"First time mong makapunta sa ganitong lugar?" Gulat na tanong ko sa kanya. Tumango siya habang nakangiting pinagmamasdan ang bawat rides na madaanan namin. "Oo, e." "Talaga ba? Para namang 'di totoo 'yon. Siguro, kung ako ang magsasabi na 'di pa nakakapunta rito, mas kapani-paniwala pa 'yon." Saad ko. "Ito lang 'yong first time ko rito..." Aniya habang tumatawa dahil sa ayaw kong maniwala. "Hindi ka ba dinadala ng mama mo rito dati?" Curious na tanong ko sa kanya. Base sa mga kwento niya sa'kin about sa mama niya, mukha mabait 'yon at ginagawa ang best niya para maiparamdam kay Ezrel ang tunay na saya. Nakakapagtaka lang na hindi pa siya nadala sa amusement park kahit na isang beses. "Hindi, e. Mayro'n kasi si mamang history sa amusement park na hindi niya na gustong binabalika

