Chapter 19

1061 Words
Mall 3rd Person POV Gulat na gulat siya sa araw na ito, ang batang nagbigay blessing sa kanya ay anak pala ng lalaking mapapangasawa niya, hindi niya inakala. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Greyson ngayong nalaman niya na may anak pala ito. Personally ay natuwa siya dahil kay Harrison, hindi niya alam pero walang oras na hindi siya napapatawa o napapangiti man lang ng batang makulit. Yess napakabata niya nga kung titignan sa edad niya para magkaroon ng anak pero parang natutuwa pa siya. “Ate, let's play!” Naupo lang siya sandali dahil sa pagod, kalahating oras na sila sa playground at walang sinayang na oras ang bata. Mabuti na lang at sa mall sila naglaro, naku kung sa parke ay baka nakalabas na ang dila niya sa init. Hinila siya ni Harrison sa padulasan kaya napangiwi siya. “Hehe, hindi ako pwede diyan. Mga baby lang pwede diyan,” sabi niya. “But—” Binuhat niya si Harrison at sinampa ito para manguna sa padulasan. “Ikaw na lang, may mga kasama ka naman na pwede mong makalaro,” sabi niya. Nakahinga naman siya ng maluwag noong pumayag si Harrison. Sandali niya itong pinanood sa paglalaro, napangiti siya noong nakahanap agad ito ng kalaro. Ilang minuto siyang ganoon bago niya pinuntahan si Greyson sa kinauupuan nito, tahimik na nagmamasid. Ang yaya naman ni Greyson ay pinauna nang pinauwi. Napansin niyang sa habang papalapit siya ay sinusundan ni Greyson ang bawat paghakbang niya. “Hi,” sabi niya. “Katherine, upo ka,” alok ni Grey. “Thank you.” Umusog ng bahagya si Grey para makaupo siya tabi nito. Nasa lapag ito ng playground habang pinanood silang dalawa ng anak nito. Ngayon ay dalawa na sila habang naglalaro si Harrison, hindi kalayuan sa kanilang dalawa. “Katherine,” pagtawag ni Greyson sa pangalan niya. “Hmm?” “I'm sorry,” paghingi nito ng tawad. Kumunot naman ang noo niya dahil for her ay nonsense iyon. Wala naman siyang natatandaan na may ginawang mali si Greyson sa kanya. “Para saan?” takang tanong niya. “Dahil hindi mo agad nalaman na may anak na ako,” sagot nito. Natigilan siya sa sinabi nito, lumingon siya at nakita niyang pinanood pa rin nito ang anak, para itong malungkot na hindi niya maipaliwanag. “Wala kang dapat na ihingi ng sorry, kaya huwag kang mag-sorry. Actually ay natutuwa nga ako dahil may Harrison ka,” nakangiting sabi niya. Napaawang ang labi nito at lumingon sa kanya. “T-talaga? Hindi ka galit or ano man?” nahihiwagaan na tanong ng binata sa kanya. “Oo naman,” nakangiting sabi niya. “Thank God, I thought magagalit ka at aatras kana.” Hindi niya mapigilan na matawa. “Ang babaw ko naman kung ganon, para ngang mas lalo ko nang gustong manatili ng dahil kay Harrison, pwede bang sa atin siya tumira?” request niya sa huling sinabi. Hindi malaman kung nakakita ba ng multo ang binata dahil gulat na gulat ito. Na-cutetan tuloy siya, sigurado siyang sa binata nagmana si Harrison. “I'm glad na iyan ang nararamdaman mo, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ang tungkol sa kanya kung hindi mo nalaman ang bagay na ito ngayon,” nakangiting sabi ni Greyson. “Masaya din ako dahil nalaman ko ito.” Tumingin siya sa naglalarong Harrison, hindi pa nga siya nagtatagal sa pagkakaupo ay tumakbo na ito papunta sa kanya. Hindi na siya nagulat noong ayain na naman siya nitong maglaro. Hindi naman niya mahindian ang kakulitan ni Harrison. Dalawang oras ang inabot nila sa palaruan pero parang ayaw pang lumabas ni Harrison mula doon. “You're Ate Kath is already hungry na Harrison, may next time pa naman para maglaro. Ang usapan ay one hour lang,” strict na sabi ni Greyson sa anak. Nagulat siya noong marinig niya ang pangalan niya sa binata. Binaba niya ito ng tingin, nakatayo si Harrison habang naka-squat naman si Greyson habang inaayos ang sapatos ng anak. Napakasarap sa mata na makita niya ang ganoong tagpo. “Okay,” ang tanging sagot ni Harrison pero halata mong kasalungat ang gusto nitong sabihin. “Let's go,” sabi ni Greyson. Bagay na bagay ang pagka-strict sa mukha nito, hindi akalain na napakabait nitong binata. Dahil hapon na rin ay kumain sila sa isang restaurant, tila early dinner na nila iyon. “Are you okay Harrison?” tanong niya sa bata. Para kasing napakatahimik nito bigla. Tumingin siya kay Greyson pero busy naman ito sa cellphone, baka tungkol sa trabaho dahil unexpected naman na pumunta sila sa mall para mag-laro. “Opo,” sabi nito. Hinaplos niya ang buhok nito. “Talaga? Pwede mong sabihin kung hindi maganda ang pakiramdam mo.” Marahan nitong hinatak ang ulo niya kaya bahagya naman siyang yumuko, bumulong si Harrison. “I think galit si daddy.” Iyon lang ang sinabi nito at umupo ng tuwid. Tumingin na naman siya sa binata at this time ay nahuli na siya nito, para tuloy gusto niyang umiwas ng tingin! Parang nakakahiya naman kung umiwas siya. Hindi niya inaasahan ng bigla itong ngumiti. Na-appreciate na naman niya ang gwapong mukha nito! “May problema ba?” tanong nito. “Wala naman, may trabaho ka bang naiwan?” tanong niya. “Hmm kaunti na lang yun, sa bahay ko na lang tatapusin, and regarding Harrison. Kakausapin ko pa si lola.” Tumango naman siya. Nilipat niya ang tingin kay Harrison at napansin niyang matamlay pa rin ito. “I think may misunderstanding kayo ni Harrison.” Napalingon bigla sa kanya si Harrison, nanlalaki ang mga mata. Naisubo nito bigla ang kuko, parang kinakabahan. Halatang natakot bigla. Kinuha niya ang kamay nito at pinisil. Pinaparamdam na may kasama ito. “Ang akala kasi ni Harrison ay galit ka, totoo ba yun?” mahina niyang sabi. Nagsimula nang kumawag ang kamay ni Harrison sa hawak niya pero hinawakan niya lang iyon ng mabuti pero sinigurado niyang hindi ito masasaktan. “Of course not Harrison, naiparamdam ko ba sayo na galit ako? Hmm.” “O-opo.” Lumambot ang ekspresyon ni Greyson. “I'm sorry, Harrison.” “Hug mo na si daddy, hindi pala siya galit,” nakangiting sabi niya. Lalo siyang napangiti noong umalis na si Harrison sa kinauupuan nito at lumapit kay Greyson upang yumakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD