Chapter 2: A New Beginning

1060 Words
Ang buong akala ko ay children's toy ang product ng company na inaplayan ko. Nakasulat kasi sa reception area na nasa signage na "Happy Meal" kaya akala ko ay pambata ang mga produkto. Pero nang balikan ko ulit iyon at alisin ang halaman na nakatakip sa dulo ng signage ay ‘Happy Men’ pala ang pangalan ng company. s*x toys pala ang kadalasan na produkto nila. Ayos lang. Malaki naman ang offer nila. Saktong-sakto at may pambayad na ako kay Don Paks. Wala akong gagawin kung hindi magpakuha ng larawan hawak ang iba't ibang klase ng condom. In fairness ay ngayon ko lang natuklasan ang iba't ibang klase ng condom. May glow in the dark, may neon colors, may spikes, may super thin, may fit all sizes at may iba't ibang klaseng flavor din. Napag-isip-isip ko tuloy kung nalalasahan ba ng keps iyon? Bakit kailangang may flavor pa? Wala akong masyadong alam dito since wala naman akong karanasan sa mga ganitong bagay. Ang mahalaga ay ang sahod na makukuha ko. Bukod sa may pambayad na ako sa utang at expenses sa bahay ay may pang tuition na rin ang bunso kong kapatid na si Elly, short for Eliseo. First day ng work ko ngayon at siyempre ay ready na ako para sa photo shoot ko. Agad akong nagtungo sa dressing room para magpa-makeup. Feeling bigatin ang lola mo. May sarili akong makeup artist at sariling dressing room. Sobrang feel na feel ko ang moment na ito. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang maging importanteng tao. After kong magpa-makeup ay dumating naman ang hair stylist ko at ang designer ng damit. Sobrang sexy at kipot ng damit na gusto nilang ipasuot sa akin pero hindi naman malaswa. Bahagyang humubog ang aking katawan sa black dress na suot ko na three inches below the knee. May slit ito na hanggang itaas ng hita na halos umabot na sa baywang. Nagtataka naman ako. Bakit kailangang ganoon pa ang suot ko, eh half body lang naman ang kukuhanan sa 'kin. Backless pa ito, eh hindi naman ako nakatalikod sa picture. Anyway, hinayaan ko na lang at bagay naman sa akin ang sleeveless na plunging black dress na suot ko. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi mag-selfie. Sabay nag-post ako sa social media na may caption na #imsexyandiknowit #feelingblessed #firstdayofwork. Habang nagse-selfie ako ay naalala ko na naman ang ex-bf ko na si Dexter kung paano niya tinuro sa akin ang proper way ng pagse-selfie. Kahit papaano ay may natutunan ako sa lalaking iyon. Sa kalagitnaan ng photo shoot namin ay biglang tumigil ang lahat at napatayo ang mga nakaupo. Pati ako ay napatayo na rin kahit hindi ko alam ang dahilan. Biglang bumulong ang photographer at sinabi na dumating ang CEO at may-ari ng company na Happy Men. Kaya pala bigla silang huminto sa kung ano man ang ginagawa nila at sabay-sabay silang bumati sa lalaking paparating. Ang lahat ay nakaantabay sa pagdating ng CEO. Mabigat ang mga yapak ng paa na papalapit sa kinaroroonan ko na animo’y slow motion kung maglakad. Naalala ko tuloy ang palabas na Baywatch dahil habang naglalakad siya ay hinahangin pa ang kanyang malago at malambot na buhok. Hindi ko akalain na bata pa pala ang boss namin. Ang nasa isip ko ay katulad din siya ni Mr. Corpus na matanda na at mukhang manyakis. Pero ang isang 'to, mukhang dalawa hanggang tatlong taon lang ang tanda sa akin. May pagka-mestizo siya. Mamula-mula ang kaniyang pisngi. At kahit na kaswal lang ang suot niyang damit ay halata naman itong mamahalin. Dumiretso siya sa photographer at tiningnan ang mga larawan na kinunan nito habang ako ay tulala pa ring nakatingin sa kanyang matipunong pangangatawan. Guwapo ang kanyang mukha, matangos ang ilong, mapupula ang kanyang labi at higit sa lahat ay matambok ang puwet. Matambok ang puwet? Syet! Bahagya kasi siyang tumuwad nang tiningnan niya ang larawan mula sa camera ng photographer. Biglang nag-init ang aking mukha at namula ang mga pisngi nang mapansin kong nakatingin na pala siya sa akin habang pinagmamasdan ko ang kanyang likuran. Bakit kasi ang bilog ng kanyang puwet? Lumapit siya sa akin. At habang nakatitig sa aking mga mata ay halos matunaw ako sa kanyang mga titig. Ang ganda kasi ng mga mata niya lalo na ang mahabang pilik-mata. Hindi ko namalayan na sobrang lapit na pala niya sa akin ay halos magdikit na ang aming mga mukha. Sa gulat ko ay bigla akong napaatras palayo sa kanya at hindi inaasahang mawalan ng balanse ang aking katawan. Pero bago pa ako tuluyang mahulog ay nahawakan na niya agad ang aking baywang sabay nagsalita sa akin. "Sa susunod ay tingnan mo ang inaapakan mo para hindi ka mahulog." Paksyet. Suplado pala ito. Ano’ng magagawa ko? 'Eto na nga at nahulog na ako sa kanya. Ayiiieee! Landi much! Pero siyempre hindi ako nagpahalata at bumuwelta naman agad ako. "Sa susunod ay huwag kang masyado lumapit kung hindi ka naman hahalik." Ay! Bakit ba iyon ang nasabi ko? Biglang kumunot ang noo niya. "Excuse me? What did you just say?" Guwapo ka sana, bingi nga lang. "Ang ibig kong sabihin, Sir. Huwag po kayong masyadong lumapit. Shy type po talaga ako." "I see." sabay bitaw niya sa baywang ko. "I'm Bernard Madrigal, the CEO and owner of this company," pakilala niya sa akin. "I'm PB Cagatin," tugon ko sa kanya. "So, you're the model of our new product?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Y-yes, Sir," tumango ako sa kanya. Tumalikod na siya sa akin at muling tumambad na naman sa aking harapan ang kanyang matambok na puwet. Hindi ko namalayan na natapik ko pala iyon na parang may sariling buhay ang aking mga kamay na kahit ako ay nagulat sa nagawa ko. Bigla siyang lumingon sa akin na may halong pagtataka. "M-may dumi po sa pantalon ninyo, Sir. Metikulosa lang po ako kaya bigla kong tinanggal." kung gaano kabilis ang aking kamay ay ganoon din kabilis ang utak kong gumawa nang palusot. Sa totoo lang, sa lahat ng inexperienced ay ako ang maharot! Bago pa siya tuluyang umalis ng studio ay muli niya akong binalikan at sinabi na. "Miss Cagatin, as our model, I need you to come with me tomorrow at the launching of our new product," seryoso niyang sabi sa akin. "Yes, Sir!" mabilis kong sagot. "Sir, saan po pala tayo pupunta bukas?" bigla kong tanong para mapaghandaan ko. Baka kasi malayo. "Hotel Le Madrigal." pagkasabi nito ay bigla siyang tumalikod at naglakad papalayo. "Paksyet! Of all places, bakit doon pa?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD