Chapter 28

1741 Words

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na para akong nakalutang sa ere. Pupungas-pungas kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko ang seryosong mukha ni Zel. Inilapag niya ako sa kama at tumabi din sa akin tsaka kami kinumutan dalawa. "Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo? Gutom ka ba? Anong oras na ba at ipaghahanda kita ng hapunan." medyo inaantok kong tanong sa kanya. Inilgay niya ang ulo ko sa braso niya at hinapit ako palapit sa kanya. Hinapo ko naman ang noo niya at nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman na hindi na siya inaapoy ng lagnat. "Just sleep. Alam kong pagod ka kaya magpahinga ka na." malumanay niyang wika kaya napayakap ako sa beywang niya. "Gabi na eh. Kailangan mo na kumain ng hapunan para makainom ka ng gamot." sabi ko sa kanya. Kita ko ang pagk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD