Harrison
3rd Person POV
Nanlaki ang mga mata niya nang mamukhaan ang batang lalaki. Hindi siya maaaring magkamali. Ito iyong batang minsan niyang nakita dati—at hindi pa rin nagbago ang kulit sa mga mata nito. Nagtagpo ang paningin nila at, tulad niya, bumakas din ang pagkagulat sa mukha ng bata.
“Ate! Ano nigagawa mo dito?!” halos pasigaw at nanlalaking mata nitong tanong.
“Harrison,” mahina niyang bulong sa pangalan nito, parang hindi pa rin makapaniwala.
Binawi niya agad ang sariling pagkagulat at sinubukan ngumiti kahit medyo naguguluhan siya. “Magbibigay ako ng pagkain. Ikaw, anong ginagawa mo dito?” tanong niya habang hawak ang eco bag.
Tinuro ng bata ang dala niyang pagkain, pero imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinabi nito. “Hindi na ikaw malungkot?”
Napangiti siya kahit hindi niya inaasahan iyon. Umiling siya at tumugon. “Hindi na. Masaya na ako.”
Tumingin siya sa likuran ng bata, sa yaya nitong humingi rin ng paumanhin sa biglaang kilos ni Harrison.
Naupo siya sa sofa at halos kasabay noon ay lumapit si Harrison, parang sabik na sabik na makita siya. “Ikaw, kamusta ka?” tanong niya.
“Masaya din ako!” wika ng bata habang ipinapakita ang mga stars na nakadikit sa maliit na kamay nito habang binibilang ang stars. “Tignan mo! Marami akong stars! Diba ang galing ko?!”
Natawa siya at hindi napigilang pisilin ang pisngi nito. Napasimangot tuloy ang bata kaya mas lalo siyang natawa. “Diba yaya, magaling ako?” nakangusong tanong ni Harrison.
“Opo, ser,” sagot ng yaya.
“Magaling ka naman kahit walang stars,” sagot niya para hindi na humaba pa ang tampo ng bata.
“Bukas, nikukuha ko lahat ng stars!” excited at determined na sabi ni Harrison.
“Kunin mo lahat para proud ang mga magulang mo sa’yo,” sagot niya habang inaayos ang eco bag.
“Oo! Ano ba yan, ate?” tanong ni Harrison, nakatitig pa rin sa dala niyang pagkain.
“Ah, pagkain. May pagbibigyan ako,” sagot niya.
“Ahh… ate, nigugutom na ako. Ako din,” lambing na sabi ng bata, halos nagmamakaawa ang tono.
“Ser, mamaya na. Hihintayin muna natin si daddy mo,” suway ng yaya sa alaga.
“Pero nigugutom na ako yaya. Please, kain na po ako,” nakangusong pakiusap ni Harrison, at halata sa mata nitong parang anytime ay iiyak na.
Parang may kumalabit sa puso niya. Bata lang ito. At gutom. Napatingin siya sa dala niya. Good for two ang pagkain. Kung hahatian niya, may matitira pa rin naman.
“Nagugutom ka na talaga?” tanong niya. “Sige, bibigyan na lang kita. Madami naman ‘tong dala ko.”
“Naku, ma’am, okay lang po talaga. Hihintayin na lang namin ang daddy niya,” nahihiyang sabi ng yaya.
Napatingin siya kay Harrison na halos nanginginig ang labi. Nagmumukha itong kawawang-kawawa habang nakatingin sa pagkain. “Nagugutom na ang bata. Saka hindi niya pa naiintindihan ang paghihintay,” mahina niyang sabi.
Binuksan na niya ang eco bag at nilabas ang pagkain. Kanin at sinigang lang ang kinuha niya, iyon din kasi ang pinaka-safe kainin ng bata. Half portion lang ang binigay niya para may matira.
“Thank you talaga, ma’am,” sabi ng yaya. “Medyo spoiled kasi itong bata kaya kung ano ang maisip ay iyon ang gusto.”
