"'Tsaka sorry pala, ah." Huminto ako sa pagtusok ng fishball nang magsalita siya. "Saan po?" "No'ng nakaraaan. I warned you, right?" "Uh, yeah. May nakita ka po bang shinigami noon pa na nakasunod sa'kin?" Umiling ito. "Actually, wala." So, pareho kay Ezrel. Ito rin ang sinabi niya sa'kin. Wala rin siyang nakitang kahit anong bakas ng shinigami. "E, paano niyo po nasabi noon na huwag akong matutulog?" "I could feel the presence of a shinigami." Lumayo ang tingin nito. "That's why I tried my best to warn you." "At kasama po roon ay ang paglayo kay Ezrel kahit na siya ang nagligtas sa'kin?" Kunot-noong tanong ko. Napawi ang ngiti sa labi niya at tumango. "Yeah." I just didn't answer. Wala akong maintindihan sa logic nila. Alam kong concern sila sa'kin, pero bakit ba kailangan

