumapit sa kanila. Isinara muna nito ang pinto kahit nakatalikod dito. Umirit ang pinto sa pagkiskis niyon sa kinakabitan nito.
"Boss, papunta na rito ang doktor," pagbibigay alam nito kay Aristhon nang bumitiw na ito sa doorknob.
Sinamaan niya ito nang tingin sa paglapit na nga nito sa kanila ni Aristhon.
"Sa susunod na magsinungaling ka, makakatikim ka sa akin," pagbabanta niya rito.
Natigalgalan si Mikal sa sinabi niyang iyon. Ikinapit na lamang nito ang kamay sa batok sa nararamdaman nitong kaba.
"Huwag mo siyang takutin. Inutos ko iyon sa kaniya," ang nasabi ni Aristhon para sa drayber nito.
Ibinaling niya ang tingin kay Aristhon. "Alam ko. Pero hindi pa rin siya dapat nagsinungaling," ang walang kabuhay-buhay niyang sabi.
"Nagsisinungaling ka rin naman," sambit ni Aristhon na may kasamang pagngiti.
Sinagot niya na lamang ito sa pagtaas niya ng kaniyang dalawang balikat. Hindi na nasunda ang pag-uusap nilang iyon sa pagpasok ng doktor sa silid na iyon. Binuksan ng kasama nitong nurse ang pinto na siya rin nitong paghakbang nito. Puting-puting ang roba nitong ipinatong sa suot nitong bughaw na uniporme. Hindi na pinagkaabalahang isara ng nurse ang pinto sa paglalakad ng mga ito patungo sa kamang kinalalgyan ni Aristhon. Pinukolan siya ng tingin ng doktor bago nito binaling ang atensiyon sa pasyente.
Lumipat ng puwesto si Mikal nang makatayo ang bagong dating sa gilid ng kama, tumayo na lamang ito sa paanan.
Sa pagtayo nga ng doktor sa tabi ng kama kinuha nito ang inabot na clipboard ng nurse. Kapagkuwan ay binasan ang nakasulat doon. Mabilis na dumaan ang mga mata nito sa nakasulat. Ibinalik din naman nito kaagad ang clipboard sa nurse na tiningnan ang patak ng dextrose.
Tinutok ng doktor ang mga mata nito kay Aristhon sa pagsisimula nito. "Kumusta ang pakiramdam mo?" ang tanong ng doktor sa pagsuksok nito ng dalawang kamay sa harapang bulsa ng suot nitong roba.
"Maayos naman," tipid namang sabi ni Aristhon.
"Mabuti," pagpapatuloy ng doktor. "Sasabihin ko na sa iyo na dalawang buto sa tadyang mo ang nabali. Pero huwang kang mag-aalala maayos natin iyan. Wala kang magiging problema matapos ang operasyon. Mula ngayon hindi ka puwedeng kumain nang hindi maantala ang operasyon mamayang tanghali. "
"Tatandaan ko," ang tugon naman ni Aristhon.
Naibaling ng doktor ang tingin sa kaniya. "Sino naman itong isa mong kasama? Kapatid?"
Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng doktor kaya hindi niya napigilang magsalita.
"Mukha ba kaming magkapatid?" tanong niya rito na mababanaagan ng pagkadismaya.
"Hindi ba? Kung hindi, huwag mong sabihing mayroon kayong relasyon na dalawa."
"Mas lalong hindi," pagtama niya rito na mayroong diin ang mga salita. "Dati ba kayong reporter? Pati pribadong buhay na pasyente inaalama mo?"
Naalis ng doktor ang mga kamay sa bulsa ng roba dulot ng pagkabigla sa kung paano niya ito kausapin. Sa palagay niya ay magkakilala talaga ito at si Aristhon kaya ganoon na lamang ito kung magtanong. Hindi malayong alam nitong ang tungkol sa kanila kaya sinisigurado lang nito.
Natawa na lamang nang mahina si Aristhon kaya nabaling ang tingin ng lahat dito.
"Pagpasensiyahan mo na siya," ang nasabi na lamang ni Aristhon sa pagtigil nito sa pagtawa. "Hindi ko kasi napagbigyan."
Sumama ang mukha niya sa nasabi ni Aristhon. "Napagbigyan?!" ang malakas niyang sabi rito. "Ikaw iyon, hindi ako. Sino ba sa ating dalawa ang gustong-gusto na maglaro ng apoy? Ikaw, hindi ba?"
Namula na lamang ang mukha ng nurse na katabi sa narinig nito mula sa kaniyang bibig. Hindi naman nagsalita si Aristhon patungkol sa bagay na iyon dahil iyon nga rin naman ang totoo.
Ang doktor na lamang ang nagsalita. "Maiwan ko muna kayo nang makapag-usap pa kayo." Inilagay nito ang ballpen sa bulsa sa dibdib mula sa harapang bulsa ng puting roba nito. "Bago ako umalis ipaalala ko lang sa inyong dalawa na hindi kayo puwedeng magtalik dito sa ospital."
Sa kaniya pa nakatingin ang doktor kaya nag-init lang ulo niya para rito.
"Sabihin mo iyan sa kaniya." Tinuro niya pa si Aristhon. "Huwag sa akin."
Matapos ng sinabi niya ibinaling na lamang ng doktor ang tingin nito kay Aristhon. "Babalikan ka na lang ng nurse sa oras ng operasyon mo," ang huling nasabi ng doktor kapagkuwan ay lumakad na ito palayo ng kama.
Lumabas na nga ang doktor ng kuwarto kasabay ang nurse. Hinatid ni Mikal nang tingin ang mga ito. Samantalang siya naman ay nasapo niya ang kaniyang tiyan sa pagkulo niyon na hindi nakatakas sa mga mata ni Aristhon. Nang ibalik niya ang tingin sa doktor sumara na ang pintong nilabasan ng mga ito.
Binaling ni Aristhon ang tingin nito sa alalay nitong si Mikal. "Bumili ka nga nang makakaing almusal," utos ni Aristhon nang alisin na niya ang kaniyang kamay sa kaniyang kumukulong tiyan.
Nanlaki naman ang mata ni Mikal sa pagtataka. Hindi ito makapaniwala sa lumabas sa bibig ni Aristhon.
"Boss, sabi ng doktor hindi ka puwedeng kumain," paalala nito sa pagkamot nito ng hintuturo sa pisngi.
"Hindi para sa akin ang almusal," pagtama ni Aristhon sa maling akala ni Mikael.
Isinandig ni Aristhon ang likod sa unan. Napakamot naman ng batok si Mikal. Hindi niya naiwasang pagmasdan ang dalawa, pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga ito.
"Kumain na rin ako," ang nahihiyang wika ni Mikal. Nakaguhit sa mga labi nito ang manipis na ngiti.
Napabuntonghininga na lamang nang malalim si Aristhon sa akala ni Mikal. "Pupunta ka ba o hindi? Para sa ibang na lang ako mag-uutos?" mariing sabi nito na ikinatahimik ng alalay. Naibaba na lamang nito ang kamay na pinangsapo nito sa batok.
"Anong almusal ang bibilhin ko?" ang naitanong nito dahil wala itong ideya kung ano ang gustong ipabili ni Aristhon.
Sa naging tanong ni Mikal, sinulypan siya ni Aristhon kaya nagkasalubong ang kanilang mga tingin.
"Ano bang gusto mong kainin?" ang nakuha nitong sambitin.
Doon niya lamang naintindihan na siya ang balak nitong bilhan ng almusal na siya ring ikinatango-tango ni Mikal matapos mapagtanto rin ang bagay na iyon.
"Sino kasing may sabi sa iyo mag-aalmusal ako?" ganti niya kay Aristhon imbis na sagutin ito ng direkta. "Hindi naman ako nagugutom," dugtong niyang kasinungalingan.
Muli siyang binigyan ni Aristhon nang manipis na ngiti dahil nalaman nitong nagsisinugaling siya nang sandaling iyon. "Sabihin mo na nang makaalis na si Mikal," pamimilit nito.
"Hindi nga ako kakain," pagbibigay niya nang diin.
Ibinalik na lamang ni Aristhon ang atensiyon kay Mikal dahil hindi naman siya nito mapilit kung ano ang gustong kainin. "Bilhan mo na lang siya ng burger at kape. Dagdagan mo na rin ng kanin. Ang ulam ay itlog baka gusto niya nang nabati na. Siguraduhin mong ihawalay mo. Huwag mong pagdidikitin kung ayaw mong bumalik sa baba para bumili."
Napalingon sa kaniya si Mikal kaya sinamaan niya ito nang tingin para sabihin dito na huwag nitong ituloy ang pagbili ng almusal.
Napapakamot na lamang ng ulo si Mikal pagbaling nito ng tingin kay Aristhon nang makaiwas sa talim ng kaniyang mga mata.
"Ano ba talaga boss? Susunod ba ako sa inyo o hindi?" ang nag-aalangang sabi ni Mikal. Ibinaba na nito ang pinangkamot na kanang kamay. "Sabi niya hindi siya kakain."
"Kakain iyan kapag narito na. Hindi na iyan makakatanggi," sabi ni Aristhon nang maniwala si Mikal na mag-aalmusal nga siya. Para na rin isipin nito na hindi masasayang ang panahon na gugulin nito sa pagtaas at baba ng ikasampung palapag kung saan naroon silang kuwarto.
"Sige, Boss. Bababa na ako," paalam na lamang ni Mikal.
Hindi na nito makuhang tumingin sa kaniya sa paglalakad nito patungo sa pinto. Lumabas ito na hindi na lumilingon sa kanila ni Aristhon.
Paglapat nga ng pinto sa hamba niyon matapos maisara ni Mikal nagbalik ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Aristhon. Wala siyang balak na magsalita kaya pinatili niyang tikom ang kaniyang mga bibig. Ngunit itong si Aristhon ay hindi nakatiis, binasag nga nito ang nabinbing katahimikan.
"Aalis ka na ba? O tatagal ka pa rito?" Nahiga itong maayos nang wala itong maramdamang pagkirot tagiliran.
Sinalubong niya ang mga mata nitong nagtatanong. "Ano bang gusto mo?" ang naisipan niya namang itanong dito.
"Dito ka lang muna hanggang sa makalabas ako ng ospital," suhestiyon nito.
Isinandig niya ang kaniyang likod sa upuan sabay itingala ang kaniyang ulo. Pinagmasdan niya ang maputing kisame na nakalaylay ang dalawang kamay.
"Hindi. Mali. Aalis ako kapag nasigurado kong naging maayos ang operasyon mo," pag-iiba niya sa nais nitong mangyari habang naroon ito sa ospital.
"Paano kung hindi't mamatay na lang ako?" ang naisatinig nito.
Hindi niya inasahan na maririnig niya iyon mula rito. Naging dahilan iyon para umayos siya ng upo't pagmasdan ito. Nakatingin na rin ang mga mata nito sa kisame na para bang mahahanap nito ang lahat ng kasagutan sa mga tanong nitong naipon sa isipan.
"Wala na akong iisipin pa kung ganoon nga ang mangyari sa iyo. Magiging malaya na ako. Mababawasan na ang masamang tao rito sa balat ng lupa."
Natawa na lang ito bigla nang mahina kahit wala naman talagang nakakatawa sa sinabi niya. Seryoso siya sa sinabi niyang ngunit iba nga ang naging dating dito.
"Mapupunta sa iyo ang lahat ng kayamanan ko kapag namatay ako," pagbibigay alam nito sa kaniya.
Kumunot ang kaniyang noo indikasyon ng kaniyang pagkalito sa nasabi nito. Hindi niya kaagad naintindihan kung bakit nito nasabi ang bagay na iyon gayong hindi naman sila magkadugo para maibigay sa kaniya lahat.
"Ano ang ibig mong sabihin?" ang naguguluhan niyang tanong dito.
Nakuha niya pang ilapit ang upuan sa kama nito sa pag-aakalang nagkamali lang siya nang narinig sa ilang hakbang niyang layo rito.
"Sinabi ko na nga sa iyo," pagsisimula nito nang maging malinaw sa kaniya ang naging plano nito sa buhay. "Ikaw ang magmamana ng lahat ng pera ko't iba pang kayamanan. Iyog kompanyang itanayo ko. At baka maisipan mo ring pangunahan ang mga iba ko pang pinagkakaperahan. Pati iyon ipapasa ko sa iyo."
Tumuwid siya nang upo matapos maunawaan ang mga nasabi nito. Inilagat niya ang dalawang kamay sa likuran ng kaniyang ulo. "Hindi bale na lang. Umalis nga ako sa poder ng ama ko para umiwas sa mga hindi magagandang gawain. Ibinabalik mo na naman ako. Nahihibang ka. Saka sa akin mo ibibigay lahat? Hindi naman tayo magka-anu ano. Tatanggihan ko ang lahat."
"Ikaw ang bahala sa kung ano'ng gagawin ko kung sakali ngang mamatay ako. Puwede mong ipamigay. Sinabi ko lang sa iyo nang hindi magulat kapag mayroong kumausap sa iyo na abogado ko. Wala rin naman kasi akong ibang pamilya na puwedeng pamanahan. Ikaw lang ang pamilya ko."
Pinalusot niy na lamang sa dalawang tainga ang huling mga nasabi nito. Hindi niya gusto ng kung ano mang koneksiyon dito dahil sigurado siyang kahit patay na ito magulo pa rin ang buhay niya. Baka nga lalo pang lumalala dahil marami itong maiiwan na kayamanan.
"Seryoso ka ba talaga na sa akin nakapangalan?" paniniguro niya rito nang sumagi sa isio niyang nagbibiro lamang ito.
"Oo. Interasado ka na ba?" hirit nito.
"Hindi."
"Puwede mo akong patayin ngayon kung gusto mo na talagang makuha," wika nito sa mabagal nitong pagkilos sa kinahihigaan.
Inibaba nito ang dalawang paa sa gilid ng kama habang sapo ang tagiliran. Napapasunod na lamang siya nang tingin dito.
"Makulong pa ako ulit sa sinasabi mo."
Gumuhit ang manipis na ngiti sa labi nito. Sinubukan nitong tumayo ngunit hindi nito naituloy sa pagngiwi ng mukha nito. Muli na lamang itong naupo sa gilid ng kama kasabay nang paglingon sa kaniya.
"Tulungan mo ako. Kailangan kong umihi. Hindi ako makapaglakad dahil sa napilayan kong paa. Hindi ko siya puwedeng puwersahin baka lalo lang lumala imbis na maayos na."
Sinalubong niya ang mga mata nitong lumulungkot. "Kaya mo na iyan," udyok niya naman dito.
"Hindi ko nga kaya. Nagpapatulong nga ako sa iyo."
Napabuntonghininga siya nang malalim. Marami itong naitulong sa kaniya na hindi humihingi ng ano mang kapalit. Naisip niyang tama lang na ibalik niya rito kahit sa mumunting bagay lang katulad niyon.
Hindi na nga siya tumagal pa sa kinauupuan nang tumimo sa kaniyang isipan ang mga bagay na iyon.
Umalis na siya't umikot ng kama para makalapit dito. Pagkatayo niya sa tabi nito't hinila niya ito sa kamay na siya ring ipinatong niya sa kaniyang balikat. Nakatayo rin naman ito na nakaangat ang kanang paa.
Inilalayan niya nga ito sa paghakbang habang tinutulak sa isang kamay ang bakal na kinakabitan ng dextrose. Umirit ang gulong sa kabila ng kinis ng sahig.
"Gaano ka ba kayaman?" ang naisipan niyang itanong sa kanilang marahang paglalakad.
"Depende sa kung anong gusto mo."
Sa lapit ng kanilang mga katawa sa isa't isa, hindi na nakapagtatakang pati bibig nito ay malapit sa kaniyang mukha. Malinaw man niyang narinig ang lumabas sa bibig nito, naguluhan pa rin siya.
"Ano'ng depende sa akin?" paglilinaw niya rito.
"Kaya kitang bilhin gamit ang kayamanan ko."
"Huwag ka ngang magpatawa," banat niya rito. "Hindi ako nabibili. Walang kung sinong nagmamay-ari sa akin dahil hindi naman ako isang bagay. Kahit nga ang ama ko hindi niya ako pag-aari. Ano bang akala mo sa akin isinusubasta?"
"Kun wala ngang nagmamay-ari sa iyo? Puwedeng ako na lang," hirit naman nito sa kaniya na lalong nagpakunot sa kaniyang noo.
Ilang hakbang pa ay nakarating sila sa palikuran. Panandalian niyang binitiwan ang dextrose nang mabuksan niya ang pinto. Tinulak niya iyon sa pagtuloy nila sa banyo. Ang naturang banyo sa pribadong silid na iyon ay mayroong sariling shower room maliban sa maputing inidoro't sink na mayroo salamin.
Maingat niyang inalalayan patungo sa inidoro't hinintay niya itong gumalaw. Ngunit hindi naman nito ginagawa.
"Umihi ka na," utos niya rito. "Ano bang gagawin mo? Tatayo na lang ba tayo rito?"
Inalis nga nito ang kamay na nakapatong sa kaniyang balikat nang maibaba nito ang suot na pantalon. Nang hindi ito matumba hinawakan na lamang niya ito sa tiyan nang dalawang kamay. Tumatama ang kaniyang baba sa balikat nito. Wala itong kung anong suot na salwal sa loob ng pantalon kaya lumabas kaagad ang p*********i nito. Hinawakan nito iyon at sinimulan na nga ang pag-ihi. Naipipikit na lamang nito ang mga mata. Sa hindi nito paghinto, natapos na rin naman ito kaagad. Itinaktak nito ang pgkalalaki'r itinaas ang suot na pantalon. Ito na rin ang nag-flush dahil abot din naman nito ang pihitan. Nang lumingon ito tumingin ito sa kaniyang mukha. Sa lapit ng kanilang mga mukha tumama ang labi nito sa gilid ng kaniyang mga labi. Hindi niya alam kung sinasadya nito ang bagay na iyon. Gayunman binalewala niya lamang ang nangyari. Mistulang naging hangin na lamang iyon na napadaan lamang. Nangingiti naman ito kaya pinakunotan niya na ito nang noo.