Chapter 7

1066 Words
Jassie POV Isang linggo na akong hindi umuuwi sa mansyon. Tahimik ang bahay namin. Maliit. Mainit. Pero dito ako komportable. Dito ako humihinga nang maluwag. Nasa sala ako, tinutulungan si Mama magtupi ng damit nang may biglang tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay namin. Hindi iyon pangkaraniwan dito. Mamahalin ang tunog ng makina. Nanlamig ang mga kamay ko. Huwag naman sana. Sunod-sunod ang busina. Napapikit ako. Siya. “Anak, may bisita ka yata,” sabi ni Mama habang sumisilip sa bintana. Pagbukas niya ng pinto, Parang huminto ang oras. Nakatayo si Keano sa labas. Naka-suit kahit Sabado. Malinis. Mabango. Parang hindi bagay sa makipot naming eskinita. Napatingin ang mga kapitbahay. Syempre. “Good afternoon po,” magalang niyang bati kay Mama. Halos malaglag ang panga ko. “Ah… pumasok ka iho,” nahihiyang sabi ni Mama. Pumasok siya sa bahay namin na parang sanay sa ganoong lugar, kahit halatang hindi. Diretso ang tingin niya sa akin. “Uuwi ka na.” Hindi iyon tanong. Utos. Kumunot ang noo ko. “Bakit?” “Isang linggo ka nang wala.” “So?” taas-noo kong sagot. “May girlfriend ka naman ah. Hindi ka mawawalan ng mag-aasikaso sa’yo.” Nanahimik ang sala. Narinig ko ang bahagyang paghinga ni Mama. Lumapit siya sa akin. Yumuko nang bahagya para kami lang ang magkarinig. “Don’t test my patience, Jassie.” “Bakit? Ano bang problema kung nandito ako?” bulong ko rin. “Hindi naman tayo totoong—” “Wife kita.” Mahina pero mariin ang boses niya. Parang may biglang sumikip sa dibdib ko. “Hindi ka pwedeng basta nawawala nang isang linggo,” dagdag niya. “Nag-aalala ako.” Natigilan ako. Nag-aalala? “Talaga?” may halong pait ang tanong ko. “O dahil walang nagpipili ng polo mo?” Napatiim-bagang siya. “Five minutes,” sabi niya. “Mag-impake ka.” “Hindi ako sasama.” Tumahimik ang buong bahay. Lumapit siya nang mas malapit. Ramdam ko ang init ng katawan niya. “Jassie,” mababa ang boses niya, delikado. “Huwag mo akong pahirapan.” Tumingala ako sa kanya. “Hindi mo ba ako kayang hayaan kahit minsan lang?” Saglit siyang natahimik. Tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi mahigpit. Pero sapat para maramdaman ko. “Uwi na tayo,” mas mahinang sabi niya ngayon. Hindi na utos. Hindi na mayabang. Parang… pakiusap. At mas nakakatakot iyon. Nasa sasakyan na kami. Hindi ko mapigilang mapasulyap kay Keano. Tahimik lang siyang nagmamaneho, pero halatang alam niyang tinititigan ko siya. Bigla siyang lumingon. “What?” inis na tanong niya. Umiling ako. “May pa-sundo-sundo ka pang nalalaman. Uuwi naman ako. At saka ikaw ha, grabe ka mag-message. Kulang na lang sumabog cellphone ko sa dami ng notification.” Malakas siyang natawa, sabay marahang binatukan ako. Hindi masakit. Parang kapatid lang ang turing. “Hoy, don’t flatter yourself,” sabi niya. “Pinapasundo ka ni Mama. Kung ako lang, kahit isang buwan ka pang mawala, o isang taon, I don’t care.” Pang-aasar. “Eh bakit sabi mo nag-alala ka sa akin?” ganting asar ko. “Sinabi ko lang ‘yon para umuwi ka. Siyempre, kaharap ang mama mo.” Inirapan ko siya. “Scammer. Sa susunod, hindi na ako sasama sa’yo.” Nagkibit-balikat siya. “Oo nga pala, may mga damit akong binili para sa’yo.” Napalingon ako sa kanya. “Weh? Talaga?” Ngumiti siya ng pilyo. “Yes. And I think magugustuhan mo.” Medyo kilala ko na si Keano sa mga araw na magkasama kami. Madalas mainit ang ulo. May topak. At grabe mang-asar. Puro kapilyuhan ang nasa isip. Hindi ko tuloy alam… Pinaglalaruan lang ba niya ako? O may mga sandaling totoo ang mga tingin niya? At kung totoo man… Ako ba ang tinutukso niya? O ako ang sinusubok niya? Pagdating namin sa mansyon, sinalubong agad ako ni Rita. “Alam mo, nung wala ka, mainit ang ulo niyan,” bulong niya sabay turo kay Keano na paakyat na ng hagdan. “Lagi nagtatanong kung kailan ang uwi mo. Sabi pa kay Ma’am Hazel, hindi ka na raw dapat pinapayagan umuwi sa inyo.” Natawa ako. “Ikaw ha, maisyu ka. Nagpapakita lang ‘yon ng kunwaring concern para sa parents niya. Pero ang totoo? Gusto niya naroon ako sa amin.” “Weee,” sabay naman ni Solenn. “Yes! Para mas nakakakilos siya kasama si Ashley,” sagot ko. “Parang hindi naman ganun. Bahay-office lang si Sir,” sabi ni Rita. “Hmm,” tipid kong sagot. “Sige na, aayusin ko lang gamit ko.” Umakyat ako at kumatok sa kwarto namin ni Keano. “Come in.” Pagbukas ko ng pinto, Napahiyaw ako. Nakahubad siya. As in. Mabilis kong isinara ulit ang pinto. Parang nasunog ang pisngi ko sa init. “Hayop na ’yon!” bulong ko sa sarili. “Inaasar na naman ako. Pervert!” Buti na lang hindi ko gaanong nakita… sa baba niya. Pero sapat na ang nakita ko para mag-init ang tenga ko. Huminga ako ng malalim at bumaba. Inis na inis. “Hey, what happened?” concern na tanong ni Ma’am Hazel. “A-ah kasi po…” halos mautal ako. “Si Keano po pinapasok ako sa kwarto… nakahubad pala siya.” Sinumbong ko na talaga siya. Ilang beses na niyang ginagawa sa akin ’yon. Malakas na natawa si Mrs. Hazel Ishikawa. Lalo pa nang makita ang pamumutla ko. “Bakit, hija? Mag-asawa naman kayo. It’s natural,” malambing niyang sabi. Lalong uminit ang mukha ko. “Ma’am… wala po talagang nangyari sa amin. Totoo po ’yon. Kaya nga ganun reaction ko.” Pero parang wala siyang narinig. “Ayan na pala siya. Kumain na tayo.” Bumaba si Keano, nakasuot na ng simpleng shirt at jogging pants. Pero hindi maitatago ang kumpiyansa sa lakad niya. Nagtama ang tingin namin. May panunudyo sa mga mata niya. Parang sinasabi: Takot ka ba sa nakita mo? Inirapan ko siya. Ngumiti siya nang bahagya. Hindi malakas. Hindi halata sa iba. Pero alam kong para sa akin lang ang ngiting iyon. At ang mas nakakainis? Habang nakaupo kami sa hapag, bigla niyang idinikit ang tuhod niya sa tuhod ko sa ilalim ng mesa. Hindi niya inalis. Hindi rin siya tumingin sa akin. Pero alam kong sinasadya niya. Napakagat ako sa labi. Kung ito ay laro… Bakit pakiramdam ko ako ang talo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD