CHAPTER 6

1588 Words
Parang isang bangungot! Bangungot na sana ay magising na ako agad. Ngunit hind! Totoong totoo ang lahat. Hindi ko lubos maisip na bakit si lolo pa? Na bakit ako pa ang kailangang makaranas ng ganito?! “H’wag kang magsusumbong sa lola-“ Hindi natapos ni Lolo Tonyo ang kanyang sasabihin ng tapikin ko ang kanyang kamay na humaplos sa aking buhok. Nakakadiri! Nandidiri ako sa kanya! “Ah!” Nag unahan sa pag agos ang mga luha sa aking mga mata ng hablutin ni lolo ang aking braso at pisilin iyon ng mahigpit. “Subukan mong magsumbong! Hindi lang ikaw ang papatayin ko, Farrah! Papatayin ko ang lola mo! At sisiguraduhin ko na ikaw ang mapagbibintangan kapag namatay s’ya!” Pagbabanta pa ni Lolo Tonyo sa akin. “Hayop ka! Demonyo ka!” sigaw ko. “Magbihis ka na! Maya maya lang nand’yan na ang Lola Ineng mo. Ayaw mo namang matodas ng wala sa oras ang lola mo hindi ba?” Nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “Bilisan mo!” Inihagis pa niya sa akin ang aking mga saplot. Nang mawala siya sa paningin ko ay doon na lang ako napaiyak ng husto. Ito ba ang dahilan kaya pinapalayo ako ni lola sa kanya? Bakit hindi agad sumagi sa isip ko ito? Bakit binalewala ko? “Farrah, may masakit ba sa ‘yo, apo?” tanong ni lola sa akin habang nasa hapag kami. “Oo nga, apo? Masama ba ang pakiramdam mo?” Segunda naman ni Lolo Tonyo. “K-kasi po…” Naumid ang aking dila ng pandilatan ako ni Lolo Tonyo ng kanyang mga mata. Sabay sulyap nito sa walang kamalay malay na si lola. “O-po, ‘la. P’wede po bang umakyat na ako sa itaas? Gusto ko na pong matulog,” paalam ko. “Sige. May gamot sa altar kunin mo at uminom ka kaagad para hindi na magtuloy iyan,” ani lola pa. Napahagulgol na lamang ako matapos kong isara ang pintuan ng aking kwarto. Hindi ko alam kung paano magsusumbong. Kanino ako magsusumbong? O, may maniniwala ba sa akin? Kilala si lolo sa pagiging mabait at matulungin. Kaya sino ang maniniwala sa akin kapag nagsumbong ako? Nang gabing iyon ay nakabuo na ako ng pasya. Babalik na ako sa bahay ni Lola Melba. Kung kailangan kung lumuhod at magmakaawa kay Tito Brenan para makabalik doon gagawin ko. Makalayo lang ako sa bahay na ito. Makalayo lang ako kay Lolo Tonyo na inakala kong anghel. Iyon naman pala ay demonyo! “Farrah!” Pakiramdam ko ay muntik ng lumabas ang puso ko dahil sa pagkagulat ng hilahin ni Lola Ineng ang braso ko kinabukasan. “Magsabi ka ng totoo?!” Tila alam na niya kung ano ang nangyari. “Ginalaw ka ba n’ya?” Nabasag ang boses ni lola sabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Nanginig bigla ang buong katawa ko. Nanginginig ako at kahit gustung gusto kong magsalita ay parang kay hirap gawin. “Farrah!” Sa yugyog na iyon ni Lola Ineng ay nag flashback lahat ng nangyari sa akin kahapon. Ang mga haplos, ang nakakadiring mga halik sa bawat parte ng katawan ko. Ang mga ungol nitong sarap na sarap habang ako ay nagmamakaawa na tigilan na niya. Ngunit tila musika sa kanyang pandinig ang bawat hikbi ko. Ang bawat pagmamakaawa ko. Dahil imbes na tumigil ay tila sarap na sarap pa siya sa paglapastangan sa akin. Wala akong nagawa kundi ang mapahagulgol na lang at nanginging na yumakap kay Lola Ineng. “Lola…” Sapat na ang tugon kong iyon kay lola para makuha niya ang sagot na kanyang hinahanap. “Diyos ko! Diyos ko! Diyos ko!” paulit ulit na sambit ni lola. Hindi na nito alam kung hahawakan ba niya ako o yayakapin para patahanin. “Natatakot ako, ‘la! Papatayin ka n’ya. Sabi n’ya papatayin ka n’ya!” sumbong ko pa. “Tao po! Tao po!” Sabay kaming nagpunas ng mga luha ni lola ng marinig ang pagtawag ng kung sino sa labas. Naunang lumabas si Lola Ineng para tingnan kung sino iyon. “Farrah, may naghahanap sa ‘yo,” tawag ni lola sa akin. Dalawang tanod ang nakita ko sa labas ng lumapit ako. “Kuya Ely, bakit po?” tanong ko ng makita si Kuya Ely na tanod sa baranggay namin. “Kailangan mong umuwi sa bahay ng Lola Melba mo ngayon mismo. Ang Ate Winnie mo kasi,” wika ni Kuya Ely. “Bakit po anong nangyari, kuya?” “Basta! Tara na! ‘Nay Ineng, dalhin na po namin si Farrah, ha!” Paalam ni kuya kay lola bago naunang umalis. “Mag uusap tayo pagbalik mo,” ani lola sa akin bago ako lumabas. Maraming tao sa labas ng bahay nina Lola Melba pagdating namin. Nagmadali akong pumasok ng bahay para makita ko mismo ang nangyayari sa loob. Isang katawan ang kasalukuyang inilalabas sa bahay na natatakpan ng puting kumot ang naabutan ko. “Ate! Ate Winnie!” Parang nag slow motion bigla ang paligid ko ng makita ko ang mga kapatid kong umiiyak at humahabol sa katawang inilalabas ng dalawang lalaki. “Sandali!” Salitang nagpatigil sa dalawang lalaki sa tuluyang paglabas ng bahay. Nanginginig ang buo kong katawan habang lumalapit sa katawang nababalutan ng puting kumot. Isinisigaw na ng utak ko na si Ate Winnie iyon dahil sa pag iyak at paghabol ng mga kapatid ko, pero gusto pa ring makita ng dalawang mata ko. Nanginginig ang kamay ko habang unti unting inaalis ang puting kumot na nakatakip sa mukha nito. “Ate…” mahinang sambit ko ng tuluyang tumambad sa akin ang kanyang maputlang mukha. “Ate ko… Ate… Ate Winnie!” Tumakbo palapit sa akin ang tatlo ko pang kapatid at yumakap sa baywang ko. Habang ako ay yakap yakap naman ang wala ng buhay na katawan ng ate ko. “Ate, bakit? Bakit?!” “Farrah, apo!” Niyakap ako ng mahigpit ni lola. “Taha na! Taha na!” “Lola, si ate! Si Ate Winnie! Wala na si ate… Wala na ang ate ko, ‘la! Ang ate ko! Ate! Ate Winnie!” Pinilit akong iupo nina Kuya Ely ng ilabas na ang bangkay ni Ate Winnie ngunit nahirapan sila dahil sa pagwawala ko at pilit na pagkapit sa katawan ng ate ko. “Farrah, anak!” “Papa! Papa, si ate! Ang ate ko, pa! Papa…” Walang nagawa si papa kundi yakapin ako ng mahigpit. “Taha na, anak. Taha na.” “Bakit?! Bakit si ate?! Bakit?!” patuloy na sigaw ko. “Wala na ang ate ko… wala na ang ate ko… Papa! Pa!” “Mahirap alam ko! Pero kailangan mong tanggapin, anak!” wika ni papa habang hawak ang magkabilang pisngi kong hilam sa luha. “Ayoko! Ayoko! Ayoko, papa! Ayoko!” Paulit ulit na iling ko. “Wala na ang ate mo, Farrah, wala na…” ani papa saka ako muling niyakap ng mahigpit. Sumunod ako sa punirarya kahit ayaw akong payagan ni papa. Kaming dalawa ang matyagang nag abang sa labas. “May isusuot na po ba s’ya?” tanong ng imbalsamador sa amin. “Bibili po kami,” tugon ni papa dito. Pumunta kami sa palengke para humanap ng bestida para kay Ate Winnie. Hindi ko maiwasang umiyak habang isa isang tinitingnan ang mga puting bestidang hinahawakan ko. “Magkano po ‘to?” tanong ko. Sabay pakita ng isang magandang bestida sa tindera. “Two hundred po. One eighty na lang para sa ‘yo,” nakangiting sagot ng babae. Mabilis na dumukot ng pera si papa para makabalik na kami sa punirarya dahil kailangan ng damitan si ate. Pagdating namin sa punirarya ay naabutan namin sina Lola Melba at Tito Brenan doon. Dinala ni lola ang paboritong sandals ni Ate Winnie. “Anong nangyari sa anak ko?” maya maya ay tanong ni papa sa kanila. “Nagbigti si Winnie, Ronnie,” sagot ni Lola Melba. “May problema na pala ang anak ko hindi n’yo man lang alam!” sumbat ni papa. “Tahimik na bata si Winnie. Hindi pala kwento ang anak-“ “Pinalagpas ko ang ginawa n’yong pagpapalayas kay Farrah. Pero ito! Hindi ko palalagpasin ‘to!” “Anong ibig mong sabihin? Na may kinalaman kami dito?!” galit na sabi ni Tito Brenan. “Kung meron mang may kasalanan dito kayo ni Korina ‘yon! Dahil mga pabaya kayong magulang!” Panunumbat ni Tito Brenan kay papa. “Nag asawa ka! Si Korina nasaan?! Inabanduna n’ya ang mga anak n’ya!” “Tama na! Tama na!” Pumagitna na si Lola Melba sa dalawang nagkakainitan. “Respetuhin n’yo naman si Winnie! Kahit ngayon lang!” “Iuuwi ko sa bahay ang anak ko, ‘nay,” wika ni papa. “At anong karapatan mo?!” galit na ani Tito Brenan. “Tatay ako, Brenan!” Pinagdiinan ni papa ang salitang iyon sa mukha ni tito. “Ngayong patay na saka mo kukunin-“ “Kung inalagaan n’yong mabuti ang anak ko magagawa ba n’yang magpakamatay?” Natahimik si Tito Brenan sa salitang binitiwan ni papa. Pakiramdam ko parang may itinatago ito sa amin. Hindi ko lang matukoy kung ano. “Wala si Korina kaya ako ang may karapatan para asikasuhin ang anak ko!” “Ano bang dahilan at mas pinili mong magpakamatay na lang kaysa magkwento sa akin ng mga problema mo?” mahinang sambit ko. Tanong na kahit kailan ay hindi ko na masasagot pa dahil wala na s’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD