CHAPTER 5

1631 Words
“Ate!” “Farrah!” Mabilis na tumakbo si Ate Winnie papunta sa akin at niyakap ako. “Kumusta ka na? Saan ka tumutuloy ngayon?” agad niyang tanong sa akin. “Kina Lola Ineng ako tumutuloy ngayon. Hindi ako p’wede kila papa, eh!” “Kila… papa?” naguguluhang sambit n’ya. “May asawa na si papa, ate. May mga kapatid na rin tayo na halos kasing edad lang nila Bruce at Lester saka ni Annie, tapos buntis pa si Tita Cathy,” kwento ko. “Cathy,” muli na namang sambit niya. “Oo. Kilala mo s’ya?” kunut noong tanong ko. Marahan siyang tumango. “Tindera ‘yon sa karinderya malapit sa pinagtatrabahuhang construction site ni papa dati. Naririnig ko na ‘yon dati pa, totoo pala talaga,” napapabuntong hiningang sabi nito. “Kayo? Kumusta kayo sa bahay?” Pag iiba ko sa usapan. “Ayon malungkot kasi wala ka. Nahihirapan rin ako sa gawaing bahay kasi sa akin na inaasa lahat.” “Malapit naman na ang pasukan babalik na ng Maynila sila Tito Brenan, kaya makakauwi na rin ako!” masayang ani ko. “Oh! Bakit?” Nakita kong malungkot ang kanyang mukha. “Wala!” Ayon na naman siya sa pagbuntong hininga. “Baka hindi ka na makauwi d’on kasi dito na raw maninirahan sila tito. Balak nilang magtayo ng grocery store, eh!” Nakaramdam rin ako ng lungkot. “Tawagan kaya natin si mama? Baka p’wede na tayong bumukod ng bahay. Para magkakasama na tayo,” suhestyon ko naman. “Simula ng umalis ka hindi ko na ma-contact si mama. Hindi ko alam kung nagpalit ba s’ya ng number o busy lang s’ya sa trabaho, eh.” “Paano na ‘yan ngayon? Magpapasukan pa naman. Kailangan ko rin ng mga gamit sa school. ‘Di bale! Akin na ang number ni mama, ako na lang ang tatawag sa kanya.” Isang linggo na mula ng magkita kami ni Ate Winnie at isang linggo ko na ring sinusubukang tawagan si mama pero wala talaga. “Oh! Apo, bakit nand’yan ka pa sa labas gabi na, ah?” “Wala po,” malungkot kong tugon. “Wala pero halata sa mukha mo na malungkot ka. May problema ka ba?” tanong pa ni Lolo Tonyo. “Magpapasukan na po kasi, wala pa akong mga gamit sa school kasi hindi ko po matawagan si mama.” “Hay naku! Iyon lang naman pala! Ako na ang bahala sa mga gamit mo.” “Talaga po?!” Hindi makapaniwalang wika ko. Nakangiting tumango si lolo sa akin at sa tuwa ko ay nayakap ko siya. “Thank you, lo!” “Farrah!” Bigla akong kumalas sa pagkakayakap kay Lolo Tonyo ng marinig ko ang galit na boses ni Lola Ineng. “Pumasok ka na sa kwarto mo at matulog na!” Utos nito sa akin. “Maaga pa tayong magluluto bukas.” “O-opo,” sagot ko at nakayukong pumasok na sa loob. “Tonyo, tigilan mo, ha!” saway ni lola kay lolo. “Ang ano?” natatawang ani lolo naman. “Alam ko ang ginagawa mo!” Hindi ko na narinig pa ang mga pinag usapan nila dahil umakyat na ako sa itaas para matulog na kagaya ng utos ni Lola Ineng sa akin. Nagsimula na ang pasukan at sina lolo at lola nga ang bumili ng mga gamit ko sa eskwela dahil hindi ko talaga nakontak pa si mama. Si papa ay nag aabot rin ng pera sa akin paminsan minsan na tinatanggihan ko dahil ayaw kong pagmulan na naman iyon ng away nila ni Tita Cathy. Isang beses lang yata ako tumanggap ng pera kay papa at hindi na naulit pa dahil pinag awayan nilang dalawa iyon. Nagtitinda rin ako ng mga kendi sa school bukod sa mga kakanin para dagdag sa aking baon. Sa ganoong paraan ay hindi na ako nanghihingi pa ng pera kina Lola Ineng. Si Lola Ineng ang taga luto ng mga kakanin at ako naman ang taga tinda. Maaga akong gumigising para maglako ng aking mga paninda. Doon kasi nanggagaling ang baon ko sa araw araw. Kapag nakaubos ay binibigyan pa ako ni lola ng extra na pera na iniipon ko naman para sa mga gastusin ko sa school. Paminsan minsan rin ay binibigyan ako ni Lolo Tonyo. Tinatanggihan ko naman iyon ngunit mapilit si lolo at siya pa mismo ang naglalagay ng pera sa ipunan ko. “Farrah,” “Po,” tugon ko ng tawagin ako ni Lola Ineng isang umaga. “Binibigyan ka ba ng lolo mo ng pera?” Napakunut saglit ang aking noo. “Opo,” sagot ko kasabay ng pagtango. “Sa susunod ‘wag na ‘wag ka ng tatanggap ng pera sa Lolo Tonyo mo, ha!” “Bakit po, ‘la?” naguguluhang tanong ko. “Basta! Kapag wala ako dito d’on ka sa labas o kaya magliwaliw ka. Antayin mo akong umuwi. Naiintindihan mo ba?” mariing ani Lola Ineng pa sa akin. Naguguluhan man ay tumango na lang ako. “Sige po,” wika ko pa. “Para ‘to sa ikabubuti mo, Farrah, kaya makinig ka.” Hindi ko man lubusang naiintindihan ang ibig sabihin ni lola ay sumunod na lang ako. Mabait naman kung tutuusin si Lolo Tonyo. Minsan naiisip ko na baka nagseselos si lola. Iyon kasi ang madalas sabihin ni Lolo Tonyo kapag sinasaway ako ni lola sa harapan niya. “Ate Winnie!” Patakbo akong lumapit kay ate ng makita ko siya sa groto ng school namin. “Uy!” Nagulat pa ito ng kalabitin ko siya sa braso. “Ang lalim naman ng iniisip mo’t hindi mo ‘ko napansin,” wika ko. Tumabi pa ako sa kanya. “Anong iniisip mo?” pang uusisa ko pa sa kanya. “Marami,” malungkot niyang sagot sa akin. “Tulad ng?” tanong ko. Tiningnan kong maigi si Ate Winnie dahil matagal itong sumagot. Ang layo ng tingin niya. Ganito siya kapag may problema, eh! “Sabihin mo na. Makikinig ako,” wika ko saka hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. Humikbi siya saka mabilis na pinunasan ang mga pumatak na luha sa kanyang mga mata. “Sobrang miss na miss na kita, eh! Pero wala akong magawa kasi hindi ka naman p’wedeng bumalik sa bahay. Hindi rin ako mapag reklamo kasi si Tito Brenan ang nagpapaaral sa aming tatlo nina Bruce at Lester.” Niyakap ko siya sabay hagod ng kanyang likod. “Madalas na tayong magkikita ngayon kasi may pasok na. Miss na miss ko na rin kayo, ate,” naluluha ring saad ko. “Farrah, hindi ko na kaya. Gusto ko ng umalis sa bahay kasi-“ “You’re here lang pala!” Biglang sumulpot si Brianna kasama ang mga bagong kaibigan. “Dad called me. Umuwi ka na raw kasi maraming gawain sa bahay!” mataray pang sabi nito. “Hindi katulong ang ate ko!” sabat ko naman. “FYI she is!” Pinagtaasan pa ako nito ng kilay. “Ano? Uuwi ka ba o isusumbong kita kay mom?” Pananakot pa ni Brianna sa kapatid ko. “Ate!” Pinigilan ko ang kamay ni Ate Winnie ng magmadali itong tumayo. “Magkikita pa naman tayo, eh! Kailangan ko ng umalis. Mag ingat ka pag uwi, ha.” “Tss!” Ingos ni Brianna saka ako iniwanan kasunod ng kanyang dalawang alipores. Simula ng magkita kami ni Ate Winnie ay ramdam kong may problema siya. Ngunit ang lagi lang niyang sagot sa akin ay nami-miss lang daw niya ako. Nawala ang masiyahing ate ko. Malungkot ang mga mata niya kahit nakangiti. Hindi rin naman kami makapag usap ng matagal dahil palagi siyang nagmamadaling umuwi. “Lola, nandito na po ako!” tawag pansin ko kay lola ng pumasok ako ng bahay. Dumiretso ako sa kusina para ilagay sa lamesa ang pinabili niyang malagkit na bigas at gata ng niyog. “Lola,” tawag kong muli sabay silip sa labas ng kusina ngunit wala si Lola Ineng doon. “Oh! Farrah, anong ginagawa mo diyan?” “Mano po, ‘lo,” wika ko sabay mano sa kanya. “Nasaan po si lola? Nagpabili po kasi s’ya ng malagkit na bigas saka gata ng niyog, eh.” Naglabada ‘yon sa dati n’yang amo mamaya pa ang uwi n’on,” tugon ni lolo. Natigilan ako saglit at naalala ang laging bilin ni Lola Ineng sa akin kapag wala siya dito sa bahay. “Sige po, ‘lo. Magbibihis lang po ako,” paalam ko saka nagmadali ng umakyat sa itaas. Inilagay ko sa hanger ang blouse at palda ko saka nagmamadali ng bumaba. Naabutan ko pa si lolo sa sala habang nanunuod ng t.v. “Sa labas lang po ako, ‘lo. May bibilhin lang po akong school supplies sa tindahan para sa project ko,” wika ko ng nasa bungad na ako ng pintuan. “May pera ka ba?” “Opo! Bond paper lang naman po ang bibilhin ko,” sagot ko pa. “P’wede bang paki timplahan mo muna ako ng kape,” pakiusap niya sa akin. “Naubos ko na pala ang kape ko, eh!” natatawa pang sabi niya sa akin. “S-sige po.” “Farrah, paki dala na lang sa kwarto ang kape ko, ha!” “Opo!” Mabilis kong inilagay sa platito ang tasa ng kape at pumunta sa kwarto nila ni lola dahil wala na siya sa sala. “Ilapag mo na lang d’yan sa lamiseta,” utos ni lolo. Natigilan ako ng marinig kong mag lock ang pintuan ng kwarto. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko si lolo. At kiitang kita ko ang mala demonyo niyang pag ngisi sa akin. “H’wag po!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD