Death Eight

2228 Words
"Anong balak mo sa field trip, Misaki?" Patuloy na pangungulit niya sa'kin kahit na nasa gitna kami ng pagkain. Kanina pa siya tanong nang tanong about sa field trip. Actually, kahapon siya in-announce at panay na ang tanong niya pero hindi ko naman masyadong pinapansin. Occupied pa rin ang isip ko sa kakaibang nakita ko. Nailibing na't lahat si Nina pero hindi pa rin ako maka-get over doon. Binabalak ko nga na puntahan ang lola niya at kausapin pero nahihiya naman ako. Tingin ko, wala rin akong karapatan para makialam pa. Baka nga guni-guni ko lang 'yon. Lumalabo na rin kasi ang mata ko kahit na hindi ako palagamit ng mga gadgets. "Wala naman akong balak," sinagot ko na siya para na rin tumigil ito. "Hindi ka sasama?" Kunot-noong tanong niya. Syempre, may kasunod nga naman ang tanong niya. Bakit ko ba in-expect na hindi na siya mangungulit kung sasagutin ko siya? "Hindi," "Bakit?! Sayang 'yon!" Ako naman ang kumunot ang noo ngayon. "Anong sayang do'n?" "Minsan lang may chance na makagala ka," "Mapupuntahan ko rin naman 'yong lugar na pupuntahan nila kung gugustuhin ko," "Pero iba pa rin kapag may kasama ka... may mabubuo kang mas masayang mga memories," "Ah..." 'Yon nga ang kadalasang sinasabi nila. Hindi naman ako fan ng paggawa ng memories kaya ayos lang sa'kin. Wala nga akong close sa mga kaklase ko, e. Dati pa man, 'di na talaga ako sumasali sa mga gatherings. Kapag may school festival, nasa isang tabi lang ako at taga-observe. Palagi akong parang anino lang ng lahat. "Ano? 'Di ka pa rin sasama?" Tiningnan ko siya. "Uh..." Akala niya ba mapipilit niya akong sumama ng gano'n lang? Hindi ba siya aware na introvert ako at walang paki sa mga gano'ng bagay? "Sama ka na, Misaki! Sasama ako, e. Gusto kitang makasama," I looked away as I awkwardly smiled. For sure, kakasamahin siya ng ibang mga classmate ko. Hindi niya rin ako masasamahan. Masusundan ko lang siya ng tingin– 'yon lang ang magagawa ko. "Uh, I'll try..." But I couldn't say no to him right now. Tiyak na hindi niya ako titigilan. "Anong try ka d'yan? I-sure mo na!" He was really kinda annoying when it comes to this... well, all extroverts are like this. "Basta, bahala na." Tumayo ako sa pagkakaupo at niligpit ang mga gamit ko. "Gara, Misaki... sama ka na kasi," "Ita-try ko nga," "Sama ka na, please?" Pinakawalan ko ang isang paghinga at tiningnan siya. "'Wag kang makulit, ita-try ko nga." Tila umurong ang dila niya nang marinig ang sinabi ko. Umiwas ito ng tingin at pilit na tumango. "Okay." Hala... was he hurt? "Uh, ano..." Mali yata ako ng nasabi. Masyadong harsh ba ang pagkakasabi ko sa kanya? "Sorry, Ezrel." "It's okay, baba na tayo." Pag-aya niya sa'kin at naunang maglakad. Nanlulumo ako. Ito ang unang pagkakataon na parang ang layo niya sa'kin at ang hirap i-approach. Ako ang may kasalanan no'n. Bakit ba kasi ako nagsasabi bigla-bigla ng kung ano-ano? I really hate myself for this. "Ezrel..." Mabilis akong naglakad para makahabol sa kanya. "Ezrel." I was calling his name for nth time but he was acting like he didn't hear any of it. Nasaktan ko ba siya? Ezrel was really kind so I didn't want him to get hurt by anyone... nakakainis lang na ako pa 'yong naging dahilan kung bakit siya nasaktan ngayon. Hanggang sa makarating kami sa room ay hindi niya na ako pinansin. Lumipas ang maghapon na tahimik lang siya. Kinakausap siya ng iba kong mga classmate pero panay gesture lang ang sagot niya. Pinagbubulungan tuloy ng ilang mga babae na baka raw na-reject si Ezrel. No'ng uwian na, narinig kong inaya siya ng mga classmate ko na lumabas pero ni-refuse niya 'yon. Hindi ko na siya nilapitan dahil cleaners pa ako. Mukhang pauwi na rin naman siya, o siguro may dadaanan pa. Mga kalahating oras pa bago kami nakatapos sa paglilinis dahil nag-floorwax pa saglit. Medyo madilim na rin nang makarating ako sa labas ng gate. Binalingan ko ang wrist watch ko at nakitang mag-aala sais na pala. Ngayon ko lang na-realize na late na kaming pinalabas ng teacher namin. "Hindi ka pa ba uuwi?" Napatigil ako at unti-unting inangat ang tingin ko nang marinig ang boses niya. Si Ezrel. Nandito pa rin siya. "Uuwi na..." "Bakit nakatayo ka pa rito?" "Tiningnan ko lang 'yong oras..." Aniko at tinaas ang braso ko para makita niya ang wrist watch na suot ko. "Ah..." "Ikaw, ba't 'di ka pa umuuwi?" Tanong ko. "Kanina ka pa nakalabas, 'di ba?" Umiwas siya ng tingin sa'kin. "E, sa wala akong makitang sasakyan." He was lying. Ang dami-daming dumadaan dito. Kahit ngayon. Hinihintay niya ba akong lumabas? "Tara na," pag-aya niya. "Saan?" "Hahatid kita," "Bakit?" Gulat na tanong ko. "Anong bakit?" "Galit ka sa'kin, 'di ba?" "Huh?" Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako. "Tara na nga, gabi na oh." Hindi na ako nakapagsalita at nagpadala na lang sa pagtangay niya sa'kin. Tahimik kaming pareho habang nakasakay sa loob ng tricycle. Walang may gustong magsalita. Nanahimik na lang din ako tulad ng kinasanayan ko. Though, gusto kong magsalita dahil nao-awkward-an ako. Parang nasanay na ang dila ko na dumaldal tuwing kasama siya. "Thank you sa paghatid..." "Welcome," "Aalis ka na?" Aniko nang tumalikod siya sa'kin. "Oo, gabi na, e." Napatingin ako sa langit. Madilim na nga. "Okay, ingat ka." "Yes, ikaw rin." "Uh, Ezrel..." "What?" He was not facing me. "W-Wala pala..." I wanted to say sorry but I didn't know how. Hindi ako makapagsimula ng tanong sa kanya. "Okay, una na ako." Tumango na lang ako at hinayaan siyang umalis. Gusto ko siyang tawagin ulit at kausapin pa pero bukas na lang siguro. Kailangan ko na ring magpahinga. Kinabukasan, school festival na namin. Nakapang-P.E. ako at rubber shoes. Ngayon ko na lang ulit 'to naisuot. Kadalasan kasi ay naka-uniform lang ako. "Hi," Paakyat pa man lang din ako ng jeep ay nasilayan ko na ang magandang ngiti niya sa'kin. Si Ria. Ito ulit siya. Hindi ko na mawari kung coincidence ba talaga 'to o sinasadya niya na, e. Hindi ko siya tinuunan ng pansin at naupo na lang sa tabi niya. "Kamusta ka na?" She– he asked. Hanggang ngayon, nalilito pa rin ako sa pronoun na gagamitin ko para sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na babae siya, e. Nakaka-offend na mas maganda pa siya sa'kin. "Sumasama ka pa rin ba roon sa sinasabi mong kaibigan mo na hindi mo naman gano'n kakilala?" So, he was still in this. Malapit ko nang planuhin ang pagkikita nila ni Ezrel nang ma-confirm ko kung magkakilala ba talaga sila. "Uy, natahimik ka d'yan..." Kinalabit niya ako ng ilang beses pero nagpanggap akong hindi siya napapansin. "Psst, Misaki..." Bakit ba pakulit nang pakulit ang mga tao sa paligid ko? "Sumasama pa rin ako sa kanya," mahinang sagot ko. "Bakit?" "Kaibigan ko 'yon," "'Di mo naman siya kilala," "E, ikaw, kilala mo ba siya?" Pagbaling ko rito. He became quiet and couldn't answer me. Natauhan din siya. "Hindi ko siya kilala pero nagwo-worry ako na baka mapahamak ka kapag–" "Mabait si Ezrel. Hindi niya ako hahayaan na mapahamak," Kahit nga na galit siya sa'kin kahapon ay hinintay niya pa rin ako sa pag-uwi at hinatid sa bahay. Kung hindi mabuting kaibigan si Ezrel, hindi niya 'yon gagawin. "Well, ikaw ang bahala... pero sinasabi ko lang sa'yo 'to para makapag-ingat ka." "Siya 'yong nag-iingat sa'kin," Bumilog ang labi nito na unti-unti ring napalitan nang maliit na ngiti. "I see." Bakit parang bigla siyang naging okay? "Pero mag-iingat ka pa rin," I nodded. "Oo– opo, alam ko 'yon." Nawalan na pala ako ng po sa pananalita ko sa kanya. Ang impolite ko tuloy tingnan... nakakahiya! "Kahit na 'wag ka nang mag-po sa'kin." Nakangiting aniya. "Mas matanda ka po sa'kin kaya need 'yon para sa paggalang," "Ilang years lang din naman..." Three years ang pagitan ng edad namin. Malaking agwat pa rin 'yon kaya kailangan na may galang ako sa pananalita sa kanya. "Para saan pala 'yang mga dala mo?" Pansin niya sa plastic bags na hawak-hawak ko na may laman ng mga ilan sa gamit na kailangan namin para sa booth. In-assign-an kasi kami ng president na 'yong mga hindi raw masyadong tumulong sa pag-aayos ay magdala ng mga gamit na kulang namin. Kaya heto ako, may mga dala-dala. Tumulong ako sa pag-aayos ng booth pero nagdala pa rin ako dahil tiyak na hindi naman nila ako napansin no'ng tumulong ako. "Sa school festival po," "Ah, mayro'n ngayon?" Tumango ako. "Yes po." "You must be excited," he said, smiling widely. Why did he think that? Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi. "Ay, hindi ba?" Patuloy niya nang mapansin ang ginawa kong pagngiwi. "Hindi naman po sa hindi excited pero wala talaga akong pakialam sa mga ganitong event," "Wala ka bang friends?" Kamukha ba ako nila na mahilig makipag-usap sa kahit kanino kaya maraming kaibigan? "Mayro'n po, si Ezrel." "Wait, si Ezrel lang talaga ang kaibigan mo?" "Yes po..." May problema ba siya ro'n? "Friends na rin tayo," nakangiting wika niya. "Eh... huh?" Sure ba siya? "Friends na tayo, okay?" Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at nginitian ako. "You can always talk to me if you want." "Uh, okay po..." No'ng nagpara na ako para makababa ng jeep, hinawakan niya ang wrist ko at lumapit sa tainga ko. May binulong siya sa'kin na hindi ko masyadong naintindihan. "Tama ang iniisip mo..." 'Yon ang iniwan niyang kataga sa'kin bago ako makababa ng jeep. Hindi ko siya maintindihan. Anong tama sa iniisip ko? Ang dami-dami kong iniisip kaya anong tinutukoy niya? Sa sobrang curious, gusto ko siyang balikan at tanungin pero wala na ang jeep. Napansin ko na rin si Ezrel na nakatayo at nakaabang malapit sa may gate. Maraming tao ngayon ang pasok at labas sa school namin. Maaari kasing mag-invite ng taga-labas pero kailangan na mayroong ticket. Gumawa kasi ang school ng 500 tickets. May paraan para makakuha no'n, e, pero 'di na ako nakisali dahil wala naman akong balak na i-invite. Ang makakakuha no'n ay maaaring ibigay sa in-invite niyang pupunta rito sa school para ipakita sa guard ang ticket once na papasok na. Kapag walang ticket ang mga outsider, wala ring entry. Ang alam ko, nakisali si Ezrel sa pagkuha ng mga ticket na 'yon pero binenta niya rin pagkatapos. Talagang mautak ang isang 'yon pagdating sa pera, e. "What's with that long face?" Salubong niya sa'kin nang makalapit ako. "Huh? Uh..." Tinanggal ko ang kunot sa noo ko at umiling. "Wala." Mabuti at hindi niya napansin na nakasabay ko ulit sa jeep si Ria. Baka mag-aalala pa kasi siya ng sobra. Ayokong nag-iisip siya ng kung ano-ano dahil sa'kin. Hindi ko pa naco-confirm pero alam kong may something. Hindi naman kasi normal na gano'n sila no'ng unang mapansin ang isa't isa, 'di ba? "Okay." Umawang ang labi ko nang marinig na mas naging cold ang boses niya. May nasabi ba akong mali? "Tara na," aya niya sa'kin at naunang maglakad. Wala akong idea sa kung anong nangyayari! As in, clueless talaga ako ngayon. Ito ba 'yong unang away ko sa unang kaibigan ko? So, ito pala 'yon... at ito ang feeling. Nakakagulo nga sa isip. Hindi rin masaya. Amg booth na ginawa namin ay nagbebenta ng mga iba't ibang snacks. Ang pinaka-main ay blind date. Marami ngang nagpupunta dito para ipa-blind date 'yong mga crush nila sa kanila. Tatlong araw ang school festival at unang araw pa lang ay ang dami na naming kitang pera. Maganda naman 'yon para manalo kami. May contest kasi na palakihan ng kita. Kung sakali, ito ang first time na mananalo kami. Siguro kaya rin maraming nagpupunta rito ay para masilayan si Ezrel. Napapansin ko 'yong iba, e... bibili ng siomai pero kay Ezrel nakatingin. 'Yong isa nga, muntikan pang matapon ang toyo. "Ezrel." Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na lapitan siya nang lumabas ito ng classroom. Mabuti at sabay ang off namin sa pagbabantay ng booth. Huminto siya at nilingon ako. "Oh?" "Gala tayo, libre ko." Pag-aya ko sa kanya. "May pupuntahan pa ako," "Ah, gano'n ba..." "Oo," "Sige, sige, sa susunod na lang." Tumango lang ito at nauna nang maglakad hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Imbis na maglibot para tingnan ang ilang mga booth, dumiretso na lang ako sa rooftop kaso may mga tao. Na-discover pa ang lugar na madalas kong puntahan. Bumaba ulit ako pero wala akong makita na hindi mataong lugar. "Saan ako pupunta nito?" Bulong ko sa sarili at hinilot ang sintido ko. Last year ko na ngayon sa junior high pero hindi ko pa rin nararanasang magkaro'n ng magandang memory sa school festival na 'to. "Hoy, ito! Walang suot na I.D.!" Nanlaki ang mata ko nang may makasalubong akong mga C.A.T officers. Sila nga pala ang naka-assign sa jail booth! Sakto pa na nakalimutan kong suotin ang I.D. ko... isa pa naman 'yon sa hinuhuli nila! "Uh... patay..." Hindi ko malaman kung tatakbo ba ako palayo o magpapahuli na lang. Talagang wala ng magandang memory ang nangyari sa'kin! Palapit na sila sa'kin nang may biglang humila sa braso ko at iniliko ako sa isang hallway. Sa bilis nitong maglakad, na halos patakbo na, hindi na ako nakaangal at sumunod na lang. "Bakit ka ba kasi hindi nagsusuot ng I.D.?" Mahinang tanong niya sa'kin... ni Ezrel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD