Chapter 15

1081 Words
Nalipasan ng gutom 3rd Person POV “Good afternoon Miss Katherine, kami ang pinadala na tauhan para turuan ka sa mga dapat mong malaman.” Nakangiti sa kanyang harapan ang tatlong babae. Nakaupo siya sa sofa habang nakatayo sa kanyang harapan ang tatlo. “Good afternoon,” pagbati niya. Ito ang unang pagkakataon na feeling niya ay boss siya. “Well, ang una naming ituturo ay tungkol sa sarili mo blah blah blah.” Napakaraming sinasabi ang tatlo lalo na ang babaeng nasa gitna. Nakikinig lang siya at pinipilit na prina-process ang lahat ng sinasabi ng mga ito. Hanggang sa wakas ay natapos na ang lahat. Babalik na lang daw ang mga ito after one week. Kailangan niyang i-apply ang lahat ng tinuturo sa kanya hanggang sa makabalik na ang tatlo. Mabuti na lang talaga at nag-take down notes siya, kung hindi ay baka makalimutan niya ang lahat. Naiwan siyang nakasandal sa sofa hanggang sa nahiga na siya. Ilang minuto siyang nasa ganoong posisyon hanggang sa mahagip ng mga mata niya ang orasan. “Grabe ang bilis ng oras, 6pm na agad. Parang kanina lang ay kagigising ko lang,” bulalas niya. Gusto niya pang humiga pero bumangon pa rin siya para makapag-luto siya ng pagkain. Nag-search siya ng mga pwedeng lutuin sa online, noong makakita na siya ay hinanda na niya ang mga sangkap. Sinigurado niya talaga na masustansya at balanse ang mga niluto niya para sa kanilang pagkain. Nang matapos ang lahat ay wala sa sariling napangiti siya. “Kung ito lang naman ang gagawin ko, ayos na rin,” sabi niya pa. Napatingin siya sa oras at seven-thirty na pala kaya minadali na niya ang paghahain dahil baka ano mang oras ay dumating na si Greyson. At hindi nga siya nagkamali ng malapit nang mag-alas otso. Lumingon siya sa taong pumasok sa kusina nila. “Good evening,” pagbati niya. “Wow, ang sasarap naman nito. Bigla akong nagutom,” namamanghang sabi ni Greyson kahit na hindi pa naman nito natitikman ang lahat. Ngumiti siya. “Kain na tayo?” “Sakto hindi pa ako kumakain, alam mo bang kaninang umaga pa ang last na kain ko?” sabi ng binata. Nanlaki ang mata niya. Isa lang ang ibig sabihin nito, nalipasan si Greyson ng gutom! “Sige tara na at kumain,” sabi niya. Kailangan niya ng magluto ng extra para may maibaon si Greyson. Hindi niya ma-imagine, alam niya ang pakiramdam ng gutom habang nagtatrabaho. Napakahirap niyon dahil nagtatalo ang gutom at pagod. Habang kumakain sila ay panay ang papuri ni Greyson sa mga niluto niya. “Ang galing mo palang magluto, Katherine. Parang mananaba na ako ah,” sabi nito. Habang nagsasandok pa ito ng pagkain. “Thank you,” sabi niya, parang may humaplos namang mainit na kamay sa puso niya. Pagkatapos kumain ay si Greyson na naman ang gustong maghugas ng pinggan. “Naku ako na ang bahala dito, iwan mo na diyan. Magpahinga ka na at pagod ka sa trabaho,” ang sabi niya. “Ako na, ikaw na naman ang nagluto ng pagkain natin. Ako naman.” “Okay lang, next time ka na lang kapag hindi ka na pagod,” sabi niya. Habang pinagsasama niya ang mga plato. “Alright, ganito na lang. Magtulungan na lang tayong maghugas ng pinggan,” ang sabi ni Greyson. Inagaw sa kanya ni Greyson ang mga tapos na niyang ayusin na mga plato. Wala na siyang nagawa at sumunod sa binata. Naalaala niya tuloy kaninang umaga. “Ako ang magsasabon at ikaw ang magbabanlaw,” sabi niya. Hindi na naman umangal ang binata at sinimulan na niyang banlawan ang mga pinggan. Tinulungan naman siya ni Greyson kaya napabilis, nagsabon na siya na agad namang binanlawan. Nakikita niyang basta na lang nito nilalagay sa drainage. Aayusin na lang niya mamaya kapag nakapunta na ito sa kwarto dahil baka ma-offend ito. Hindi naman sa maarte siya, pero may mga paraan kasi siya sa mga gamit sa kusina. Minsan kahit maayos naman sa paningin ng iba, gusto pa rin niyang may sariling ayos. Habang pinagmamasdan niya si Greyson, napansin niyang parang ang gaan lang ng kilos nito. Walang reklamo, walang arte, parang sanay na sa gawaing bahay. “Ang bilis mo rin ah,” sabi niya habang pinupunasan ang mesa. Ngumiti ito. “Sanay na kasi. Kapag mag-isa sa condo, walang ibang gagawa kundi ako.” “Ah, kaya pala,” sagot niya. “Hindi halata.” “Tingin mo ba hindi ako marunong sa ganito?” biro ni Greyson. Napangiti siya. “Hindi naman sa gano’n. Parang hindi lang bagay sa’yo maghugas ng pinggan.” “Bakit? Dahil mukha akong rich kid?” Tumawa siya nang mahina. “Medyo.” Pareho silang natawa. Magaan lang ang usapan pero sa loob niya, parang may kung anong kakaibang saya. Hindi niya alam kung dahil ba may kasama siyang maghugas ng pinggan o dahil kay Greyson mismo. Matapos ang ilang minuto, natapos na rin sila. Tinuyo ni Greyson ang mga kamay niya gamit ang kitchen towel at humarap sa kanya. “Mission accomplished,” sabi nito sabay taas ng dalawang kamay. “Congrats,” sagot niya. “Pwede ka nang mag-apply sa housekeeping.” “Pwede rin. Basta ikaw ang boss ko.” Napairap siya pero hindi napigilan ang ngiti. “Ang corny mo.” “Pero effective,” sabi nito sabay kindat. Hindi na lang siya umimik at naglakad palabas ng kusina. “Sige, magpahinga ka na. Ako na ang bahala dito.” “Hindi ka pa ba matutulog?” tanong ni Greyson habang sumusunod sa kanya. “Later pa. Aayusin ko lang ‘yung notes ko kanina. Ang dami nilang sinasabi kanina, baka makalimutan ko.” “Ah, ‘yung pinadala ng mga tauhan?” Tumango siya. “Oo. Grabe, ang dami kong natutunan. Pero sabay-sabay lahat kaya ang hirap i-process.” “Gano’n talaga sa simula,” sagot ni Greyson. “Basta huwag mong i-pressure sarili mo. Kaya mo ‘yan.” Nagulat siya sa tono nito. May lambing, pero may halong sincerity. “Thanks,” sabi niya, medyo mahina. Umupo siya sa sofa at binuksan ang notebook. Si Greyson naman ay umupo sa kabilang dulo, tahimik lang at nakatingin sa kanya. Napansin niya iyon kaya agad siyang nagsalita. “Bakit ganyan ka makatingin?” “Wala. Iniisip ko lang—” “Iniisip mong ano?” “Ang weird kasi. Dati parang ang layo mo, tapos ngayon… parang ang gaan na ng usapan natin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD