Chapter 18

1021 Words
Ang takot 3rd Person POV “Katherine…” mahinang sabi ni Greyson, halos pabulong, parang may kinatatakutan na pwedeng mangyari, na pwede itong mawala anumang oras sa oras na ito. Hindi niya maalis ang tingin niya dito. Mas lalo siyang kinabahan nang makita niyang kagaya niya, nagulat din si Katherine. Parang tumigil ang mundo nila sandali. Sa loob-loob ni Greyson, may mabilis na tanong na paulit-ulit: Tatanggapin ba niya ako? Tatanggapin ba niya kami ni Harrison? Gaano man siya kalakas on the outside, may bahagi sa kanya na hindi handa sa posibilidad na baka hindi siya tanggapin ng dalaga. Bata pa ito. May mas magaan, mas simpleng buhay na puwede nitong tahakin. Samantalang siya… may anak na, may responsibilidad, may buhay nang buo bago pa sila magkita. At ang pinakamasakit na tanong sa isip ni Greyson? Napipilitan lang ba siya? Dahil sa ginawa ni lola? Hindi mawala sa isip niya ang gabing hinarap niya ang matanda. “Why did you do that to Katherine, lola?” tanong niya sa lola niya, puno ng pagod at galit. Hindi niya kailanman inaasahan na gagawa ito ng bagay na ganoon. Na pwedeng ikamunhi ni Katerine. “You chose her, right?” sagot ni lola, diretsahan. “Tinutulungan lang kita. Malapit na akong mamatay, apo. Gusto kong makita kang masaya bago ako mawala,” litanya ng lola niya. “Don’t say that. Mahaba pa ang buhay mo,” sagot niya, seryoso, puno ng pag-aalala. Sumagot siya pero naputol lang rin lang naman. “I want to court her naturally—” Pero hindi nagpatalo ang matanda. “Paano si Harrison? Sigurado ka bang matatanggap niya anak mo? Ayoko nang masaktan ka ulit,” sabi ni lola. “Gusto kong may babaeng tatanggap sa’yo.” Napakuyom siya ng kamao. Nasaktan siya ng wala sa oras para sa kanyang anak. Kung naging nanay lang sana ang ina nito kay Hardison. “By doing that, lola? Talaga bang tingin mo… matatanggap niya ako sa ginawa mo?” Hindi makapaniwala na tanong ni Greyson. “No lola, magagalit siya sa akin. Ngumiti lang si lola, malumanay. Halos nakakainis kung hindi dahil puno ito ng pagmamahal. “Trust the process, Greyson.” At tumalikod ito na parang wala lang. Bumalik siya sa kasalukuyan ng marinig niya ang boses ni Katherine. “Hello… dinalhan kita ng pagkain,” sabi nito, simple, mahina, pero sapat para gumaan ang dibdib niya. Napatingin siya sa mga dala nito. “Talaga? Nakita mo ba ‘yong breakfast mo sa lamesa?” tanong niya habang kinuha si Harrison mula kinatatayuan nito. Kita niya sa bata ang pagkalito—at alam niyang hindi malabo na pareho ang nararamdaman ni Katherine ngayon. Lumapit si Katherine. Parehong ngiti lang ang nasa mukha niya. Walang ibang emosyon na mabasa si Greyson. Wala siyang nakikita ng galit, tampo, takot—pero wala rin siyang nakikitang gusto niyang makita. Hindi niya alam kung anong eksaktong hinahanap niya, pero alam niyang wala iyon sa mukha ng dalaga ngayon. Hindi niya naman kasi expect na pupunta ngayon ang dalaga sa opisina niya, balak niya sanang hindi pa ngayon ang pagkikita ng dalawa pero iba ang plano ng Panginoon kaysa sa plano niya, sabi nga ay mas better ang plano ng Panginoon. “Yes, sorry naunahan mo na naman ako,” sabi ni Katherine habang inaayos sa table ang mga dala. “Anong oras ka ba talaga pumapasok?” In-obserbahan ni Greyson ang bawat galaw nito. Ilang araw pa lang silang magkasama, wala pa nga ng isang linggo, Bakit sa maikling panahon ay nag-iiba ang nararamdaman niya? Hindi na ba ito atraksyon lang? Nang maupo si Katherine, sumunod siya. Pinapanood niya lang ito habang naglalagay ng pagkain. “Matulog ka lang hanggang sa gusto mo,” sabi niya. “Hindi mo kailangang bumangon para ipagluto ako.” “Basta,” sagot nito, nakanguso pa. Napangiti siya ng bahagya. “Daddy, do you know ate?” sabat bigla ni Harrison, malakas at puno ng pagtataka. Sabay silang napatingin kay Harrison. “Y-yes, baby. Did you eat na ba?” sagot ni Greyson, pilit pinapakalma ang sariling dibdib. Hindi niya malaman pero hindi niya magawang ipakilala si Harrison kay Katherine bilang ina. Hindi pa ngayon. Hindi pa ngayon. Hindi pa handa ang lahat. “Uhm!” proud pang sabi ni Harrison. “Sinubo ako ni ate!” Napatingin si Greyson sa center table. May tupperware doon—bukas at halos ubos na. “Nagugutom na kasi si Harrison,” paliwanag ni Katherine, medyo nahihiya. “Hindi ka na niya nahintay.” Hinawakan niya ang kamay nito. Hindi niya napigilan. “Thank you, Katherine.” Ngumiti ito, pero kita niya ang hiya at kahit na hindi nito sabihin ay naiilang ito noong pasimple nitong kinuha ang kamay nito. Tumikhim si Greyson at bumaling sa yaya. “Nangulit ba si Harrison?” “Hindi po, daddy!” mabilis na sagot ni Harrison bago pa makapagsalita ang yaya. “I asked ate, tapos pumayag siya. Sorry, daddy. I was very hungry na kasi.” Natawa si Katherine. “Ayos lang, Greyson. Bata si Harrison. Hindi niya matitiis ang gutom. Diba Harrison?” Pinisil nito ang pisngi ng bata. Napakurap ng mata si Greyson. At doon, may kumirot sa dibdib niya “Opo!” proud na sabi ni Harrison. “Kukuha pa ako next time para many many stars!” Napangiti si Greyson, hindi mapigilan. “Ang galing naman ng Harrison namin.” Lumapit pa si Katherine, hinawakan ang dalawang pisngi. “Ano gusto ng baby na ‘yan? Hmmm?” Tumingin si Harrison sa kanya. Kita sa mata ang excitement. “Gusto ko…” tumigil siya saglit, parang nag-iisip kung papayag ba ang daddy niya. “…gusto ko pupunta kami ni ate sa playground!” Parang biglang tumahimik ang buong opisina. Nagkatinginan sila ni Katherine, namalayan na lang niyang inaabangan na niya ang sagot ng dalaga. At doon, naramdaman ni Greyson ang bigat ng hangin. Hindi dahil sa takot— kundi dahil may posibilidad. Posibilidad na baka pwedeng magsimula ang isang pamilya… Libre lang naman mangarap kaya mangangarap siya. Panalangin lang niya na tatanggapin sila ng dalaga ng anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD