Pag-uwi ni Belle sa bahay, nadatnan niya si Amara na umiiyak sa sala. Mabilis niya itong nilapitan at niyakap. “Anong problema?” nag-aalalang tanong ni Belle sa nakababatang pinsan. “Si Papa kasi…” humikbi si Amara, halos hindi makapagsalita. “Bakit? Ano bang nangyayari?” “Si Papa… may malaking utang pala sa dati niyang business partner. Pinakamasama pa, tinakbuhan pa niya. Malaking tao ‘yun, tapos… pamilya pa nila Damon.” Humagulgol na si Amara habang nagkukuwento. “Damon? Sino naman ‘yon?” kunot-noong tanong ni Belle. “Yung mayabang na ‘yon! Ka-eskwela ko sa school,” sagot ni Amara na may halong inis. “Asan na si Tito ngayon?” Umiling si Amara. “Hindi ko alam kung nasaan siya. Ang alam ko lang, wala na kaming bahay… nabenta na raw niya. Tumawag lang siya kanina para sabihin sa ak

