Kuya Ria? Si Ria! Bakit siya narito? "Wow! Kuya? Bakit ang ganda mo po?" Manghang tanong ni Chloe at agad na lumapit kay Ria para suriin ang mukha nito. Ria smiled a bit. "Thanks, but you're more beautiful." "Hala, si kuya, oh!" Kinikilig na wika ni Chloe at ngumiti nang malaki. Napaiwas ako ng tingin at kumunot ang noo. Hindi ko alam na may side palang ganito si Ria. More on kasi puro paalala siya sa'kin kapag kausap ko siya. Kapag hindi naman paalala, makulit siya at kung ano-ano ang sinasabi. "Sure po ba kayo na may naisip po kayong dance step sa binigay naming kanta? Kung mahirap po gawan, pwede niyo naman pong baguhin..." Mahinang ani Kira at ngumiti. "Okay lang 'yong kanta. Maganda nga ang choice niyo, e." Napahinga nang maluwag si Kira at tumango. "Buti naman po." "Uh

