Chapter 9

1134 Words
Greyson Callahan 3rd Person POV “Good afternoon sir, here's your order. Mayroon pa po ba kayong gustong i-order?” ang tanong niya sa kabila ng kanyang pagiging aligaga. Nilapag niya isa-isa ang order nitong egg pie at coffee latte. Nag-angat ito ng ulo at tinanggal ang hood. Parang naging jelly ata ang tuhod niya noong ngumiti ito sa kanya. Siya. Ang lalaking walang paalam na hinalikan siya. Nagsalita ang lalaki sa mababang tinig. “We meet again, Miss Waitress.” May halong tuwa sa tono nito o mali lang siya ng pagka-interpret pero seryoso ang tingin—parang sinusuri siya. “Kung nandito ka para manggulo ulit, pwede kang umalis ngayon pa lang.” Lalo lang itong ngumiti sa sinabi nito, saka tumingin ng diretso sa kanya. “Hindi ako nandito para manggulo. Nandito ako para humingi ng tawad.” Napakurap si Katherine, hindi inaasahan ang sinabi nito. “Humingi ng tawad?” Tumango ito. “Oo. Medyo naging bastos ako noon. Hindi ko dapat ginawa ‘yon. Hindi ko naman talaga ugali ang maging gano’n.” Tumagilid ang ulo ni Katherine, halatang hindi kumbinsido. “Siguro nga dapat mong ayusin ‘yong ugali mong ‘yan, sir.” Ngumiti ito, bahagyang natawa. “Tama ka.” Iniabot niya ang kamay kay Katherine. “Greyson. Greyson Callahan.” Greyson. Mabilis na pumasok sa isip niya ang pangalan ni Doña Mercedes. Ang mansion. Ang alok at banta banta ng ginang. Naalala niya na naman ang takot. “Ano ang kailangan mo?” “Wala akong kailangan. Gusto kong makilala ang babaeng walang takot na sinampal ako ng tray sa harap ng mga tao.” Namula ang pisngi ni Katherine. “K-kasalanan mo naman ‘yon e,” utal niyang sabi. “Hindi ko naman kinakailalala,” nakangising sagot nito. “Isa ‘yon sa mga moment na hindi ko akalaing magugustuhan kong maalala.” Napairap si Katherine, pilit tinatago ang ngiti. “Ang weird mo.” “Marahil,” sagot ni Greyson, sabay buntong-hininga. “Pero seryoso ako. Gusto kong magsimula ulit. Maayos. Walang gulo.” Tumingin siya kay Katherine nang diretso, tapat ang mga mata. “Alam kong may sinabi si lola sa’yo. Hindi ako sang-ayon sa paraan niya. Gusto kong ipaliwanag ang sarili ko, hindi para ipagtanggol siya, kundi para hindi mo ako husgahan dahil sa mga ginawa niya.” Tahimik si Katherine. Sa gitna ng ingay ng café, tila silang dalawa lang ang naririnig niya. “Kung gano’n,” mahinahon niyang sagot, “Pwede kang magsimula sa pagiging matinong customer.” Pagpapatuloy niya. Napangiti si Greyson. “Deal. But I want to know your name naturally. Hindi dahil sa imbestigador ng lola ko kaya kita nakilala.” Parang natunaw ang puso niya at hindi niya na namalayan na nasabi na niya ang kanyang pangalan. “Katherine,” mahinang sagot niya. “Katherine,” ulit nito, parang sinasambit ang pangalan sa isip. “I'll remember that. Katherine.” “Babalik na ako sa trabaho, baka mahalata na ako e at mahuli pa ako ng nakikipag-daldalan sa customer.” Habang naglalakad palayo, ramdam ni Katherine ang mga matang nakasunod sa kanya. Habang ang mga pisngi niya ay maihahalintulad sa pulang sauce. Naabutan niya pang nagdadaldalan ang ilan sa mga katrabaho niya habang focus ang tingin kay Greyson. “May order pa ba?” tanong niya. “Wala na, Kath. Pwede ka ba muna sa loob? Nag-break kasi iyong tagahugas ng pinggan. Alam mo naman si boss, ayaw niya na may tambak, kami na ang bahala dito,” ang sabi ng isa sa mga katrabaho niya. “Okay, walang problema.” Pumasok na siya sa loob kasabay ng pagkawala ng ingay mula sa labas. Napalitan iyon ng init at ingay ng kusina. Agad niyang nilapitan ang lababo at napangiwi siya sa naipon na hugasin. Sinimulan na niya iyon para makatulong siya sa dishwasher nila. Parang bula lang ang oras niya sa trabaho. Iinat-inat siyang lumabas, kailangan niyang magpahinga ng kaunti bago siya sumabak mamaya sa pang-gabi niyang trabaho. Bago pa man siya makalakad patungo sa apartment niya ay nakita niya na si Grey na nakasandal sa kotse habng pinagmamasdan siya. Nahiya naman siya at kaagad na binaba ang mga braso. Pa-jog itong pumunta sa kanya, hindi maiwasan na hindi tumibok ng mabilis ang puso niya. “Tapos ka na?” “Yup pero need ko munang magpahinga kasi may pasok pa ako mamaya.” “Okay but what if kumain muna tayo tapos sa kotse ka na magpahinga? Ihatid na rin kita sa trabaho,” offer ng kalaki. Alam niya naman na hindi dapat siya nanghuhusga kaagad pero gusto niya lang makasigurado sa kaligtasan niya. “Naku hindi na Greyson, next time na lang. May pagkain na kasi ako sa apartment, baka mapanis,” ang sabi niya. “Ihatid na lang kita? What do you think, hmm?” “Next time na lang din, ako na ang bahala sa sarili ko. Umuwi ka na at magpahinga. Parang kanina ka pa ata sa loob e.” Napatitig sa kanya si Greyson, para bang gusto nitong mabutas ang mukha niya. “Sige na, byeee.” Kinaway niya ang kamay niya at nagsimula nang maglakad. Mabuti na lang at hindi na lang talaga ito sumunod. Pagkadating sa loob ng building ay dumiretso siya sa tindahan ng landlady nila. “Hello po, may natira pa po kayong kanin at ulam?” tanong niya. Hindi totoo na may pagkain siya sa itaas. Sinauli na kasi niya ang mga pagkain para makatipid, siya na lang ang bibili ng pagkain niya. “Uyy nandyan ka na pala. Oo may natira pa, sandali.” Lumapit ang ginang sa styro box at binuksan iyon. “Ayun, may tira pang tinumis. Kumakain ka ba nito?” “Okay lang po, magkano po?” “Fifty lang, oh eto.” Nilapag ang pagkain sa counter at isang extra rice. “Since ikaw ang last customer ng ulam at kanin ko, sa'yo na lang ‘tong extra rice, libre na,” nakangiting sabi ng ginang. “Naku at maraming salamat po. Hindi na po ako tatanggi,” ang sabi niya. “Oh siya, uminom ka ng maraming tubig at vitamins rin. May balak ka ulit pumasok sa gabi?” Tumango siya. Binayaran na niya ang pagkain niya at nagpaalam nang aakyat dala ang kanyang pagkain. Habang kumakain sa maliit niyang mesa, hindi niya mapigilang isipin ang mga sinabi nito. Totoo kaya ang paghingi niya ng tawad? O bahagi lang iyon ng kung anong plano ni Doña Mercedes? Sa isip niya, gusto niyang kalimutan. Pero sa puso niya, alam niyang magsisimula na naman ang gulo. At sa labas ng bintana, hindi niya alam na may isang kotse pa ring nakaparada, hindi umaalis—isang lalaking hindi pa rin tumitigil sa pagtanaw sa ilaw mula sa kanyang silid
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD