It all happened out of nowhere. Hindi ko alam kung anong nangyari... bigla na lang bumulagta si Nina at huminto ang pagtibok ng kanyang puso.
Pinagbigay-alam agad namin 'yon kay ma'am at tinawagan ang magulang ni Nina. Base sa magulang niya, wala naman daw problema si Nina sa puso kaya isang malaking tanong kung anong nangyari.
"Nakakatakot..." Bulong ng ilan sa mga kaklase ko.
"Oo nga, walang nag-expect na si Nina 'yong tinutukoy ng lola niya na mamamatay..."
Napahinto ako sa pagwawalis ng sahig nang marinig ang bulungan ng isang grupo.
Ngayon ko lang ulit naalala na may hinula nga pala ang lola ni Nina... na mayroon daw mamamatay sa loob ng classroom na ito. Si Nina ba ang tinutukoy niya? Ibig sabihin ay hindi si Ezrel. Kung gano'n... para saan ang reaction na pinakita niya sa'min no'n?
Nevertheless, tama ang sinabi ng isa kong classmate. Ni hindi ko rin in-expect ang possibility na si Nina mismo ang tinutukoy ng lola niya.
She should've been more cautious... pero paano niya 'yon magagawa, e, biglaan masyado ang nangyari? Tila may pumiga na lang na kung sa puso niya para huminto ito sa pagtibok.
Walang nakakita na kahit sino na may parating na gano'n.
I felt sorry for Nina. Halos lahat naman kami ay malungkot dahil sa pagkamatay ni Nina.
Mabait siya. Though, hindi kami close pero nakausap ko na siya ng isang beses at sobrang dali niya lang na i-approach.
"Class, mag-ingat ang lahat sa pag-uwi." Paalala sa'min ni ma'am nang magpunta ito sa classroom para advice-an kami na maaari nang umuwi.
Kanina pa talaga ang uwian pero pinag-stay pa kami ng about 30 minutes para tanungin sa mga nangyari.
Narito din ang nanay ni Nina. Malungkot na malungkot ang mukha nito at hindi makapaniwala sa nangyari.
Actually, hindi ko inakala na nanay 'to ni Nina. Out of the topic siya... pero nakakapagtaka na parang mas matanda siyang tingnan kaysa sa lola ni Nina.
Normal lang ba 'to?
"Misaki, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Ezrel nang makalapit ito sa'kin.
Palabas na kami ng classroom at pauwi na. Mas magiging cautious na rin ako ngayon dahil delikado na. Para ngang gusto ko na lang din magpahula sa lola ni Nina para makapag-ingat na ng triple-triple kung sakali.
"Okay lang ako... ikaw ba?"
"Okay lang din ako,"
Tumango ako at tipid lang na ngumiti. "Kawawa naman si Nina, 'no. Ano kayang nangyari?"
Lumayo ang tingin niya sa'kin. "Oo nga, e..."
"Hindi kaya alam ng lola niya na siya mismo ang mamamatay?"
"Imposible namang malaman 'yon. Kahit na connected ang lola niya sa shinigami, imposibleng malaman kung sino at kailan mismo mamamatay ang isang tao,"
So, iniisip niya pa rin na connected ang shinigami at lola ni Nina? Hindi niya na talaga pinakawalan ang idea na 'to. Pero support ko naman siya if ito ang paniniwala niya.
"Saan ba dinala si Nina? Inuwi na ba siya?" Kakatanong ko pa lang ay may dumaan nang lalaki sa harap namin.
Buhat-buhat nito ang katawan ni Nina na wala ng buhay. Ito 'yong tatay niya. Kasunod nito ang nanay na may dala ng mga gamit ng anak niya. Nakaalalay din ang ilan pang estudyante, katulad ng mga kaibigan at kaklase ko.
"Gusto mo sundan natin sila?" He asked.
"Saan ba sila pupunta?" Tanong ko rin.
"Ihahatid yata si Nina sa bahay,"
"Pero hindi pa naman ibuburol, 'di ba?"
"Uh, oo yata..."
"Uuwi na lang muna ako," aniko at iniwas ang tingin sa kanila. "Magpapahinga muna."
