Chapter 7

1087 Words
Isang linggong pahinga 3rd Person POV Nagsalita si Doña Mercedes at tumingin sa lalaking naghatid sa kanya. “Please escort Miss Katherine.” Napayuko si Katherine habang pinagmamasdan ang nanginginig niyang kamay. Hindi na niya namalayan na lumalabas na pala sila ng silid. Naghalo-halo ang takot at pagkalito sa kanyang sistema. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin o kung saan siya dadalhin ng mga pangyayaring iyo. “Pumasok ka na, hija. Mamahinga ka muna sa loob at ikalma mo ang sarili mo. Huwag kang mag-alala, mabait naman si Doña Mercedes,” wika ng matandang lalaki na may mahinahong ngiti. Hindi siya sumagot. Tahimik siyang pumasok sa sasakyan, hawak-hawak ang bag na parang iyon na lang ang natitirang kapanatagan sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi niya maaninag ang kabaitan na sinasabi ng matanda tungkol kay Doña Mercedes. Yumakap siya sa kanyang bag at ipinatong doon ang baba niya. Nang umandar ang sasakyan, automatiko niyang binuksan ang bintana. Napatingin sa kanya ang nagmamaneho, ngunit hinayaan lang siya nito. Dinama niya ang preskong hangin. Wala pa sila sa lungsod kaya sariwa pa ang simoy ng hangin — amoy d**o, amoy kalayaan. Ito ang sandaling masarap magnilay-nilay. Ano ba ang desisyon ko? tanong niya sa isip. Paano kung pumayag ako? Pero paano naman ang buhay ko sa hinaharap? Napapikit siya ng mariin. Naiimagine niya ang mga napanood niyang drama kung saan grabe ang dinaranas ng mga bidang babae sa kamay ng mga kontrabida. Sana ay may happy ending din siya — pero alam niyang bihira iyon sa totoong buhay. “Ang iba nga diyan, matagal nang magkakilala pero nauuwi rin sa hiwalayan. Eh ako pa kaya, sa lalaking hindi ko man lang kilala?” bulong niya habang napabuntong-hininga. Sumandal siya at hinayaan ang isip na gumala kung saan-saan, naglalaro sa mga “paano kung” ng kanyang isipan. Bahala na kung may makakita sa pagbabago ng ekspresyon niya habang may iniimagine siyang kung anu-ano. Hanggang sa sa wakas ay naramdaman na niyang huminto na ang sasakyan. Nagising siya nang maramdaman ang mahinang yugyog sa kanyang balikat. “Magandang hapon, hija,” bati ng matandang lalaki. “Napagod ka ba sa biyahe? Nandito na tayo sa inuupahan mo.” Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at umayos ng upo. “Thank you po.” Ngumiti ang matanda. “Magpahinga ka muna. Isang linggo kang excuse sa trabaho. Huwag kang mag-alala, si Doña Mercedes na ang bahala.” Para bang good news iyon para riro, ngunit kabaligtaran ang naramdaman ni Katherine. “Ano po? Hindi po pwede. Hindi naman po ako mayaman para tumambay lang nang walang trabaho—” “Hija, kalma lang,” putol ng lalaki, sabay abot ng isang card. “Ito. Dito mo kunin ang lahat ng pangangailangan mo. Mula ngayon, parte ka na ng pamilya.” Nanlaki ang mata ni Katherine. “P-po? Hindi pa po ako pumayag!” Bumaba siya agad ng kotse at hinarap ang lalaki. “Tanggapin mo na, hija. Ito ang paraan ni Doña Mercedes para mag-sorry sa abalang naidulot sa’yo. Saka alam naming nangangailangan din ang pamilya mo. Dito mo na rin kunin ang panggastos mo — walang limit.” “Hindi po pwede. Papasok po ako bukas, that’s final.” Matigas ang sagot bago siya naglakad palayo. Pagdating sa inuupahan ay sinalubong siya ng landlady. “Oh, hindi ka umuwi kagabi?” “Ah, opo. May biglang emergency po kasi,” sagot niya na pilit ang ngiti. “Ay naku, kawawa ka naman. Sige na, magpahinga ka. Wala ka bang trabaho ngayon?” Umiling siya. “Wala po. Aakyat na po ako.” Tumango ang landlady at umakyat na siya. Pagpasok sa silid, pakiramdam niya tinatawag na siya ng kama niya. Wala naman siyang ginawa buong biyahe kundi umupo, pero pakiramdam niya ay nilamon siya ng pagod. Mabilis siyang nag-ayos at humiga, hanggang sa tuluyang makatulog. Kinabukasan, maaga siyang nagbihis at nagpasya pa ring pumasok sa trabaho — kahit na sinabi ng matandang lalaki na huwag muna . Pagdating niya sa harapan ng café, natigilan siya. Malinaw na nakasabit sa pinto ang karatulang “CLOSED.” Hindi niya maipinta ang mukha niya. “Ano bang buhay ‘to?” reklamo niya sabay hilamos sa mukha. Humarap siya para umalis, ngunit muntik na siyang napasigaw ng makita ang parehong matandang lalaki na nakatayo sa harapan niya. “Ay, naku po! Lolo, nakakagulat naman kayo!” hawak niya ang dibdib sa kaba. Ngumiti lang ang matanda. “Pasensya na kung nagulat kita. Kamusta ang tulog mo? Komportable ba? Kung gusto mo, pwede kitang ilipat ng mas magandang tirahan. Ikaw ay parte na ng pamilya, kaya kahit ano ay pwede mong hilingin.” Nakasimangot siya. “Hindi pa rin po ang sagot. Umuwi na po kayo, mapapagod lang kayo.” Sabi niya at nag-walkout siya. Sa halip na bumalik sa tirahan, naglakad-lakad siya kung saan-saan. Iniisip niya kung saan siya pwedeng mag-raket, dahil mukhang hindi talaga siya makakabalik sa trabaho ngayong linggo. Hindi siya pwedeng tumengga — marami siyang kailangan bayaran. Nang mapagod, naupo siya sa isang parke. Malungkot siyang pumalumbaba. “Kailan ba magiging maayos ang buhay ko?” mahina niyang bulong sa sarili. Hindi niya napansin na may umupo ng bata sa tabi niya. Wala naman ang pangalan niya doon para mag-sungit siya sa bagay na hindi naman kanya. “Ate, malungkot ikaw?” tanong ng isang maliit na boses. Napalingon siya. Isang batang lalaki, inosenteng nakatingin sa kanya. “May bata?” bulong ni Katherine, gulat ngunit naaliw. “Bakit ka malungkot?” tanong muli ng bata, sabay tagilid ng ulo. Ngumiti si Katherine. “Wala lang. Wala kasi akong trabaho ngayong isang linggo,” sagot niya habang nakanguso. “Trabaho?” tanong ng bata, halatang nagtataka. “Oo, trabaho. Kailangan ko ‘yun para may pera ako.” Tumingin siya sa unahan at muling nangalumbaba. “Pera?” tanong ulit ng bata habang nagkakalkal ng kung ano sa maliit nitong bag na may disenyo ng oso. “Ilang taon ka na at bakit mag-isa ka lang?” tanong ni Katherine. “Five!” masiglang sagot nito. Habang busy pa rin sa paghahalukay sa bag, bigla nitong hinawakan ang kamay ni Katherine. “Ate, wag na ikaw malungkot. Masakit sa heart kapag may girl na malungkot.” Nagulat siya nang buksan ng bata ang kanyang kamay at ilagay doon ang ilang papel ng pera. At hindi lang basta pera — puro kulay dilaw na may tatlong tao. Nanlaki ang mga mata ni Katherine. Hindi siya makapaniwala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD