Halos dalawang buwan na din na nanliligaw si Zel at walang palya kahit isang araw na hindi siya nagpupunta sa bahay para sunduin ako at ihatid sa trabaho. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na huwag ng gawin iyon dahil masyadong malayo ang inuuwian niya pero hindi naman siya nagpapasaway. Hindi ko nga alam kung nagtatampo ba siya dahil simula kahapon pa siya hindi nagpaparamdam o nagte-text man lang. Hindi ko din naman maiwasan na mag-aalala. Napabuntong hininga ako at inabala na lang ang sarili ko sa pag-aayos sa flower shop. "Mukhang matamlay ang bebe Eos ha? Miss mo na si Zel 'no? Kahapon pa hindi nadalaw eh. Hindi ka pa matigil sa kakatingin diyan sa cellphone mo." sabi sa akin ni Ate Aiora kaya napakamot ako ng noo. "Hindi po. Naghihintay lang ako ng text ni Nichola kung kumus

