Ang binatang si Gabriel Monzello ay paika-ikang lumakad habang pababa ng hagdan. Napakunot ang noo nito nang may narinig na tumatawa, kaya hinanap ang pinanggalingan nang tumatawa. Nakita ng binata ang kaibigang si Jelo na prenteng nakaupo sa sofa habang pinipigilan nitong tumawa nang malakas. Nilapitan niya ito at tinapakan ang paa ng kaibigan na nakaharang sa kanyang daraan. Narinig niyang napamura ito nang mahina. Umupo siya sa katabing sofa nito. Sisipain na sana niya ang paa ng kaibigan dahil nagpipigil paring tumawa nang lumipat ito bigla ng upuan. "Tol, ba't gan'on kang maglakad? Para kang bagong tuli," Sinamaan niya nang tingin si Jelo. "Alam mo hindi na ako ulit pupunta sa bar mo, may amazona kasing babae roon," Isinandal niya ang likod sa inuupuang sofa. "Pftt! Babae a

