Chapter 5

1163 Words
The Mansion 3rd Person POV "Are you okay? Kaya mo pa bang magtrabaho?" seryosong tanong ng lalaki na boss niya sa kanya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa bangko na siyang kaharap ng office table nito. Kinagat ng dalaga ang sariling pang-ibabang labi at tumango ang ulo. Wala na nga pala ang lalaking basta na lamang humalik sa birhen niyang labi, pinalabas na iyon sa cafe at inakusahang nanggugulo sa nasabing cafe. Pero hindi niya maintindihan ang sarili, sariwa pa rin sa kanya ang nangyari kanina sa kanya kanina. Dapat na makaramdam siya ng galit sa lalaki sa ginawa nito! At dapat siyang manghinayang dahil nawala lang naman ang una niyang halik na marapat niya lang ipreserba sa kanyang mapapangasawa! Pero hindi niya talaga maintindihan ang sarili dahil imbis na manghinayang ay paulit-ulit niyang inaalala ang nangyari. Isa na rin ba siya sa mga dalagang mas mahalaga ang panlabas na anyo?! Dahil tila napigtal ang hininga niya noong makita niya ang gwapo nitong mukha na nakangisi at madilim na nakatingin sa kanya. "Are you sure? Parang nanghihina at namumutla ka." Nakakunot ang noo at naniningkit ang mata nito sa kanya. Napayuko siya at umiling. Nakakahiya talaga siya! Hindi niya pwedeng sabihin na ang lalaki ang may gawa niyon kung bakit siya nagkakaganito. "Maayos lang po talaga ako sir, kaya ko pong magtrabaho, hindi naman po ako nasaktan or napano, saka nakakahiya po sa inyo. Bago lang po ako pero nakagawa na agad ako ng gulo," nahihiyang sabi ni Katherine. “Hindi mo kasalanan na hinalikan ka ng lalaking iyon, hindi tama ‘yon lalo na at may kapatid din akong babae tulad mo. Ayokong mangyari sa kapatid ko ang nangyari kanina, baka nakapatay ako at mawalan ng kapatid ang kapatid ko. Kaya hangga't maaari ay gusto ko din kayong protektahan dahil responsibilidad ko kayo bilang boss niyo,” seryosong sabi ng amo niyang lalaki. Napangiti siya at natunaw ang puso niya, napakaswerte naman pala ng kapatid nito, may protective brother ito. Hindi na siya magtataka kung mahihirapan ding makapag-asawa ang kapatid nitong babae. Gusto niyang tumawa pero hindi ito tulad ng babaeng boss niya na kayang sakyan ang kalokohan niya. “Oh sige, ikaw ang bahala pero kapag naulit ang nangyari ay hindi ko na ito-tolerate ang ganon, saka hindi naman din mababawasan ang sahod mo kahit na umuwi ka ngayon,” malamig na sabi nito. Umiling siya, nahihiya siya dahil kaibigan ito ng boss niya, sinabi pa naman nitong ayaw nitong mapahiya sa kaibigan. Mukhang malilintikan siya kapag nakarating ito sa boss niya. Bumalik na siya sa trabaho, mababait ang mga ka-trabaho niya dahil hindi man lang ito nag-chismisan tungkol sa nangyari kanina. Malamang kung sa pang-umaga niyang trabaho nangyari iyon ay sasabihan pa siyang malandi ng mga iyon. Saka seryoso din ang lahat sa pagtatrabaho gaya ng boss nila sa itaas na halos hindi na ata makangiti. Mga lagpas ala-una na siya natapos sa trabaho dahil kasama siya sa mga panghuling uuwi. Kailangan nilang maglinis ng cafe at isara iyon. Lupaypay ang katawan niya ng naglalakad sa sakayan ng jeep pero nagulat siya noong may humintong kotse sa harapan niya. Napahinto siya sa paglalakad at nakaramdam agad siya ng takot para sa kanyang sarili kaya nagising bigla ang inaantok niyang diwa. “Wala kang makikitang jeep sa ganitong oras hija,” nakangiting sabi ng matanda na lumabas mula sa mamahaling kotse. “A-ano po ang kailangan mo?” kinakabahan niyang tanong. Awtomatikong niyakap niya ang sarili na akala mong kaya niyang protektahan siya sa ganoong paraan. “Huwag kang mag-alala, gusto ko lang makipag-usap sa iyo. Sumakay ka muna at magkape muna tayo sa malapit, mukhang pagod ka,” sambit na sabi ng matanda. Napakalambing niyon at akala mong hindi makakagawa ng masama, hindi niya alam kung anong mahika ang ibinigay sa kanya ng matanda dahil namalayan na lamang niyang kusa na siyang sumama dito. Ang kaninang sinabi nitong malapit ay hindi totoo dahil mag-uumaga na ay nasa byahe pa rin sila, nakatulog na nga siya’t lahat ay nasa biyahe pa rin sila! “Saan po ba talaga tayo pupunta?” Nagkamali siyang sumama sa matanda. Alas sais na ng umaga at dapat ay nag-aayos na siya para sa pagpasok sa pang-umaga niyang trabaho. Malamang na masesermunan na naman siya ng boss niya pero nagtext na naman siya kaso hindi niya alam ang reaksyon nito kapag nabasa nito iyon, tiyak na magagalit ito dahil may kasalanan pa siyang ginawa. “Huwag kang mainip at mag-alala, wala akong gagawin na makakasama sayo.” Kampante na nakaupo ang matanda sa kanyang tabi. “Pero, may trabaho pa po ako.” Giit niya sa matanda. Lumingon ito sa kanya. “Ako na ang bahala sa amo mo. Huwag kang mag-alala.” Ang matanda habang nakangiti. Napaisip tuloy siya kung paborito ba nito ang salitang huwag mag-alala Napabuntong hininga siya at tumingin siya sa cellphone niya. Wala na iyong charge pagkatapos niyang magpadala ng isang mensahe. Kaya nahihirapan tuloy siya kung paniniwalaan niya ang matanda na ayos lang ang lahat! Paano na kung niraratrat na pala siya?! Ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon na may mabait na boss! Lalo na at palagi pa siyang nakakagawa ng gulo sa trabaho dahil sa mga pasaway na customer. Napatingin siyang muli sa bintana at napaayos siya ng upo nang makita niyang wala na siyang bahay na makita at puro puno na lamang ang nadadaanan nila. Isang oras pa ang nakalipas ng huminto sila at ganun na lamang ang manghang lumatag sa mga mata niya noong makita niya kung gaano kalaki na bahay ang nasa harapan nila ngayon. “Nasaan tayo?” manghang tanong niya. “Nasa bahay tayo ng isang mayamang tao,” sabi nito. Sumimangot siya. “Obvious naman po, saka matatawag pa ba itong bahay? Sa laki po nito ay matatawag na itong palasyo!” bulalas niya. Natawa ang matanda ngunit hindi niya ito pinansin. “Oh tara na? May isang taong naghihintay sayo, huwag na natin siyang pag-hintayin,” nakangiting sabi nito. Magtatanong pa sana siya noong bumaba na ito sa kotse, napailing siya at bumaba na noong may magbukas niyon para sa kanya. Hindi niya talaga alam kung bakit siya nandito, naguguluhan siya. Sinong taong gustong makausap siya kung sing laki ng palasyo ito nakatira, wala naman siyang naalalang may kilala siyang ganito kayaman. Sinabayan niya sa paglalakad ang matanda at nakarating sila sa isang napakalaking pinto. "Sino pa po ba ang naghihintay sa akin?" Walang sagot kaya napakagat siya ng labi at napasimangot ang mukha sa sama ng loob. Napapagod na siya, hindi pa siya nakapag pahinga! Nagising siya mula sa malalim na pag-iisip ng bigla itong huminto at humarap sa kanya. Napaatras siya sa gulat. "Nandito na tayo," sabi nito. Nilibot niya ang paningin niya at namangha siya noong makakita na naman ng isang malaking pinto sa kanyang harapan, mukha iyong ginto kaya nagningning ang mga mata niya. Para siyang nasa palasyo! "Pumasok ka na, nasa loob ang naghihintay sayo," sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD