Death Nineteen

2061 Words

Hindi 'to guni-guni lang. Kahit na pauwi na kami, nakasunod pa rin siya kay Dianie. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanginginig ang dalawang kamay ko pero pilit kong tinatago dahil ayokong magtaka silang dalawa at tanungin ako ng ano-ano. Sinusubukan ko ring 'wag masyadong tingnan o pansinin ang shinigami'ng nakasunod sa kanya dahil baka mahalata nito na nakikita ko siya at ako ang sunod na malagot. No'ng mga nakaraan, hindi pa ako sigurado sa kung totoo bang shinigami ang nakita ko noon pero ngayon, sigurado na ako. Shinigami ito... at tiyak na mamamatay na si Dianie. "Misaki, bakit gan'yan ang mukha mo?" Tila inis na tanong ni Dianie sa'kin nang mapansin ako. "U-Uh..." Umiling ako at tipid na ngumiti. "Wala..." Hindi ko napansin na nakatingin na pala sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD