Jassie POV
Gabi na.
Tahimik ang silid pero ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin. Iisang kuwarto. Iisang bubong. Iisang kasal.
Pero dalawang magkaibang mundo.
Umupo ako sa sofa, magkayakap ang mga tuhod ko. Si Keano naman ay nasa kama niya, kampanteng nakaupo, parang wala lang ang lahat.
“Keano… payag ka na sa one-year contract,” mahinahon kong sabi. “Pagbigyan lang natin ang parents mo, tapos pagkatapos—”
“No.” Putol niya agad. “I will not betray my parents.”
Napatingin ako sa kanya.
“Ikaw kaya mo ‘yon?” dugtong niya. “Pinag-aral ka ng parents ko tapos ganyan ka.”
Parang may kumurot sa dibdib ko.
“Hindi naman sa ganun…” mahina kong sagot.
“Jassie,” malamig niyang sabi. “Matulog ka na. Don’t think too much.”
Humiga siya at ipinatong ang isang braso sa ulo niya.
“O bakit? Natatakot ka ba?” nakangising dagdag niya. “Baka mainlove ka sa akin… at masaktan ka.”
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.
“H-hindi ah,” mabilis kong sagot. “Alam ko naman from the start na imposible magustuhan mo ako. Kaya alam ko kung saan ako lulugar.”
Ngumiti siya. Parang may na-validate sa sarili niya.
“Very good. Don’t fall in love with me, okay?” seryoso na ang tono niya ngayon. “Hindi ako marunong magmahal. Ang babae sa akin will come and go lang. Makakasira lang sila sa pagiging Pillar ko.”
Pillar.
Hindi ko pa rin lubos maintindihan ang ibig sabihin noon pero alam kong may kinalaman iyon sa mundo niya, sa kapangyarihan, sa reputasyon.
“Puwede naman tayong maging mag-asawa na walang feelings,” tuloy niya. “Look at Father—El Viejo. Hindi niya mahal ang asawa niya pero magkasama pa rin sila. Even my parents. It’s business. It works.”
“Ibig mong sabihin… magiging ganun tayo?” tanong ko.
“Yes.” Diretsahan siyang tumingin sa akin. “I will give you everything, money, power, marriage, s*x—but not love.”
Nanigas ako.
Napaka-prangka niya.
Napakasakit niyang magsalita.
“Don’t believe in fairy tales,” dagdag pa niya. “Walang lalaking magmamahal sayo hanggang wagas.”
Siguro siya ‘yon.
Pero hindi lahat ng lalaki.
“Paano ako?” tanong ko. “Paano kung may nagmahal sa akin ng totoo? Tapos nakatali ako sa relasyong walang pagmamahal?”
Biglang tumigas ang panga niya.
“Hindi puwede na iiwan mo ako sa marriage na ‘to.”
Napatawa ako nang mapait.
“Napaka-selfish mo. Puwede ka namang tumanggi noon pa. Sinira mo pangarap ko.” Napahikbi ako. “Nakakainis ka.”
“Ano ba pangarap mo?” malamig niyang tanong.
“Makapagtapos. Makatulong sa pamilya ko.”
Tahimik siyang tumayo, lumapit sa drawer at may inilabas.
Isang black ATM card.
“Ito,” sabi niya. “Lahat ng gusto mo bilhin mo. Ilipat mo parents mo sa maayos na bahay. Bumili ka ng mga damit. Undies mo nga iilan lang.”
Parang sinampal ang pride ko.
Hindi ko tinanggap.
“Hindi ko kailangan ‘yan,” mariin kong sabi. “Maiiahon ko ang pamilya ko nang hindi kailangan ang pera mo.”
Tinitigan niya ako. Tapos ngumiti.
“Okay. We have a deal then. Mag-aral ka. Magkaroon ka ng career. Kapag kaya mo nang tumayo sa sarili mong paa… saka kita papakawalan.”
Parang may sumilay na pag-asa.
“Talaga?” tanong ko.
“Pero secret lang ang kasal natin,” dagdag ko agad. “Hindi ba sa girlfriend mo—”
“Alam na niya,” putol niya.
Napakurap ako.
“Payag na siya sa sitwasyon natin. Basta kami.”
Parang may malamig na bagay na tumusok sa dibdib ko.
Tumango na lang ako.
“Okay. Matutulog na ako. Wala naman akong panalo sa’yo. Magpapadala na lang ako sa agos ng buhay.”
Tumayo na ako papunta sa higaan ko sa walking closet.
“Jas,” tawag niya.
“Ano?” walang gana kong sagot.
Saglit siyang natahimik.
“Hindi ba mahal mo ako?”
Napalingon ako at inirapan siya.
“Pangarap kita. Hindi mahal. Magkaiba ‘yon.” Huminga ako nang malalim. “Yung pangarap na alam mong walang katuparan. Kaya huwag kang conceited.”
Sandaling tumango siya.
“Okay. Good night.”
“Good night,” sagot ko.
Humiga ako sa manipis kong higaan.
Sa dilim ng closet, saka ko lang inamin sa sarili ko,
Mas madaling sabihin na pangarap lang siya.
Kesa amining matagal ko na siyang minahal.
Jassie POV
Dalawang buwan na ang lumipas mula noong huli kaming nag-usap ni Keano nang seryoso.
At pinilit kong maging normal ang lahat.
Besides, wala naman akong choice.
Tuwing umaga, inaasikaso ko ang mga personal na gamit niya, mula sa polo na isusuot hanggang sa cufflinks na babagay sa meeting niya. Minsan napapangiti ako habang inaayos ang mga iyon.
Ang galing, Jassie. Nakakuha ka ng sariling amo.
Pero kahit niloloko ko ang sarili ko, hindi ko maikakaila,
Masaya ang puso ko tuwing nakikita ko siyang suot ang pinili ko.
Kilala ko si Keano. Maselan siya sa damit. Maingat. Metikuloso. Pero ngayon, ako, na itinuturing ko ang sarili kong “lupa lamang”—ang pumipili ng isusuot niya araw-araw.
At hindi siya nagrereklamo.
Sabay na rin kaming kumakain ng breakfast. Hindi na ako sumasabay sa mga kasambahay simula noong isang umaga, na naabutan niya akong kumakain sa kusina.
“Doon ka sa mesa,” malamig niyang sabi noon. “Asawa kita.”
Walang lambing. Pero may diin.
Simula noon, sa kanila na ako sumasabay.
Naging normal ang lahat.
Ako, nag-aaral. Nagsa-sideline kay Ate Helena sa boutique niya—girlfriend ni Shean. Doon ako humihinga. Doon ako nagiging ako.
Minsan umuuwi ako sa amin. Dalawang araw. Tatlo.
Pero kapag umaabot ng isang linggo,
Grabe na mag-message si Keano.
Halos sumabog ang phone ko sa dami ng notifications.
Nasaan ka na?
Walang mag-aasikaso ng gamit ko.
May boyfriend ka na ba? Lagot ka sa akin.
At kung anu-anong emoji pa.
Minsan napapailing ako.
Ang unfair niya.
Siya nga, alam kong madalas magkasama sila ni Ashley sa condo niya. Minsan nahuhuli ko ang message ng babae.
“Nag-luto ako ng dinner for you.”
“Miss na kita.”
Para na silang mag-asawa.
Reputation lang daw ang dahilan ng kasal namin.
Pero ako?
Ako ang nagmumukhang tanga sa paningin ng iba.
“Bakit ka pumayag sa ganyang set-up?” minsan tanong ni Rita.
Hindi nila alam ang sitwasyon ni Keano. Ang pressure sa akin. Ang mundo na ginagalawan niya.
Pero minsan…
Iniisip ko rin,
Bakit nga ba ako pumayag?
Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa message niya ngayon.
Umuwi ka na. Naiinis ako.
Napangiti ako nang bahagya.
Wala akong pakialam sa kanya.
Wala.
Kaya bakit sa tuwing may message siya,
Parang may parte sa akin na masaya pa rin?
At mas lalong hindi ko maintindihan…
Bakit kapag isang linggo akong wala,
Hindi siya mapakali.