Masyadong nakakapagod. Bakit ba palagi na lang akong nasa lugar kung saan may namamatay? Lagi pang nasasaksihan ng dalawang mata ko. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakakatulog nang maayos sa gabi.
Mabuti na rin na hindi ako naa-attach agad sa isang bagay para hindi masyadong masakit kung sakali mang makita ko silang mawala.
'Yon siguro ang dahilan kung bakit nakakatulog pa rin ako nang maginhawa sa gabi kahit na marami na akong nasaksihan... o baka naman nasanay na lang.
"Ihatid na kita,"
"Hindi na. Umuwi ka na rin. Delikado na ngayon," saad ko sa kanya.
Gusto kong maging ligtas si Ezrel palagi. Ito 'yong unang pagkakataon na na-attach ako sa iba.
"Kaya nga mas dapat kitang ihatid, e, dahil delikado na ngayon." Tugon niya.
Mahilig talaga siyang humanap ng paraan para makalusot at makuha 'yong mga gusto niya, e.
"Sige na, tara–" napahinto ako sa pagsasalita nang may mapansin na isang bagay– no, hindi siya bagay.
Hindi pa kalayuan sa amin ang may dala ng katawan ni Nina. Nakasunod lang din kami at may distansya na hindi kalayuan.
Namamalikmata lang ba ako?
Kinusot ko ang mata ko pero naroon pa rin ang isang hindi pangkarinawang nilalang.
Nakalutang ito ng bahagya sa ere at may hawak na kung ano. Hindi ko masyadong makita nang maayos pero alam kong may hawak ang taong ito... nakatutok iyon sa noo ni Nina.
"Misaki, natahimik ka?" Tanong ni Ezrel sa gilid ko kaya nawala ang focus ko roon.
Tumingin ako sa kanya. "May unusual lang akong napansin..."
"Ano 'yon?"
"'Yong ano..." Nang tiningan ko ulit ang gawi na tinitingnan ko kanina, wala na roon ang nagbubuhat ng katawan ni Nina.
Lumiko na yata sila.
"Ano?"
"Nakatingin ka rin ba kanina sa may hawak ng katawan ni Nina?" I asked.
"Uh, oo..."
"May nakita ka bang kakaiba?"
Kumunot ang noo niya. "Paanong kakaiba?"
"May parang nakalutang, e..."
"Huh?" Nawala ang pagkunot ng noo nito at umiwas ang mata sa'kin. "Nakalutang? Na ano?"
"Hindi ko nga alam, e..." Pinagkrus ko ang braso ko. "Para siyang tao na hindi."
"Baka naman namalikmata ka lang?"
"Hindi, e... kinusot-kusot ko pa ang mata ko pero nando'n pa rin. Imposible namang guni-guni ko lang 'yon,"
"Ano pang nakita mo? I-describe mo pa nga..."
"Hindi ko ma-describe nang maayos 'yong physical appearance niya kasi parang nababalot siya sa kulay itim tapos ang labo na ewan..."
"Ano pa?"
"May hawak siya, nakatutok sa noo ni Nina..."
"Ah..."
"Ang creepy nga, e."
"Guni-guni mo lang 'yon,"
"Bakit? Paano mo nasabi?"
"Kasi kung mayro'n kang nakita, dapat makikita ko rin 'yon. Lalo na 'yong nando'n na mas malapit, 'di ba?"
Napatango ako. "Sabagay..."
"'Wag ka na lang mag-isip ng kung ano-ano. Mai-stress ka lang niyan,"
"Hindi naman ako nag-iisip ng kung ano-ano..."
"Nag-iisip ka. Kinakabahan ka nga dahil baka ikaw na ang masunod na mamatay,"
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Pa'no mo nalalaman 'yong mga gano'ng bagay?"
Natawa siya. "So, tama ako?"
Umiwas ako ng tingin at nagkibit-balikat. "Ewan ko."
"Halata ka kasi, lalo na 'yong expression sa mukha mo."
"Talaga ba?"
He nodded. "Pero 'wag kang mag-alala. Hangga't nandito ako, hindi ka mamamatay. Lagi kitang poprotektahan kahit na anong mangyari."
"Yeah, alam ko 'yon..."
Nang maihatid niya ako sa bahay, inaya ko pa siya na mag-meryenda pero ni-refuse nito dahil kailangan niya na raw na makauwi.
Hindi ko na siya pinigilan para hindi na rin siya maabutan ng gabi. Bukod sa ayoko siyang mawala, ayoko ring makonsensya kung sakaling mapahamak siya dahil late na ang pag-uwi sa bahay.
Sa mga sumunod na araw, mas nag-ingat ako at naging cautious sa paligid ko. Pero pakiramdam ko, mas iniingatan pa ako ni Ezrel kaysa sa pag-iingat ko sa sarili ko.
Madalas kung samahan niya ako sa mga lugar na pinupuntahan ko at panay din ang sunod niya sa'kin kahit na sinasabi kong huwag na.
Kaya inaya ko na siya na lumabas ngayon para malinaw sa kanya kung anong ikinababahala niya.
"Buti at walang practice ngayon..." Mahinang wika ko nang makalabas kaming gate ng school.
"Oo nga, e. Kaso bukas naman,"
Napabuntong-hininga ako. "Para ngang ayokong um-attend, e. Pupunta ka ba?"
"Kung pupunta ka,"
Sumama ng kaunti ang tingin ko sa kanya. "Hoy, bakit ako?"
He chuckled. "Syempre, tiyak na boring kapag wala ka."
Talagang inasa niya pa sa'kin ang pagpunta sa practice? Pakiramdam ko tuloy ay responsibilidad ko kung sakaling hindi siya magpunta kapag hindi ako nagpakita.
"Oo na, pupunta ako bukas." Pag-give up ko sa idea na 'wag nang pumunta.
Tinatamad kasi akong gumising ng maaga. Gusto ko ring gawing dahilan 'yong pagiging introvert ko at hindi ako nababagay sa mga gano'ng gawain pero mas nangingibabaw ang dahilan na nakakatamad ang magpunta sa gano'n.
"First time na lang natin ulit magkita bukas ng weekend, 'no?"
"Oo nga..."
"Buti hindi mo ako nami-miss kapag Sabado at Linggo?" Kunot-noong tanong niya, seryosong-seryoso ang mukha nito.
"Nakahithit ka ba, Ezrel?" Seryoso ko ring tanong sa kanya.
He burst out laughing. "Hindi mo ba talaga ako nami-miss?"
"Well, nami-miss din..."
Wala akong kausap kapag Sabado at Linggo, e. Mag-isa lang ako sa bahay at panood-nood ng mga movies at pakinig-kinig ng music. Hindi ako mahilig mag-social media kaya hindi ako updated pagdating sa mga trends.
Nag-oonline lang ako kapag may titingnan sa GC namin. Minsan kasi, may mga announcement na sinasabi roon si ma'am.
Pero friend na kami ni Ezrel sa Friendsbook. May times na nagcha-chat kami pero mga ten minutes lang– nag-oout din kasi ako agad.
"Kaya inaya mo ako na mag-date ngayon?"
"Huh? Hindi 'to date, ah..."
He smiled. "Joke lang."
"Inaya lang kita kasi gusto kitang makausap..."
"About saan?"
"Napansin ko kasi na nitong mga nakaraan..."
"Oh?"
"Wait, sakay muna kaya tayo, 'no?" Wika ko nang mamataan ang sakayan ng jeep.
Pumasok kami sa loob ng nakaparadang jeep. Sinabi ko sa kanya na mamaya na kami mag-usap kapag nakarating sa pupuntahan. Ayos naman siya roon.
"Libre ko 'to, ah..." Saad ko sa kanya nang makababa kaming jeep.
Pumasok kami sa loob ng maliit na restaurant na pinuntahan namin. Na-try kong kumain dito no'ng nakaraan pero isang beses lang. Nasarapan kasi ako sa mga luto nila kaso hindi ako makabalik dahil mag-isa lang ako. Mas ayos kung may kasama.
Ginawa ko na ring way 'tong pagkausap sa kanya para makabalik ako rito sa restaurant.
"Order ka lang, ako nang bahala..."
"Hindi. Ako ang manlilibre,"
Pinanliitan ko siya ng mata. "Ako na."
"Ako kaya ang lalaki rito,"
"E, ano naman ngayon?"
"Dapat lalaki ang nanlilibre,"
"Ako ang nag-aya,"
"Hati na lang tayo,"
"Hindi,"
"Hati." Pamimilit niya.
"Ako ang magbabayad sa lahat,"
"Sige, uuwi na lang ako..." Tumayo na ito at kinuha ang bag niya sa upuan.
Umismid ako. "Oo na nga..."
Ang galing niya talagang mamilit, e.
"E 'di okay tayo," nakangiting aniya at umupo ulit sa upuan.
Napailing na lang ako sa kanya.
Nang maka-order na kami, nagkuwentuhan muna kami saglit about sa pina-practice naming sayaw hanggang sa dumating ang order namin.
"Nakapunta ka ba sa libing ni Nina?" Tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Umiling ako. "Hindi, e. Ikaw ba?"
Hindi ko naman gano'n ka-close si Nina. Ipinag-pray ko na lang siya no'ng araw ng libing niya.
"Hindi rin..."
Tingin ko, hindi rin naka-close ni Ezrel si Nina. Though, nakikita ko sila minsan na nagkukwentuhan. Magkatabi kasi sila ng upuan kapag time ng ESP.
"Bakit nga pala tayo narito? May sasabihin ka ba talaga o gusto mo lang akong makasama?"
Ang hangin, ah.
"May sasabihin talaga ako, 'no."
"Ano 'yon?" Huminto ito sa pagkain niya.
"Napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na... uh..." Hindi ko alam kung paano ko ipaparating sa kanya ang gusto kong sabihin. Baka kasi ma-offend siya, e. "Panay sunod ka at mas naging doble ang care mo para sa'kin... nagtataka lang ako kung bakit..."
"Ah..."
"Though, hindi ko naman sinasabing ayoko ng ginagawa mo, ah. Syempre, naa-appreciate ko 'yon."
He nodded. "Yes, I know."
"Gusto ko lang malaman kung bakit..."
"Uh, well..." Kumamot ito sa sintido niya at alanganing ngumiti. "I can't really explain it well. Pero gusto ko lang ma-assure na lagi kang ligtas."
Ah, yeah... he's kind.
"Hindi mo naman need na lagi akong bantayan. Syempre, may sarili ka ring buhay na kailangan mong asikasuhin, 'di ba?"
"Oo, pero ayokong mapahamak ka..."
"Hindi naman ako mapapahamak, 'no. Masyado kang nag-aalala sa'kin,"
He chuckled a bit. "Sorry, I can't help it. I really like you."
At doon, hindi na ako nakasagot.
Bakit niya kailangang isama ang like? Siguro, like as a friend? Gano'n nga... malabong magkagusto talaga siya sa'kin.
Should I say that I like him too?
'Wag na nga. Baka kung saan pa kami mapunta nito.
Natapos ang usapan namin na hindi ko alam kung totoo bang nasagot ang tanong ko. Ang tanging sinabi niya lang naman is ayaw niyang mapahamak ako. Marami pa ring tanong sa isipan ko... lalo na kung ano 'yong mga rason niya.
No'ng dumating ang Lunes, maaga kaming nagsipasukan dahil may demo si ma'am at ang section namin ang gagamitin.
"Good morning, class..." Wika nito nang makapasok sa loob.
"Good morning din po, ma'am!" Bati ng ilan sa mga classmate ko.
"Bukas na ang festival niyo, ready na ba ang lahat?"
"Yes po!"
"Oo naman po!"
"Excited na po kami!"
Iba't iba ang sagot nila, habang ako ay nanahimik na lang.
"At oo nga pala..." Humarap sa'min si ma'am nang matapos madikit ang mga visual sa board. "Maghanda na kayo para sa field trip niyo. Hangga't maaari, sabihin niyo na sa mga parents niyo dahil ito ay pang-two days and one night."