"Gusto ko nang makauwi..." Pabulong na wika ko habang naglalakad kami papunta sa may bus. "Pauwi na nga tayo," tugon ni Ezrel, narinig niya pala ang sinabi ko. "Oo nga, pero gusto kong makauwi agad. 'Yong parang teleport, gano'n?" Natawa siya nang mahina. "Gusto mo nang magpahinga agad?" Tumango ako. "Nakakapagod 'yong mga ginawa natin ngayong araw, e. 'Tsaka nangangawit na rin 'yong mga binti ko." Nakangiwing reklamo ko at inunat-unat ang katawan. "E 'di magpahinga ka sa bus. Matulog ka habang nasa byahe," weird ko siyang tiningnan kaya kumunot ang noo nito. "Bakit?" "Ayokong matulog sa bus," "Huh? Bakit naman? Ako naman 'yong katabi mo, ah." Umiling ako. "Ayoko pa rin." "Hmmm, bakit? Naco-conscious ka ba sa itsura mo kapag nakatulog? Cute ka naman kahit tulog, e. May tulo lawa

