Chapter 2

1072 Words
Bagong tirahan 3rd person POV Lumabas ang dalaga ng bahay nila pagkatapos niyang lagpasan ang checkpoint ng ama, nakita niya ang motor ng kaibigan niya sa hindi kalayuan kaya agad siyang lumapit dito kahit na alam niyang nalalapit ang panibagong tutusok sa dibdib niya at ang nag-aalala na mukha nito ang bumungad sa kanya. "Kamusta?" nakangiti nitong sabi. "Anong nangyari? Bakit namamaga ang pisngi mo?" nag-aalalang sabi nito pagkatapos ng isang matamis na pagbati. Umiling siya, hinahanda na niya ang sarili at kailangan niyang maging matatag ngayon. "Isang tanong, isang sagot Jerico, didiretsuhin na kita," malamig na sabi niya. Kumunot ang noo ni Jerico at nabahiran lalo ng pag-aalala ang gwapo nitong mukha. "May kakaiba, ayos ka lang ba?" tanong ni Jericho. "Isang tanong, isang sagot lang, hindi mo ba kayang gawin iyon?" mapait na sabi niya. Napabuntong hininga ito. "Kaya ko, ano ba ang tanong mo?" Namulsa ito at sumandal sa medyo may kalumaan nitong motor. "Gusto kong sagutin mo ako—may nangyari ba sa inyo ng kapatid ko?" mahina at dahan-dahan na sabi niya. Lalong kumunot ang noo nito sa tanong niya. "Ano bang sinasabi mo? Bakit ko naman tataluhin ang kapatid mo? Alam mo namang bata pa 'yon, hindi ako pumapatol sa bata." Umiiling na depensa nito sa kanya at sinenyas pa nito ang kamay at ulo nito para sa isang pag-iling. Pero bago pa man siya makasagot ay narinig niya na ang malakas na sigaw ng tatay niya at kasabay ng paglipad ng isang suntok sa mukha ni Jerico. Parang dinamba ang dibdib niya sa nangyari. Napasinghap siya at napaatras. “May balak ka bang itago ang lalaking ito?! Alam mo naman ang ginawa niya sa kapatid mo! Nasaan ang konsensya mo?!” sigaw na sabi ng tatay niya. Hindi siya makasagot dahil nangibabaw ang sakit sa kanyang dibdib. Namalayan niyang hila na nito sa damit ang kaibigan niya. Pinilit na magsalita ni Jerico pero hindi nito magawa. Nagtatakbo siyang sumunod noong sa bawat salita ni Jerico ay siyang paglipad ng kamao ng tatay niya sa mukha nito. "Tay!" nagtitiling sabi ni Jessica. "Tumahimik ka! Sinabi ko bang tumayo ka?!" Galit na tanong ng nanay niya sa kapatid niya at nakatanggap ito ng panibagong sampal. "Ikaw na tarantado ka! Ang bata pa ng anak ko! Katorse pa lang pero sinira mo na ang buhay niya!" Galit na pinagsasampal ng nanay niya si Jerico at walang magawa ang lalaki kung hindi tanggapin iyon. "Ano pong sinasabi niyo? Hindi ko pinakialaman ang anak niyo!" Pagdepensa pa ni Jerico. "Hindi po totoo yan! Nagsisinungaling lang siya! Siya iyong gumalaw sa akin!" Kahit na sinabi ng nanay niyang tumahimik ang kapatid niya ay sumigaw pa ito para sabihin iyon. Nalaglaga ang balikat niya. Ano ang totoo? Ano na naman ba itong problemang dumating sa buhay niya? Nagkasala ba siya ng matindi para maranasan ang mga ito? "Gagawin mo pang sinungaling ang anak ko!" Nakatanggap na naman ang kaibigan niya ng suntok. Wala siyang magawa kung hindi manahimik dahil sa pamilyang ito ay ang kapatid niya lang ang pwedeng makialam bilang isang anak. Bago pa tumulo ang luha niya ay tumalikod na siya. "Kath! Hindi totoo ang sinasabi nila! Huwag kang maniwala!" Narinig niya si Jerico na sinubukang magpaliwanag pero hindi siya nakinig at umakyat sa taas. Para siyang nabibingi sa sakit. Kinuha niya ang gamit niya. Sa pagdaan niya sa sala ay wala man lang nakapansin na umalis siya. Abala ang lahat sa pagdidiin kay Jericho. Pinara niya ang isang tricyle de motor na dumaan. "Saan ka ma'am?" tanong ng driver. "Sa paupahan po malapit sa Strawberry tea shop," magalang na sabi niya. Tumango ang driver at pinaandar na ang tricycle de motor. Medyo malayo ang sinabi niyang lugar kaya sigurado siyang hindi malalaman ng pamilya niya kung saan siya titira ngayon pansamantala. Gusto muna niyang lumayo at lumayo sa stress na araw-araw niyang natatamasa sa pamilya niya. Nagbayad siya ng isang daan at bumaba na siya sa tricycle de motor. Pagkapasok sa loob ay agad niyang hinanap ang landlady. Mabait ito at magaling makisama kaya agad na gumaan ang loob niya dito. Maganda ang paupahan na napili niya dahil bukod sa mura ay tahimik pa ang paligid, talagang magkakaroon ng tinatawag nilang katahimikan dahil bawal pala ang maingay doon. Wala naman siyang naging pagtutol sa mga rules na sinabi nito dahil lahat ng iyon ay pasok sa panlasa niya. "Dito ka sa third floor hija, wala pang ibang nangungupahan sa ibang kwarto. Kung may kakilala ka ay pwede mong ialok ang paupahan natin, kita mo naman, tahimik at maganda. Pasok sa mga estudyante at pumapasok sa trabaho," nakangising sabi ng matandang babae. Tipid lang siyang tumango. "Maraming salamat po, mauna na po ako ginang, gusto ko na po kasing magpahinga," magalang na sabi niya. Ngumiti din ito at tumango. "Sana ay makatulog ka ng maayos," sabi nito. Nagpaalam na rin ang matanda sa kanya dahil tinatawag na din ito ng pamangkin habang pumasok naman siya sa kwarto. Kulay puti ang theme ng kwarto niya. Maliit lang iyon at sakto para sa kanya. Parang kasing laki lang ng kwarto niya sa bahay nila kung tutuusin. May isang kalan na single, cooler, plato, kutsara, tinidor, mangkok at baso sa ibabaw ng cooler. Isang papag na may manipis na kutson at kumot sa ibabaw, may isang box na plastic sa paanan at bentilador na tagtwo-fifty sa palengke. Pinapahiram iyon sa mga nangungupahan. May renta ring bente pesos ang bawat isa, pumayag din siya dahil kailangan niya ang mga iyon. At kapag may nasira ay kailangan niyang bayaran ng kalahati ang presyo ng nasira niyang gamit. Ni-lock niya ang pinto at pinasok ang tsinelas niya sa loob. Natuwa din siya sa lock dahil doble-doble ang lock bukod sa doorknob, mas matibay ang lock kaysa sa kwarto niya ng bahay ng mga magulang niya na ipinamana ng kanyang lola, sa side ng kanyang ama. Inayos niya ang gamit niya sa isang plastic na box at sinampay naman niya ang uniform niya sa likod ng pinto. May hanger din kaya hindi na siya namomroblema. Pagkatapos niyang ayusin ang lahat ay nahiga na siya sa kama niya. Napangiti siya, mabuti pa dito ay may kutson siya, sa bahay kasi nila ay wala kaya araw-araw na sumasakit ang likod niya bukod sa bugbog ang katawan niya sa trabaho. Pinalis niya ang problema sa isip niya at maaliwalas ang mukha niyang natulog. Ngayon lang siya nakatulog na walang ingay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD