Chapter 5

1024 Words
Jassie POV Nasa tapat na kami ng school ko. Tahimik ang ilang segundo habang naka-idle ang makina ng kotse. Hindi ko alam kung bakit parang biglang bumigat ang hangin sa loob. “Sige… salamat,” mahina kong sabi habang hinahawakan ang strap ng bag ko. Bago pa ako makababa, napalingon ako sa kanya. “Puwede ba tayong mag-usap mamaya?” Nag-smirk siya. Yung tipong alam niyang may epekto sa akin. “Anong kapalit?” Napakunot ang noo ko. “Anong kapalit?” “I’m a busy person,” malamig niyang sagot. “Gusto ko lahat may kabayaran ang oras ko… even with my wife.” May diin ang salitang wife. Napabuntong-hininga ako. “Wala akong pera para bayaran ka.” Bahagya siyang yumuko palapit sa akin. Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Nanigas ang katawan ko. “It’s okay,” bulong niya. “You can pay me with your body.” “Ha?” Para akong nakuryente. Hindi ako agad nakapagsalita. Pakiramdam ko tinuklaw ako ng ahas sa sobrang gulat. Bigla siyang tumawa. Malakas. Halos mang-asar. “I’m just joking,” sabi niya habang umaayos sa upuan. “Pumunta ka sa office ko after your class.” “Puwede sa bahay na lang?” tutol ko agad. “Ang layo-layo ng office mo.” Napatango siya na parang may naisip. “Fine. Mamayang gabi. Sa kuwarto natin.” Kinabahan ako sa diin ng kuwarto natin. “Doon natin pag-uusapan kung ano man ang gusto mong sabihin.” Saglit siyang tumigil bago nagdagdag, “Maligo ka at maghanda ka para sa akin.” Napaawang ang bibig ko. “Okay ka lang? Mag-uusap lang tayo, maliligo pa ako?” Inirapan ko siya at mabilis na binuksan ang pinto ng kotse. “Bye! Male-late na ako,” sabi ko habang nagmamadaling bumaba. Narinig ko ang mahina niyang tawa bago ko tuluyang naisara ang pinto. Hindi ko alam kung biro lang ba talaga ang lahat ng sinasabi niya, O sinasadya niyang guluhin ang puso ko. At mas nakakainis doon… Kahit alam kong niloloko lang niya ako, bakit parang may bahagi sa akin na kinikilig pa rin? Hindi pa man ako nakakalayo sa kotse ni Keano, biglang may tumunog. Message notification. Nasa tabi pa rin ako ng pinto dahil may hinahanap akong ballpen sa bag ko. Hindi ko sinasadya, pero nasilayan ko ang screen ng phone niya na nasa dashboard. Ashley Parang may kumurot sa dibdib ko. “Baby, I miss you. Kailan tayo magkikita? I’m outside your office later.” Baby. Napakurap ako. Girlfriend niya. Of course. Ano ba ang ine-expect ko? Na dahil kasal kami sa papel ay magbabago na ang mundo? Narinig ko ang mahinang pag-click ng dila niya. “Why are you staring?” malamig niyang tanong. “Wala,” mabilis kong sagot kahit malinaw na nabasa ko. Kinuha niya ang phone niya. Hindi ko alam kung magrereply ba siya agad pero nakita kong nag-type siya. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit, Yung makita kong may girlfriend siya? O yung maalala kong sinabi niyang ayaw niyang masira ang reputasyon niya kaya kailangan kaming magpakasal? Bigla akong natauhan. “Ashley?” pilit kong casual na tanong. Saglit siyang tumingin sa akin. Walang emosyon ang mukha. “Yes.” Isang salita. Diretso. Walang paliwanag. “Alam ba niya?” tanong ko ulit, mas mahina na ngayon ang boses ko. His jaw tightened. “No.” Isang segundo. “Wala siyang dapat malaman.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko. So ako ang sikreto. Ako ang itinatago. Hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan o matawa. Ngumiti ako. Yung ngiti na alam kong hindi umabot sa mata ko. “Don’t worry. Hindi ako manggugulo sa love life mo.” May kung anong nagbago sa tingin niya. Saglit lang. Parang may gusto siyang sabihin pero pinigilan niya. “Go to class, Jassie,” malamig niyang utos. Tumalikod na ako. Habang naglalakad papasok ng school, pakiramdam ko biglang bumigat ang bawat hakbang. Asawa niya ako. Pero ibang babae ang tinatawag niyang baby. Nasa classroom na ako pero wala ang isip ko roon. Nasa harap ang professor, may discussion tungkol sa marketing strategies, pero ang tanging pumapasok sa utak ko ay, Baby, I miss you. Napapikit ako sandali. Sabi ko na nga ba… dapat dumistansya talaga ako. Simula pa lang, alam ko na ang lugar ko. Hindi ako kabilang sa mundo ni Keano. Hindi ako yung tipong ipinapakilala sa mga kaibigan niyang sosyal. Hindi ako yung babaeng tinatawag niyang baby. Isa lang akong aksidente sa buhay niya. At ayokong maging aksidente sa sarili kong pangarap. Pinangako ko sa sarili ko na makakapagtapos ako. Na hindi ako magpapadala sa sitwasyong ito. Na hindi ko hahayaang masira ang plano ko dahil lang sa isang lalaking matagal ko nang hinahangaan. Masasaktan lang ako. Kaya kailangan kong mapapayag si Keano sa one-year contract na ‘yon. Dapat nga hindi kami nagpakasal eh. Kung hindi lang siya nagkibit-balikat habang kinakausap kami ng mga magulang niya, baka wala kami sa ganitong sitwasyon. Kung nagsalita lang sana siya. Kailan ba siya naging sunud-sunuran sa parents niya? Hindi ba’t siya ang tipo ng lalaking ginagawa ang gusto niya? Kaya bakit ngayon… bakit ako ang kailangan niyang panindigan? Napabuntong-hininga ako at pilit nagsulat sa notebook ko kahit wala naman akong naiintindihan. Nakakainis. Nakakaiyak. Pakiramdam ko sinisita ni Keano ang buhay ko. Parang bigla na lang siyang pumasok at ginulo ang tahimik kong mundo. “Jassie?” Napatingin ako sa professor. “Yes, Ma’am?” mabilis kong sagot. “Are you listening?” “Y-Yes po.” Pero ang totoo? Wala akong narinig. Dahil ang naririnig ko lang sa isip ko ay ang boses ni Keano. Ang tawa niya. Ang paraan ng pagtingin niya sa akin kanina. Buwisit na lalaki ‘yon. Galit ako sa kanya. Galit na galit. Pero bakit mas nangingibabaw ang sakit kaysa galit? Napakurap ako nang maramdaman kong may luhang gustong tumulo. Hindi. Hindi ako iiyak dahil sa kanya. Hindi ako mangangarap ng mataas. Isang taon lang ito. Isang taon… at lalaya rin ako. At kapag dumating ang araw na ‘yon, Ako naman ang hindi na lilingon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD