Chapter 8

1039 Words
Jassie POV Pagkatapos ng dinner, halos hindi ko siya matingnan. Kung makangiti siya kanina, parang walang nangyari. Pero ako? Hindi pa rin mapakali. Pag-akyat ko sa kuwarto, tahimik na ang buong mansyon. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at dumiretso sa aparador para kunin ang pantulog ko. Pagtingin ko sa bag ko, wala na ang mga damit ko. Sa halip, puro manipis na nighties ang laman nito. Bigla akong nangilabot. Sinipat ko ang isa—sobrang nipis, parang wala na rin akong suot. Ang mga underwear ko ay bago, maayos naman, pero bakit puro ganito? Sino ba ang nagdesisyon nito? Lumapit ako kay Keano at inihagis ang mga damit sa sofa. “Hoy, asan na yung mga damit ko?” gigil kong tanong. Talagang sinusubok ang pasensya ko ng lalaking ito. Tumingin siya sa akin na parang walang pakialam. “Tinapon ko na.” Namilog ang mga mata ko. “Ano?! Eh ano ang isusuot ko?” Tumawa siya. “Ayan, yung hinihagis mo.” “Okay ka lang? Ang nipis niyan. Kita na pati kaluluwa ko diyan!” inis kong sagot. “Ganyan talaga ang pantulog. May robe naman. Isusuot mo lang kapag may tao,” paliwanag niya na parang normal lang ang lahat. “Ganun? Kahit ako lang sa kuwarto hindi ko ‘to masusuot. Ganito ba talaga ang damit ng mga mayayaman?” sabi ko sa kanya. Napangiti siya ng pasimple. “Oo.” Parang nagsisinungaling siya. “Hindi ko ‘to masusuot. Bukod sa manipis, ang lamig pa ng kuwarto mo,” reklamo ko. “If you wear those,” sabi niya na may halong biro sa boses, “we can share a bed. Makapal ang kumot ko. Hindi ka lalamigin.” Napairap ako. “Okay ka lang? Hindi nga ako lalamigin, mamanyakin mo naman ako.” Natawa siya. “So what? Mag-asawa naman tayo.” “Aba’t umamin pa,” bulong ko sa loob. “Mag-asawa sa papel lang po, no? Wala ngang nangyari sa atin.” Ayoko na makipagtalo. Kinuha ko ang mga nighties at balak sanang lumabas para maligo sa banyo nina Solenn at makahiram ng damit. Pero hindi ko mabuksan ang pinto. “Keano! Ano ba ‘to?” Tumawa siya. “Sa banyo ko ka na mag-shower.” “Ayoko. Manghihiram ako ng damit kay Solenn. Ayoko magsuot nito,” gigil kong sagot. “Parusa mo ‘yan dahil hindi ka umuwi ng isang linggo. Pag gabi na, hindi ka na puwedeng lumabas ng kuwarto.” Nagtiim-baga ako. “Baliw ka talaga!” Tumalikod ako at naglakad papunta sa walk-in closet. Doon ako natutulog, malayo sa kanya. Suutin ko na lang, wala naman akong choice. Imposible namang pagnasaan ako nun… di ba? Pero habang hawak ko ang manipis na tela ng nightie, hindi ko maiwasang kabahan. Hindi dahil sa lamig ng kuwarto. Kundi dahil sa paraan ng pagtingin niya kanina, parang may binabalak na hindi ko maintindihan. At mas lalo akong nainis sa sarili ko… dahil kahit galit ako, ramdam ko ang kakaibang init na gumugulo sa dibdib ko. Natigilan ako pagpasok sa banyo ni Keano. Dati, tinitingnan ko lang siya mula sa malayo—hinahangaan, iniisip na imposible akong mapansin. Ngayon? Nakakagamit na ako ng banyo niya. At mas malala pa, nakakabangayan ko na rin siya. “Grabe talaga ang lalaking ‘yon,” inis kong bulong habang sinusuri ang paligid. Malinis. Mabango. Maayos ang bawat gamit—parang siya rin. Disiplinado, pero mayabang. Matapos akong mag-shower at magbihis, napatingin ako sa salamin. Napahawak ako sa suot kong manipis na nightie. “Ang nipis talaga…” halos maiyak kong sabi sa sarili. Parang wala akong suot. Nakakainis. Sinasadya talaga niya. Pero wala naman akong choice. Sabi niya bukas pa niya ibibigay ang mga damit kong pangbahay. Parang sinadya talaga para pahirapan ako. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang binuksan ang pinto ng banyo. Tahimik ang kuwarto. Paglingon ko, nakita kong nakahiga na si Keano. Mukhang tulog na, kalma ang mukha, walang bakas ng pang-aasar na kanina lang ay ikinainis ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero mas mapanganib siyang tingnan kapag tahimik. Dali-dali akong naglakad papunta sa higaan ko—yung nasa kabilang side ng kuwarto. Maingat akong humiga at hinila ang kumot hanggang leeg ko. “Baliw ka talaga…” mahina kong bulong, kahit tulog na siya. Pumikit ako, pilit pinapakalma ang sarili. Pero sa gitna ng katahimikan ng gabi, mas malinaw kong naririnig ang t***k ng puso ko. At mas lalo akong nainis, dahil kahit galit ako sa kanya, hindi ko maikakaila… iba na ang pakiramdam kapag magkalapit kami sa iisang kuwarto. Keano POV Nauna akong nagising kay Jassie. Hindi ko alam kung bakit parang balisa ako. Siguro dahil kagabi pa umiikot sa isip ko ang itsura niya habang suot ang manipis na nightie na pinabili ko. Ano kayang itsura niya? Bigla akong napalunok. “Ano ba, Keano… pinagnanasaan mo na si Jassie?” galit kong bulong sa sarili. Ang totoo, sinadya kong bumili ng maninipis na pantulog para asarin siya, parusa dahil hindi siya umuwi agad at isang linggo siya sa kanila. Alam kong conservative siya. Alam kong mahihiya siya. At alam kong maiinis siya. Pero hindi ko inasahang ako ang mahihirapan. Dahan-dahan akong lumingon sa kabilang kama. Natigilan ako. Nakatagilid siya. Natanggal ang kumot. Kita ang mahahabang binti niya at ang manipis na tela ng suot niya. Bahagyang nakaangat ang nightie, at saglit kong nasilayan ang hubog ng katawan niya. Parang may kumislot sa loob ko. Napahigpit ang hawak ko. “Damn it…” mahina kong mura. Dumako ang tingin ko sa itaas, at doon ako tuluyang natulala. Bahagyang nakalabas ang balikat at bahagi ng dibdib niya dahil sa pagkakatagilid niya. Mabilis akong napapikit. Hindi ko dapat ito tinitingnan. Hindi ganito ang plano ko. Bigla akong umiwas ng tingin at halos nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Dumiretso ako sa opisina ko na katabi lang ng silid. Sinara ko ang pinto at sumandal doon. Ako yata ang nakarma. Akala ko siya ang mapapahiya. Akala ko siya ang mahihirapan. Pero ako itong hindi mapakali dahil sa nakita ko. At mas lalo akong nainis sa sarili ko, dahil sa unang pagkakataon, hindi na lang ito simpleng pang-aasar. May iba nang dahilan kung bakit hindi ako makatingin sa kanya nang diretso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD