I decided to tell it to Ezrel. He seemed confused right now but I couldn't take it back anymore. Nasabi ko na kaya dapat ko na lang na panindigan. "Bakit ko kailangang i-date si Dianie? Hindi naman siya 'yong gusto ko," pang-ilang beses niya na 'tong sinasabi sa'kin pero hindi ko na lang siya pinapansin. "Ha, Misaki?" Kahit sa kwarto ko, nakasunod pa rin siya. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Hindi mo ba kayang i-date si Dianie kahit na isang araw lang?" "Kaya ko naman pero–" "'Yon pala, e." "Bakit ba gusto mo siyang i-date ko? May sinabi ba siya sa'yo?" Umiling ako. "Wala. Naisip ko lang na bagay kayo at walang masama kung susubukan mo siyang i-date." Mamamatay na si Dianie. Kahit na papaano, hindi naman ako sobrang samang kaklase. Ayoko sa kanya pero nag-aalala pa

