Chapter 16

1015 Words
Ang pagkain 3rd Person POV "Ang weird kasi. Dati parang ang layo mo, tapos ngayon... parang ang gaan na ng usapan natin.” “Ang layo ko?” wala sa sariling tanong ni Katherine sa kanyang sarili. Halos hindi na siya nakatulog sa kakaisip sa sinabi ni Greyson sa kanya noong nagpunta sila sa sala. Kinabukasan ay maaga siyang gumiising sa kabila ng kaunting tulog. Balak niyang pabaunan si Greyson para masiguro na makakain ito ng maayos. Bumangon na siya at nag-ayos ng sarili, pagkatapos ay pumunta na siya sa kusina. Hindi katulad kahapon ay wala pa doon ang binata kaya nakahinga siyang siyang ang mauuna ngayon sa kusina. Lumapit siya at napaawang ang labi niya noong may nakita na siyang pagkain sa lamesa. Nagkamali siya dahil tuluyan nga siyang naunahan ni Greyson. Kinuha niya ang note. “Good morning beautiful Katherine, maaga akong umalis ngayon dahil may biglaang meeting. Sorry hindi na kita masasabayan. Later na lang.” Binasa niya ang note at sa huli ay may drawings pang smiley face. Napailing siya, hindi pwede ito. Ang lalaki na ang gumagawa na dapat siya ang gumagawa. Nagtungo siya sa kusina at hindi pinansin ang pagkain. Tumingin siya sa ref at nakita niyang may mga bagong lagay. Agad siyang kumuha ng karne para sa lulutuin niyang sinigang at isda para may ka-partner ang may sabaw.. Mabilis siyang kumilos, kailangan niya ng humabol sa lunch. Maaga pa naman pero kailangan niya rin bumiyahe. Tumingin siya sa mga cabinet at nakahinga siya ng may mga tupperware siyang nakita, bago ang lahat ng iyon kaya medyo natuwa siya. Nang matapos ang lahat at agad niyang kinuha ang cellphone niya. Tinawagan niya ang matandang lalaki, si Vicente. “Hello, good morning Miss Katherine,” ang pagbati ni Vicente sa kanya. “Good morning po. Tanong ko lang po sana kung pwedeng magpahatid sa office ni Greyson?” ang tanong niya. “Aba oo naman, walang problema.” “Thank you po, magbihis lang po ako.” “Alright, nandito lang naman ako sa parking area sakaling kailangan mo.” Napaawang ang labi niya. “Sige po, baba na po ako pagkatapos kong mag-ayos,” sabi niya. “Sige hija.” Binaba niya na ang tawag pagkatapos niyang magpaalam. Agad niyang nilipad ang kwarto niya para makapagbihis ng damit, ang lahat ng tinuro sa kanya kahapon ay in-apply niya. Tumingin siya sa salamin, napangiti siya. Hindi na siya mukhang espasol. Kahapon pala ay napasobra ang powder niya kaya nagmukha siyang espasol! Noong makita niyang maayos na siyang tignan ay agad na siyang pumunta ng kusina. Kinuha niya ang pagkain na niluto niya at pumunta na sa parking lot. Hindi nga siyang binigo ni Vicente nang makita niya ito. Kasama nito ang isang driver na agad kumilos para pagbuksan siya m “Thank you.” “Mabuti na lang at available kayo.” “Nandito lang naman kami para sakaling kailangan mo kami. Dadalhan mo ng pagkain si Sir Greyson sa opisina?” Napatingin si Vicente sa dala niya. “Ahh opo,” nahihiya niyang sabi dahil naisip niyang wala siyang naluto para magbigay sa matanda. “Magandang balita na ginagampanan mo ang tungkulin mo,” nakangiti na sabi nito. “Nasabi po kasi ni Grey na hindi siya nakakain ng lunch, gutom na gutom siya kagabi kaya naisip kong dalhan na lang siya ng pagkain para makakain siya maayos,” ang lintanya niya. “Masipag sa trabaho si Sir Greyson kaya napapabayaan na niya ang kanyang sarili, kaya nag-aalala din si Doña Mercedes para sa kanyang apo,” seryosong sabi ni Vicente. Napatango siya at naiintindihan ang lola ni Greyson, matanda na ito at anumang oras ay pwedeng matapos ang buhay nito kaya malamang na talagang mag-aalala ito sa kanyang apo sa oras na mawala ito. Napabuntong hininga siya sa lungkot. Ilang minuto ang nakalipas ng makarating siya sa isang gusali sa metro manila. Mabuti at kahit paano ay malapit ang tinitirhan nila sa trabaho ng binata. Dahil bago siya sa gusaling iyon ay sinamahan siya ni Vincente sa loob papunta sa opisina ng amo. Dire-diretso lang si Vicente at kapag may nakakakita ay yumuyuko ang mga empleyado. Napapalingon tuloy siya hanggang sa makarating sila sa elevator.. Hindi malaman pero sa mga oras na ito ay nagpapawis ang kamay niya. Kinakabahan ba siya? Napabuntong hininga siya. Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa palapag na kailangan nila. Namangha siya dahil sa laki ng building ay kay Greyson lang ang buong palapag. Sinalubong sila ng isang babae at lalaki. “Good morning Mr. Vicente.”. “Good morning, masaya akong makita kayo ulit. Kamusta ang buhay-buhay?” n “Maayos naman po.” Napatingin sa kanya ang dalawang empleyado. Napansin tuloy iyon ni Vicente kaya agad siyang pinakilala. “Ahh oo nga pala, si Miss Katherine, ang fiance ng boss niyo.” Nakita niyang nagulat ang mga empleyado kaya medyo nahiya siya. “Bagong boss kaya maging mabait kayo sa kanya, nandyan ba si Sir Greyson?” “Ahh nasa loob po pero may mga kausap po siya.” “Ahh ganun ba, sige maghihintay na lang si Miss Katherine sa waiting area, please escort her.” Binalingan naman siya ni Vicente kaya lumingon siya. “Miss Katherine, sila na ang bahala sa'yo, hihintayin na lang kita sa ibaba,” ang sabi. Ngumiti naman siya. “Sige po, salamat.” Nagpaalam na si Vicente at bumalik sa elevator. “Miss Katherine, dito po muna tayo.” Sumunod siya at may isang kwarto itong pinuntahan para doon siya maghintay. Pinagbuksan siya ng lalaki at agad siyang nagpasalamat. Pumasok siya sa loob at sumalubong sa kanya ang napakagandang waiting area. Nagtungo siya sa sofa at may nakita siyang bag na bagpack na oso. Hindi pa siya nagtatagal ay biglang bumukas ang isang pintuan ng kwarto na iyon, ang palikuran. Lumabas ang isang naka-uniform na pang-yaya kasunod ang isang batang lalaki. Nanlaki ang kanyang mga mata noong mamukhaan ang batang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ito iyong batang— nagsalubong ang mga mata nila at katulad niya ay bumakas din ang pagkagulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD