Chapter 4

1196 Words
Ang halik 3rd Person POV "Napakabait mo talaga boss, sige po mauna na po ako. Pagpalain po sana kayo ng Diyos," masayang sabi niya. Pinalayas na siya ng boss niya kaya umalis na siya. At tulad ng sabi nito sa kaniya ay nagpahinga lang siya at kumain para may energy siya mamaya dahil mapupuyat siya ngayon. Hinintay niya ang message ng boss niya habang naghahanda siya sa susunod niyang trabaho. Sinigurado niya ring nakapagpahinga siya ng maayos. Hindi siya nabigo noong nakatanggap siya ng message mula sa babaeng boss, medyo malayo sa place niya ang lugar na tinutuluyan niya pero kung ang pagod lang ang pwedeng paraan upang makalimot ay gagawin niya. Sinuot na niya ang doll shoes niya at isang maliit na body bag na naglalaman ng cellphone, isang ID at kaunting pera, sakto lang para makakain at may pamasahe siya. Sa pagbaba niya ay namataan niya ang landlady nila. “Oh aalis ka ulit? Hindi ba at kararating mo lang ah?” tanong nito. “Opo, may part-time po kasi ako,” sabi niya. “Aba ang sipag mo naman, hindi kaya bumigay na ang katawan mo niyan?” tila nag-aalalang tanong nito. Ngumisi siya at piniling ang ulo. “Kaya pa po, kailangan po e,” sabi niya. “Napakaswerte ng magulang mo sayo hija, oh heto. Paracetamol dahil baka magkasakit ka, libre na ito. Huwag mo nang bayaran, kumain ka na ba?” tanong ng ginang. “Opo, maraming salamat po sa gamot.” Hindi na siya tumanggi dahil kahit hindi niya indahin ay masakit ang katawan niya. “Sige pero talagang pagpasensyahan na lang tayo, may curfew.” Ngumiti siya at tumango. Kailangan niyang sumunod sa patakaran, hindi naman siya espesyal para i-except siya. Nagpaalam na siya sa landlady at sumakay sa jeep. Halos isang oras ang itinagal ng byahe, hindi naman siya nainip dahil nakadungaw naman siya sa bintana ng jeep. Bumaba siya at tinatanaw ang kanyang boss na nakikipag-usap sa cellphone habang nakasandal sa kotse nito. Lumapit siya dito at nang makita siya ay sumenyas lang ito ng sandali at nakipag-usap ulit sa kausap. Maya-maya lang ay natapos ang boss niya at inilagay ang cellphone sa mamahalin nitong bag. “Nakakain ka na ba?” tanong nito at tumango lang siya. “Good, tara na sa loob. Nandiyan na ang kaibigan ko.” Naglakad ito at sumunod siya papasok. Abala ang lahat dahil maraming customer. Mukhang mababanat siya ng husto ngayong gabi. Nagdire-diretso sila sa second floor ng cafe na siyang kinaroroonan ng office ng Boss ng may-ari. “Ross.” Kinuha ng boss niya ang lalaking nakaharap sa computer. Tumingin sa kanila sandali ang lalaki at binalik din ang sarili sa computer. Pero pinatay din ito iyon bago nito linisin ang salamin. Mas lalo tuloy nilang nakita ang kagwapuhan ng lalaki. Mas gwapo kapag walang salamin, napakagat siya ng labi at sinuway ang kanyang sarili. “Siya na ba ‘yon?” malamig na tanong ng lalaki. “Oo, natanggap mo na ba ang copy ng resume niya?” tanong naman ng boss niya. Masyadong matipid ang lalaki at tumango. “Yeah, pasado siya. Kulang talaga ako sa tao ngayon at isa pa ay linggo kaya dinadayo. “Makakapagsimula na talaga siya ngayon, gamay din niya ang lahat kaya pwede na siyang magsimula,” tumatangong sabi ng boss niya. Tumango ang lalaki at tinignan siya mula ulo hanggang baba bago nito itinuro ang isang pares ng uniform na nakahanger sa dingding. “Iyan ang uniform ng mga empleyado dito. Magbihis ka na ng makapagsimula ka,” may awtoridad na sabi nito. Tumango siya at kinuha ang uniform, bumaba siya at nagtungo sa locker upang makapagbihis. Hindi naman siya nahirapang hanapin iyon dahil itinuro naman sa kanya ng isang babaeng empleyado ang daan. Lumabas siya at ngayong gabi ay isa siyang waitress dahil iyon ang numero-unong kailangan ng nasabing cafe. “Table five.” Hindi na siya nagpaligoy-ligoy at kinuha na ang tray at inilagay iyon sa table 5 na nasa gitna. Bale, sampu ang table sa loob ng cafe, malawak iyon kumpara sa cafe na pinagtatrabahuhan niya sa umaga. Natagpuan niya ang isang lalaki na nakataklob ng hoodie na nakayuko. “Here’s your order sir.” Marahan niyang binaba ang order nito pero wala itong imik. Nagpatuloy ang gabi niya pero hindi niya maiwasan na mapansin ang lalaki. Kanina pa iyon doon pero walang problema dahil nag-order naman ito. Dahil bago pa lang siya ay natural na wala pa siyang kakilala. Nginingitian na lang niya ang mga ito sa tuwing may sinasabi or kapag nakakasalubong niya ng tingin. “Katherine, table five. Ikaw na lang ang magbigay parang nakakatakot naman ang lalaki doon. Kanina pa siya doon pero parang medyo may tililing.” Gusto niyang mapangiwi sa sinabi ng katrabaho niya pero pinigilan niya ang sarili. Tumango na lang siya at ngumiti. Kinuha niya ang tray at nagpunta ulit sa table ng lalaki. “Good evening sir. Here's your cheesecake. May gusto pa po ba kayong order or request?” Katulad ng una ay wala pa rin itong naging imik kaya nagpaalam na lang siya. Pero pagtalikod niya ay siya namang may biglang humila sa kanya sa braso, tila nagslow motion ang paligid niya hanggang sa lumanding ang mapula niyang labi sa isang malambot na labi. Nanlaki ang mga mata niya at bumilis ang t***k ng puso niya habang napahigpit na lang ang hawak niya sa tray. Natauhan siya bigla nang marinig niya ang kumusyon ng paligid. Bigla niya itong tinulak at malakas itong sinampal ng tray na hawak niya. Humihingal siyang napaatras. Natagpuan niyang iyon pala ang lalaking nakakulay gray na hood. Nakayuko ngayon ang lalaki at kita niya ang labi nito paano nito iyon dilaan at pumorma para sa isang ngisi, kinilabutan siya at umakyat ito mula ulo hanggang paa. “What is the meaning of this?!” Nangibabaw ang boses ng lalaki niyang Boss. Bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam kung papanigan siya ng boss, natrauma na ata siya. Palagi na lang kasi siyang nagkakaproblema sa mga customer at ang karamihan doon ay mga lalaki. Palaging customer ang tama sa mata ng mga nagiging boss niya pero ito ang mas matindi sa lahat. Dahil ito ang unang beses na ninakawan siya ng halik ng isang customer. Parang gusto niyang umiyak kaso tila pati iyon ay hindi niya magawa, nanghihina siya at hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang malambot nitong labi sa kanya. “It's nothing, kasalanan ko,” sabi ng lalaking nakagray. Para siyang kinalibutan noong marinig niya ang tila musika nitong boses. Boses pa lang ay nakakapanghina na, paano pa kaya kung makita niya ito? Hay naku, ano ba itong iniisip niya. Nakakahiya ang mga pumapasok sa loob ng utak niya! “What? May ginawa ba siya sayong masama?” seryosong tanong ng noss na lalaki sa kanya. Sasagot na sana siya pero sumabat ang lalaki! “I kiss her, why? May problema ka ba doon?” nakangising tanong ng Lalaki. At this time ay nakita na nila ang buong mukha nito at napasinghap siya noong makita niya kung gaano ito kagandang lalaki! Para itong anghel na ibinaba ng Diyos sa lupa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD