Chapter 14

1096 Words
Almusal 3rd Person POV Pagmulat ng mata ni Katherine kinabukasan, ilang segundo muna siyang natulala. Para bang hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari—na ibang-iba na ang mundong ginagalawan niya ngayon. Dahan-dahan siyang bumangon at sinuklay ang buhok niyang medyo magulo. “Lord, please help me,” mahina niyang sambit habang pinipikit ang mga mata. Hindi pa rin niya lubos na ma-process ang lahat. Parang panaginip lang ang lahat ng nangyari. Tumayo na lang siya at dumiretso sa banyo para maligo. Pagpasok pa lang niya roon ay halos mapanganga siya. Ang ganda ng banyo—maliwanag, malinis, at amoy mamahalin. Hindi niya akalain na magkakaroon siya ng ganitong klaseng paliguan. Medyo nagtagal siya sa loob dahil aliw na aliw siya sa mga gamit. Ang bango ng sabon, may mga shampoo at lotion pa na hindi niya alam ang brand. Pagkatapos maligo, sinuot niya ang puting bathrobe na napakalambot. Nakangiti siyang lumabas ng banyo at pumasok sa katabing kwarto—ang walk-in closet. “Wow…” pabulong na sabi niya. Puno ng mamahaling damit ang paligid, at karamihan ay may tag price pa! Natawa siya nang maalalang parang pambahay lang pala ang mga damit na dala niya. “Wala palang sinabi ang mga damit ko sa mga ‘to,” sabi niya sa sarili. Namili siya ng isusuot at napili ang isang simpleng dress. Umikot-ikot pa siya sa harap ng salamin, aliw na aliw sa sarili. “Grabe, kakaiba talaga ang buhay mayaman,” aniya habang ngiting-ngiti. Pumasok ulit siya sa banyo, kinuha ang blower, at inayos ang buhok. Ginaya lang niya kung paano mag-ayos ang mga napapanood niya sa social media. Pagkatapos, naglagay siya ng face powder at ngumiti sa salamin. “Okay!” masigla niyang sabi. Nang makuntento sa ayos, lumabas na siya ng kwarto at dumiretso sa kusina. Balak niyang magluto ng almusal, pero natigilan siya nang makita kung sino ang naroon. Si Greyson. Noong maramdaman nito ang presensya niya ay lumingon ito sa kanya. Nalaglag bigla ang tong na hawak nito at napa-ubo bigla, may ilang nalaglag pang nginunguya na hotdog sa bibig nito. “G-good morning,” sabi ni Greyson. “Good morning,” nahihiyang sabi niya. Pinanood niyang inabot nito ang cellphone nito at biglang nagtungo papunta sa kwarto nito. Napakamot na lang siya sa ulo niya at feeling niya ay ang pangit niya today! Lumapit siya sa kusina at tiningnan ang niluto ng lalaki. Patay na ang kalan at may nalutong hotdog, ham, at itlog. Binuksan niya ang ref at may nakita siyang mga gulay. Kinuha niya iyon para ipanghalo sa kanin. Tahimik siyang naghiwa ng mga sangkap at hinalo iyon sa bagong saing na kanin. Pagkatapos magluto ng fried rice, inayos niya ang mesa, nag-brew ng kape, at nagpainit ng gatas. Nang maayos na ang lahat, nagpunta siya sa kwarto ng binata. “Ehem.” Sinigurado niyang clear ang voice niya at naglakas loob na kumatok kahit na nangunguna ang hiya sa kanya. “Greyson? Greyson?” Ilang ulit niyang tinawag ang pangalan ng lalaki. “Nakahanda na ang pagkain,” pagpapatuloy niya. Hindi naman nagtagal ay nagbukas na ang pintuan. “Nakahain na ang pagkain,” sabi niya. Tumango lang si Greyson, kaya agad siyang tumalikod. Medyo nahihiya pa rin siya dahil parang nagkakapaan pa sila. Habang papunta sa mesa, bigla siyang nauna nitong unahan. Laking gulat niya nang hilahin ni Greyson ang upuan para sa kanya. “Thank you,” sabi niya, halatang nahiya. “Welcome.” Sagot naman nito sabay ngiti. Napangiti rin siya. Ang bait talaga ng lalaki. Para bang siya pa ang inaalagaan, gayong siya dapat ang nag-aalaga rito! Habang kumakain sila, biglang nagsalita si Greyson. “Later may darating na mga babae dito.” Napaangat ng tingin si Katherine. Medyo iniiwasan ng binata ang kanyang paningin. Gusto sana niyang ngumiti pero pinigilan niya ang sarili. “Sige lang, mga bisita mo ba sila?” tanong niya. Umiling ito. “No, pupunta sila dito for you.” Napatigil siya sa sinabi ng lalaki, tumabingi ang ulo niya sa pagtataka. “For me?” tanong niya, kita sa mukha ang pagtataka. “Tuturuan ka nila sa lahat ng bagay na kailangan mo,” sagot ni Greyson. Tumango-tango na lang siya kahit hindi pa sigurado kung ano ang ibig sabihin nun. Siguro mga tutor o estilista—parang sa mga napapanood niyang mayayaman na kailangan matutong bumabagay sa mundo ng mga mayayaman. Pagkatapos kumain, tumulong siya sa pagligpit ng mga pinggan. Pero si Greyson na mismo ang naghugas. “Ako na,” sabi niya, pero tinanggihan siya nito. Hindi na niya ito napigilan noong pumwesto na ito sa lababo kaya ang lamesa na lang ang inaayos niya. Nagwalis din siya ng kaunti dahil hindi maiiwasan na may malalaglag na pagkain sa sahig. “May trabaho ka ba ngayon?” tanong niya habang nagliligpit. “Yeah, pero sandali lang ako. May pupuntahan pa ako pagkatapos,” sagot ng binata. Tumango siya. “Okay. May susuotin ka na ba? Ako na magpa-plancha,” alok niya. “No, it’s okay. Naka-plancha na ang mga damit ko for one week,” sabi ni Greyson. “Ah, ganun ba,” tugon niya. Ilang sandali pa, nagpaalam na si Greyson para magbihis. Naiwan siya sa kusina at napansin niyang medyo magulo ang paghuhugas ng pinggan ng lalaki. Kaya inulit na lang niya lahat ng iyon, pinunasan, at inaayos ng maayos. Habang abala siya, bigla niyang naamoy ang parang nasusunog. Nataranta siya at agad na hinanap kung saan galing. Sinuri niya ang kalan, mga saksakan, at appliances, pero wala naman. Hanggang sa mapansin niyang nakabukas ang pinto ng kwarto ni Greyson. Mas lumakas pa ang amoy mula doon. “Greyson?” tawag niya, sabay pasok kahit alam niyang bawal pumasok ng walang paalam. Pero nag-aalala siya. Pagpasok niya, napanganga siya sa nakita. Si Greyson, nakatayo sa harap ng plantsa—at sunog na sunog na ang pinaplantsa nitong corporate attire! “Greyson!” halos mapasigaw siya. Agad niya itong nilapitan at pinatay ang plantsa. Napakamot ng ulo ang binata, halatang nahihiya. “I—I don't know,” mahina nitong sabi. Hindi na napigilan ni Katherine ang mapatawa. “Buti na lang hindi ikaw ang nasunog!” sabi niya, natatawa habang inaalis ang nasunog na damit. Napangiti rin si Greyson, bahagyang namumula. “Guess I’m not good at ironing.” Ngumiti si Katherine. “Okay lang. Next time ako na ang magpa-plancha.” Pareho silang natawa, at kahit sandali lang, parang nawala ang ilangan nila. Sa gitna ng amoy ng sunog na tela, doon nagsimula ang konting ginhawa sa pagitan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD