Keano POV
“Hoy, nasaan na ‘yung damit ko?” inis na sabi ni Jassie.
Ako tuloy ang hindi makatingin sa kanya nang diretso.
“Nasa ilalim ng cabinet,” seryoso kong sagot, pilit pinapakalma ang sarili.
Naka-robe siya. At alam kong sa ilalim ng robe na ‘yon ay ang katawan na muntik ko nang hindi mapigilan kanina. Isang sulyap lang, pero sapat para guluhin ang isip ko buong umaga.
Umismid siya bago tumalikod.
Hindi ko akalaing pagnanasaan ko ang isang tulad ni Jassie.
Malakas ang epekto niya sa akin. At ang nakakainis pa, ngayon ko lang ito naramdaman. Sanay naman ako makakita ng mga babaeng mas seksi pa ang suot kaysa sa kanya. Mas lantad. Mas mapang-akit.
Pero iba siya.
Hindi dahil sa suot niya.
Kundi dahil sa kung paano niya ito suotin—may hiya, may inis, may tapang.
“s**t…” napahagod ako sa batok.
Hindi ako mapakali. Parang may kung anong kumakalam sa loob ko, hindi lang basta init ng katawan, kundi pagkalito.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Ashley.
Kailangan kong ilabas ang tensyon na ‘to. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na normal lang ‘to. Na hindi espesyal si Jassie. Na kaya kong kontrolin ang nararamdaman ko.
Pero habang tumutunog ang tawag, isang tanong ang paulit-ulit sa isip ko
Kung normal lang ‘to…
bakit siya ang naiisip ko?
Jassie POV
Maagang umalis si Keano.
Hindi man lang siya nag-almusal. Wala man lang paalam. Kahit isang “mauna na ako” o “sabay ka na?” wala.
Siguro may hinahabol na meeting. Busy. Importanteng tao eh.
Pero kahit na.
Maaga rin naman akong natapos mag-ayos. Pwede naman sana kaming sabay pumasok. Kahit konting courtesy lang.
“May topak talaga ‘yon,” bulong ko habang naglalakad palabas ng mansyon.
Kahapon lang, grabe mang-asar. Ngayon naman, parang hangin lang ako. Hindi ko maintindihan ang ugali ng lalaking ‘yon.
Napabuntong-hininga ako at nag-commute na lang papasok.
Habang nasa jeep, hindi ko maiwasang maalala ang mga manipis na nighties na nasa cabinet ko.
Mamaya bibili talaga ako ng sarili kong pantulog. Hindi ko kayang suotin ulit ‘yon. Parang natulog akong walang suot kagabi.
“Kaloka talaga,” inis kong sabi sa sarili.
Hindi ko alam kung mas naiinis ako sa kanya… o sa sarili ko dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit bigla siyang naging ganon kaninang umaga.
Parang may iniwasan.
At hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko… ako ‘yon.
Lunch break, dumiretso ako sa mall malapit sa university. Pumasok ako sa isang boutique at bumili ng mga simpleng pajama set—cotton, maluwag, at hindi manipis. Hindi ko talaga kayang suotin ulit ang mga nighties na pinasuot niya.
“Parang natulog akong nakahubad kagabi,” inis kong bulong habang nagbabayad.
Pagbalik ko sa campus, dumiretso ako sa library para tapusin ang requirements ko. Tahimik doon, pero magulo ang isip ko.
Jassie POV
Oo nga pala, may group study nga pala ako ngayon. Saglit akong napatigil. Kailangan ko ba magpaalam kay Keano?
Pero baka asarin na naman niya ako kapag hindi ako nagpaalam. Sabihin pa niyang hindi ako marunong magsabi. Kaya para wala nang usapan, nag-message na lang ako.
“Mamaya pa ako uuwi. May group study kami ngayon.”
Ilang minuto ang lumipas bago siya nag-reply.
“Okay.”
Yun lang. Isang salita.
Napangiwi ako. Napakasuplado naman.
Minsan hindi ko talaga maintindihan si Keano. May araw na ang kulit-kulit niya, panay asar at parang walang seryoso sa mundo. Tapos may mga pagkakataon namang ganyan — isang salita lang, parang walang gana, parang ang layo.
Pero siguro mas mabuti na rin ‘to. Mas okay nang suplado siya kaysa inisin niya ako nang inisin. Mas tahimik. Mas simple.
Nagkibit-balikat na lang ako at ibinalik ang atensyon ko sa mga notes ko.
Group study lang ‘to, Jassie. Huwag mo nang isipin ‘yon.
Jassie POV
Pag-uwi ko sa bahay, tahimik ang buong paligid. Wala pa rin si Keano.
Ilang saglit pa, may nag-vibrate ang phone ko.
“Sa condo ako matutulog. Huwag mo na akong hintayin.”
Napataas ang kilay ko.
Kailangan ko ba siyang hintayin? Wala akong pakialam kung hindi siya uuwi.
“Okay, husband.” sagot ko, may halong sarkasmo.
Tinitigan ko ang screen sandali bago ko ibinaba ang phone. Siguro kasama niya si Ashanti. Baka nami-miss na niya.
Sabagay… wala naman akong karapatan mag-isip ng kung ano-ano. Hindi naman talaga kami mag-asawa. Sa papel lang. Isang pirma. Isang kasunduan. Walang puso.
Napabuntong-hininga ako.
Bigla kong naisip si Rita. Mas mabuti pang doon na lang ako makitulog. Mas payapa pa ako kapag kasama ko sila, ang mga kasambahay sa mansyon na parang pamilya ko na rin.
Sa mansyon, kapag tapos na ang trabaho, sama-sama kaming nanonood ng teleserye. Tawanan. Kwentuhan. Walang pretensyon. Walang komplikasyon.
Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko ‘yon na-miss.
Kinuha ko ang bag ko sa kuwarto at nagdesisyong umalis.
Kung wala naman siyang pakialam, bakit ako magpapakulong dito sa katahimikan? Mas pipiliin ko ang lugar kung saan masaya ako. Kung saan totoo ang mga ngiti.