“Bata pa siya kaya magbabago pa ’yan. Kailangan lang ng kalinga at pagmamahal,” sagot niya bago iniabot ang pagkain.
Pero bago pa maabot ng yaya, pinigilan ito ni Harrison. “Bakit?” tanong niya.
“Nigusto ko… ikaw mag-subo sa akin,” nakangusong sabi ng bata.
Napakamot siya ng batok, napangiti ng kaunti. “Sige, pero kapag available na ang hinihintay ko, si yaya naman ang magsusubo, okay?” malambing niyang sagot.
“Opo!” mabilis nitong tugon. Excited na makakain.
Sinimulan niya itong pakainin. Halatang gutom ang bata dahil mabilis itong ngumunguya at masayang-masaya. Para bang world-class chef ang nagluto ng sinigang na iyon.
“Nigusto ko pa,” sabi nito nang maubos ang unang portion.
Nag-alangan siya sandali. Naisip niya, si Greyson na lang ang pakakainin niya. Sa bahay na lang siya kakain mamaya. Mas importante na hindi gutom ang bata. Madalas na naglalaro ang mga bata kaya matutunaw din ang kinain.
“Ser, tama na—kakain naman kayo ni daddy mo, diba?” nag-aalala na sabi ng yaya.
“Nigusto ko pa! Nigugutom pa ako!” naiiyak na sabi ni Harrison na parang anytime ay magwawala.
Napahawak siya sa likod ng bata para kalmahin ito. “Huwag kang umiyak. Magbibigay pa si ate.”
At doon nangyari ang hindi niya inasahan.
“Thank you po!” sabi ng bata sabay hawak sa magkabila niyang pisngi at isang mabilis na halik sa pisngi niya.
Parang natahimik ang buong paligid sa ginawa nito.
Napangiti siya, kahit wala sa oras. May humaplos sa puso niya, parang init na matagal na niyang hindi naramdaman.
“Welcome,” sagot niya, halos bulong.
Habang kumakain ulit si Harrison, napansin niya kung gaano kalakas kumain ang batang ito. “Talagang malakas siyang kumain?” tanong niya.
“Hindi po, ma’am,” sagot ng yaya. “Kapag gusto lang niya ang pagkain.”
“Ahh, baka gusto niya talaga ang sinigang. Try niyo minsan, pakainin niyo siya nito kapag wala siyang gana,” suhestiyon niya.
Nag-uusap pa sila nang biglang bumukas
ang pintuan ng waiting area.
Sabay silang napalingon ng yaya. At doon, nakita na niya si Greyson. Bibigyan na sana niya ito ng ngiti at babatiin, pero biglang naunahan siya.
“Daddy ko!” sigaw ni Harrison at kumaripas ito ng takbo papunta kay Greyson.
“Harrison,” nag-aalalang sabi nya dahil kakain lang ito pero nakaramdam ng gulat at the same time.
“Harrison,” tawag ni Greyson.
Hindi niya alam kung tama ang narinig niya. Tinawag ba siyang daddy ni Harrison?
Hindi. Si Greyson ang tinawag na daddy.
Tatayo sana siya pero natigilan siya nang nakita ang reaksyon ni Greyson. Hindi rin ito makapagsalita.
Hindi dahil tinawag siya pero kundi ng dahil sa kanya. Wala sa plano ni Greyson na magkaharap ang dalawa na ganito kaaga.
Si Harrison.
Ang batang makulit ang batang pinakain niya ayy anak pala ni Greyson.
At pareho silang nagulat sa timing.
Siya, dahil hindi niya inasahan ang tagpong ito. Gusto niya lang dalhan ng pagkain si Greyson pero may bago siyang nalaman tungkol sa lalaki habang si Greyson—dahil hindi nito inaasahan na malalaman niya ito nang ganito kabilis.