Chapter 3

1120 Words
Ang part-timer 3rd Person POV Sa ikalawang araw ni Kath sa paupahan na nilapatan niya ay napagdesisyunan niyang pumasok na sa kanyang trabaho, sinigurado niyang mukha na siyang presentableng tignan bago siya nagpapasiya na pumasok. Ayaw niyang makita siya ng kahit sino na nagdaan siya sa problema. At higit sa lahat ay ayaw na ayaw niyang mahina siya sa paningin ng iba dahil ayaw niyang pagsamantalahan siya ng iba. Kay Jerico lang ata siya naging mahina pero mula ng gabing iyon ay sa tingin niya ay may malaking pagbabago ang magaganap sa buhay nilang dalawa. Pinaghandaan niya na rin ang pagkasira ng kanilang pagkakaibigan. Napabuntong hininga siya at inayos ng maayos ang kanyang buhok para sa isang ponytail, pinataas niya iyon ayon sa kagustuhan niya. Pagkatapos niyang ihanda ang lahat ay sinigurado niyang nakalock ng mabuti ang tinitirhan niya ngayon, hinayaan niya lang ang nag-iisang bintana dahil may tila rehas naman iyon. "Ito ang unang beses kitang makikitang lumabas, papasok ka sa school?" nakangiting tanong ng landlady. Nasa kahera ang ginang at nagbibilang ng perang kinita mula sa hindi na kalakihang tindahan. Umiling siya. "Hindi po, hindi na po ako nag-aaral, may trabaho po ako," sabi niya. Bumakas ang gulat sa mukha nito. "Hindi ba at bata ka pa? Ilan taon ka na nga ulit?" "Sixteen po," sabi niya. "E ang bata mo pa! Bakit hindi ka magpatuloy? Mas maganda kung may tinapos ka, ang gandang bata mo pa naman," nanghihinayang na sabi ng landlady. Medyo gumaan ang pakiramdam niya sa ibinigay nitong compliment sa kanya pero pinili niya na lang ngumiti. Binayaran niya na lang ang mga kinuha niyang pagkain at umalis na siya. Naging madali ang pagpunta niya sa trabaho dahil malapit na lamang iyon, pwede na niyang lakarin at iyon nga ang ginawa niya hanggang sa makarating siya sa tamang lokasyon. At nagtaas ang mga kilay ng mga katrabaho niya pagpasok niya sa cafe. "Hinahanap ka ni boss," masungit na sabi ni Myca na siyang sinalo lahat ng inggit sa katawan. Tumango siya, inaasahan na niya iyon dahil hindi pumasok ng trabaho na walang paalam kaya nagtungo siya sa office ng boss nila. Kumatok siya at kita nito mula sa glass nitong pinto ang dalaga kaya agad niyang nakita noong nagsalubong ang kilay nito. Sinenyas nito ang daliri na pumasok siya kaya iyon din ang ginawa niya. Naupo siya sa single sofa. "May gana ka pang pumasok, matapos mong hindi pumasok na walang paalam?!" Napaigtad siya sa pagsigaw nito at napangiwi ang labi niya, napayuko siya ng awtomatiko. "Sorry po madam, e nagkaproblema po kasi sa bahay." Paliwanag niya. Huminga ito ng marahas at marahan na binanat nito ang mukha gamit ang mga mapuputi nitong kamay. "Nasisira ang ganda ko sa inyo, hanggang ngayon ay iniistress nyo ako," umiiling na sabi nito. Bumungisngis siya pero natigil dahil sumama ulit ang tingin nito sa kanya. "Sa susunod ay magpaalam ka ng maayos para naman pinalitan ka kaagad, hindi yung basta ka na lang a-absent," mapagpasensya nitong sabi. Mabait ang boss nila at may malasakit sa tulad niyang nagtatrabaho para sa pamilya kaya naiintindihan siya nito ngayon pero nagkamali siya, hindi niya dapat dinadamay ang trabaho niya kung may problema siya. "Sorry po, hindi na mauulit boss," sabi niya. Tumango ito. "Sige na, magbihis ka na doon at magtrabaho, kung ayaw mong bawasan ko ng kalahati ang sahod mo," masungit na sabi nito. Ngumiti siya ng malawak at tumango dahil ayaw niyang mabawasan ang sahod niya. "Thank you po ng marami!" masigla niyang sabi. Tumayo pa siya at nagpasalamat ng marami pero nagsawa ang boss niya dahil sinungitan na naman siya nito at pinalayas sa opisina nito pero kahit na ganun ay natutuwa pa rin siya. Walang makakapantay sa kabaitan ng boss niya kumpara sa mga nakaraan niyang boss. Nagtrabaho siya pero hindi naging sapat ang oras upang makalimutan niya ang problema dahil kahit na busy siya ay naaalala pa rin niya ang mga problema sa pamilya. Napabuntong hininga siya at naupo pansamantala sa isa sa mga upuan pero hindi pa siya nakakapagpahinga ay tinawag siya ni Myca. "Kath, may naghahanap sa iyo sa labas, labasin mo na, baka manggulo pa iyon dito," mataray na sabi ni Myca. Tumango lang siya at tumayo na at tumingin sa salamin na bintana at nanlumo siya noong makita niya ang nanay niya. Napapagod siyang napayuko at lumabas ng pinagtatrabahuhan niya. "Nay," mahinang tawag niya sa pangalan ng Ina niya. Humarap ito sa kanya at namewang sa kanyang harapan. "Wala nang grocery sa bahay, baka naman gusto mong magbigay? Alam mo namang kailangan iyon ay hindi ka pa magkusa," mataray na sabi ng nanay niya. Yumuko siya at tinignan ang kanyang wallet. Pinakita niya iyon sa Ina. "Kay bunso na lang ito nay," sabi niya. Bumaksik ang mukha nito. "Aba, e bakit wala kang naipon?! Bili ka kasi ng bili ng kung ano-ano! Hindi mo muna kami inuuna! Alam mo namang magugutom kami!" galit na galit na sabi nito na akala mong hi-highbloodin sa sobrang galit. Muli siyang humugot ng buntong hininga at ibinigay ang pera sa Ina. "Kayo na po ang bahala, iyan lang po ang kaya ko ngayon. Kayo na po bahala sa grocery, babawi na lang po ako sa susunod," matamlay na sabi niya. Tumalikod na siya, ito ang unang beses na magiging madamot siya, gusto muna niyang unahin ang sarili ngayong buwan. Ngayon lang naman e, hindi naman sila agad mamatay kung magiging madamot siya minsan. Narinig niya pa ang pagwawala ng nanay niya pero hindi na niya pinansin iyon at sinabihan ang guard na huwag itong papasukin dahil manggugulo lamang ito. Ipinagpatuloy niya ang pagtatrabaho hanggang sa sumapit ang ala-sais ng hapon. Nagbihis na muna siya bago siya pumasok sa opisina ng boss niya. "Anong kailangan mo? Bakit hindi ka pa umuuwi? Huwag mo sabihin na babale ka? Pakatandaan mong may kasalanan ka pa," masungit na sabi nito. Umiling siya at sumandal sa kanyang kinauupuan. "Hindi po iyon." "E ano?" Binaba nito ang salamin sa mata at inilagay sa kaha niyon. "Gusto lang po itanong kung available pa po ang part time job na inooffer niyo? Kailangan ko po kasi ng extra income, nagrenta ako ng sarili kong matutuluyan," sambit niya. Bukod sa kailangan niya ng extra income ay gusto din niyang mas makalimutan pa niya ang problema niya sa buhay. "Mabuti naman at lumipat ka na, hindi mo kailangan ng toxic na pamilya. Sige umuwi ka muna, at magpahinga, kailangan ng tao ng kaibigan ko sa cafe niya. Alas otso hanggang ala-una ng madaling araw ang trabaho mo kaya magpahinga ka ng mabuti, at siguraduhin mong mababasa mo ang message ko. Ayokong mapahiya sa kaibigan ko," mataray pa rin na sabi nito na may kalakip na concern.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD