Namataan ni Bop na nakipag-usap ang prime minister kay Sen. Renacia at saka umalis na ang lalaki kasama ang napakagandang chief of staff at bodyguards nito. Napaisip siya kung dalaga pa si Graciela o kaya ay may nobyo. Ilang beses na rin niya kasing nahuli na panay ang titig ng babae sa prime minister kapag hindi ito nakatingin. ‘Babalik na kaya silang hotel? Tsk! Tinawag akong querida kani-kanina lang. Tapos ngayon, ‘di man lang nagpaabisong aalis na? ‘Di niya rin ako nilingon, ah.’ Pagkatapos ng kanilang sayaw ni Martin ay nagyaya na siyang umuwi. Ayaw pa sana nito ngunit nagpumilit na siya kaya nagpaalam na lang ito kay Luis na halatang gusto pa nitong makisaya sa party. “Babalik na lang ako. Ihahatid ko lang si Bop,” ang tugon ng kanyang kaibigan sa birthday man bago sila umalis. N

