Habang maganang kumakain si Gabriel ng breakfast. Napalingon ang binata ng may narinig na umubo. Pinukol niya nang masamang tingin ang dalagang naglalakad hanggang sa makaupo ito. "Sorry nga pala kagabi, ha, akala ko kasi magnanakaw ka ,eh,'' hinging tawad nito sa kanya. "Mukha ba akong magnanakaw?" tanong niya habang naniningkit ang mata sa dalaga. "Yes, basta ka nalang pumasok kasi sa kusina, eh," pangdadahilan nito. Naipailing si Gabriel sa inasta ng dalaga. "Ikuha mo nga ako ng plato at kakain ako" utos ni Angela sa kanya. Naikuyom ng binata ang kanyang mga kamao. Kung maaari lang na palayasin niya sa kanyang pamamahay ang dalaga ay ginawa na niya. Naisip niya kung kanino nagmana ang dalaga pero sigurado siyang hindi sa dalawang kuya nito ito nagmana. "Inuutusan mo ba ako?"

