Chapter 6

1019 Words
Ang banta 3rd Person POV Tahimik na pumasok sa loob si Katherine. Hindi pa rin siya makapaniwala—parang panaginip lang ang lahat. Ang kisame ay gawa sa mamahaling kristal, ang bawat sulok ng kwarto ay puno ng mga antique furniture at paintings na halatang milyon ang halaga. Nanginginig ang tuhod niya habang naglalakad papasok. Hindi niya alam kung anong klaseng tao ang gustong makausap siya sa ganitong oras ng umaga. Hanggang sa bumukas ang isang pinto sa dulo ng silid at lumabas ang isang matandang babae na naka-eleganteng damit. Ang kulay abo nitong buhok ay maayos na nakaayos, at ang bawat galaw ay may awtoridad. “Good morning, Doña Mercedes.” Hindi niya namalayan ang pagsunod ng kasama niya kanina. Bahagya itong yumuko bilang paggalang. Tumango lang ang ginang at saka lumingon kay Katherine. Tila sinusuri siya mula ulo hanggang paa. “So, ikaw pala ang babaeng iyon. Well, welcome sa aming tahanan." Ngumiti ang labi ng ginang. "Ahh good morning po." Ginaya niya ang ginawa ng lalaki, at narinig niya ang mahinang pagtawa ng kaharap nila. "Hindi mo na kailangan pang gawin 'yan hija. please take a seat." Umupo naman siya sa tapat ng matanda, pilit pinipigilan ang kaba. Tahimik lang ang ginang habang nakatingin sa kanya, para bang may binabasa sa pagkatao niya. Hanggang sa sa wakas ay nagsalita rin ito. “Alam mo ba kung bakit kita ipinasundo?” tanong nito sa nakangiti ngunit may mapanganib na tinig. Umiling siya. “Hindi po, ma’am.” Napasandal si Mercedes at nagkrus ng mga kamay. “Simple lang. Gusto kong magkausap tayo tungkol sa apo ko.” Napakunot ang noo ni Katherine. Apo? “Ang pangalan niya ay Greyson,” patuloy ng matanda. “O mas kilala bilang Grey. Alam kong nagtagpo na kayo.” Halos manlumo siya. Sino? Nag-isip siya ng malalim at isang senario lang ang pumasok sa isip niya. Nag-panic ang sistema niya at agad na nagsalita. “Ma’am, kung tungkol po ‘yon sa nangyari sa café—” Itinaas ng matanda ang kamay. “I know. Alam ko ang nangyari. At alam ko ring hindi mo kasalanan. kaya may isang bagay akong napagpasiyahan." Hindi niya alam pero bakit para atang kinabahan siya? “Po?” Tumayo si Mercedes at lumapit sa kanya, hinawakan nito ang baba niya at pinatingala siya. Doon niya nakita ang kagandahan ng ginang kahit na may edad na. “Gusto kong pakasalan mo ang apo ko.” Parang nahulog sa bangin ang pakiramdam ni Katherine. “P-po?!” halos pasigaw niyang sagot. “Ma’am, hindi ko po maintindihan. Hindi ko nga po siya kilala!” Binawi niya ang kanyang mukha, at pinilit na umatras papalayo, pero nakaupo pala siya kaya naging useless din. “Mas makikilala mo siya sa oras na magsama kayo,” nakangiti na tugon ni Mercedes pero nakakatakot. “Hindi ko alam kung ano ang nakita ng aking apo at ginawa niya ang bagay na 'yon. Isa lang ang sigurado ako, ikaw ang napili kong maging asawa niya. Ang papalit sa aking posisyon.” “N–napili?” halos hindi makapaniwalang ulit ni Katherine. “Ma’am, pasensiya na po, pero hindi ako pumapayag. Hindi ko po kayang pakasalan ang taong hindi ko mahal. Hindi po ako gano’ng klaseng babae.” Ngumiti si Mercedes, ngunit iyon ay ngiting may halong lamig at banta. “Hija, alam kong matalino ka. Pero huwag mong kalimutan na ang buhay ay hindi lang puro gusto natin. Minsan, kailangan nating pumayag sa bagay na makakabuti sa atin.” Hindi kumibo si Katherine. Naramdaman niyang pinagpapawisan ang mga palad niya. “Narito ako para tulungan ka,” patuloy ni Mercedes. Naglakad ito papalayo kaya sinundan ng mga mata niya ang likuran ng ginang. “Kailangan ko pumili ng kapalit dahil hindi na naman ako bumabata.” Tahimik si Katherine, pero alam niyang may ibig sabihin iyon. “Ako ang tutulong sa’yo, pero syempre kapalit ng tulong mo,” malumanay ngunit mabigat ang boses ni Mercedes. “Bibiyayaan kita ng seguridad sa trabaho, malaking halaga, at kahit ang pag-aaral ng kapatid mo—ako ang bahala. Basta’t pumayag kang pakasalan si Grey at alagaan siya.” Namilog ang mga mata ni Katherine. “Hindi po ako mabibili, Ma’am. Hindi ko po kailangan ng pera ninyo.” Hindi niya alam pero bakit parang nagpapaalam na ang ginang? Napangisi ang matanda. “Sigurado ka ba diyan, hija? Sa laki ng problema ninyong pamilya, sa kapatid mong nag-aaral sa magandang school even na mahirap lang kayo? Sa nanay mong may sakit? Sa tatay mong walang trabaho?” Napalunok si Katherine. Paano nito nalaman ang lahat ng iyon? “Wala kang dapat ikahiya. Ang kailangan mo lang gawin ay pumayag.” Lumapit pa si Mercedes, halos magkadikit na ang kanilang mukha. “Isang kasunduan lang ito. Pakasalan mo siya, alagaan mo siya, at kapalit no’n ay ang buhay na hindi mo kailanman pinangarap.” Tumayo si Katherine, nanginginig. “Hindi ko po kaya. Hindi po ako laruan.” Nagsimulang tumigas ang mukha ni Mercedes. “Kung iyan ang gusto mo,” mariin nitong sabi. “Pero tandaan mo ito, Katherine—isang salita ko lang, mawawala ka sa trabahong ‘yan. At hindi lang ‘yan, pati pangalan mo ay sisirain ko. Walang kumpanyang tatanggap sa babaeng nasangkot sa iskandalo ng apo ko.” Nanginig si Katherine. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o tatakbo palabas. “You think you have a choice?” malumanay ngunit nakakatindig-balahibong sabi ni Mercedes. “You don’t, hija. Ang mundo ay para sa mga taong may sinasabi sa buhay. Isa lang naman ang hinihingi ko—magpakasal ka kay Grey. Sa tingin mo, mahirap bang gawin ‘yon kapalit ng lahat ng tulong na ibibigay ko?” Napatingin si Katherine sa baba, nagpipigil ng luha. Sa isip niya, Paano kung totoo ang banta niya? Paano kung mawala ang lahat sa akin dahil dito? Tahimik lang si Mercedes habang pinagmamasdan siya. “Pag-isipan mo ang offer na ito, pero tandaan mo, hindi ako marunong maghintay.” Nakakabahala ang sinabi ng matanda kaya nanginig siya sa kanyang kinauupuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD